╹CHAPTER 1╹

848 35 38
                                    

Keira's Point Of View☜

Kasalukuyang binabagtas namin ang kahabaan ng isang highway sa bayan ng San Joaquin. Habang naglilibot, naramdaman ko ang presensya ng mga taong lobo malapit sa kinaroroonan namin.

Kung kailan alas cinco na ng umaga at malapit nang sumapit ang bukang liwayway, ay doon sila lumitaw.

Nakadagdag pa sa iniisip namin na ngayon ang oras na matatapos ang curfew hour ng mga mortal. Kaya kailangan namin bilisan ang paglilinis ng kalat sa bayan nila.

“One hundred thirty six degree Northeast.” Hayag ko habang tumatakbo at lumiko sa isang eskinita.

Dahil na rin sa mabilis na galaw naming apat ay hindi kami makakagawa ng ingay habang tumatakbo.

Narating namin ang likod ng isang lumang simbahan, at naaktuhan ang dalawang taong lobo na naghuhukay. Habang ang tatlo ay nagsisilbing bantay. Huminto sila sa ginagawa, at bakas ang pagkagulat sa expression na ipinapakita nila.

“Anong ginagawa niyo?” Tanong ko habang ang atensyon ay nasa hukay. Sa tingin ko ay hindi pa ganon kalalim ang nagagawa nila. Dahil kakaunti pa lang ang nakatambak na lupa sa gilid.

Nagkatinginan sila at sumenyas ang isa na sa tingin ko ay nagsisilbing leader ng pack nila. Sumugod ang dalawang kalaban na may hawak na shovel. Umilag kaming lima nang inihampas nila ito sa gawi namin. Naglabas ng itim at maliit na stick ang apat na kasama ko. Pinindot nila ang button na nasa ilalim nito para humaba ng anim na dangkal. Gawa ang mga ito sa bakal at nagsisilbing armas nila.

“Tapusin niyo na agad. Malapit na ang bukang liwayway.” Utos ko sa kanila.

Sumandal ako sa pader ng lumang simbahan at pinanood ang mga kasama na nakikipaglaban. Kung sakaling hindi nila matapos ang laban kapag sumilip ang araw? Doon na ako kikilos.

Nagbaling ako ng tingin sa hinuhukay nila kanina. Mukhang hindi sila sumadya rito para dumukot ng mga mortal para gawing kauri. Sa ganong paraan sila nagpaparami bukod sa mating.

Kapag nakagat ka ng taong lobo sa kabilugan ng buwan? Magiging katulad ka na rin nila. Kaya matindi ang ginagawa naming pagbabantay. Hindi lang mga mortal ang may benepisyo sa kasunduan, kundi pati rin kami. Dahil napipigilan o napapabagal namin ang pagpaparami ng mga taong lobo.

Noon, minamaliit ko ang mga nilalang na katulad nila. Pero, nung makilala ko si Death? Nagbago ang pananaw ko. Maaaring may mga katulad pa niya na hindi lang nagpapakita.

Bumuntong hininga ako at ibinalik ang atensyon sa mga kasama. May dalawa sa panig ng kalaban ang wala nang buhay, at nakahiga sa damuhan.

Kasabay ng pagtilaok ng manok, ang pagsilip ng kaunting liwanag na nagmumula sa araw. Itinaas ko ang hood ng suot kong itim na cloak, at ganon din ang ginawa ng mga kasamahan ko.

Napagdesisyunan kong lumapit na sa kanila para tapusin na ang laban pero, bago pa ako makalapit ay nagsitakbuhan ang natitira sa kanila. Balak pa sana silang habulin ng mga kasama ko pero, pinigilan ko. Dahil malapit nang magliwanag ang buong paligid.

“Ano pong gagawin natin sa mga labing ito? Tapos na ang curfew ng mga mortal. Tumataas na rin ang araw.”

Bumuntong hininga ako dahil sa tanong ng kasama ko.

“Ako na ang bahala rito. Mauna na kayong bumalik sa mansion.”

Wala na ako ibang pagpipilian pa kundi gamitin ang kakayahan na gawin abo ang katawan nila. Maganda nga ang ganitong kakayahan pero, mabilis ako mawalan ng lakas kaya hangga't maaari? Kailangan kong limitahan ang paggamit dito.

Nang matapos ay lumapit ako sa hukay na ginawa ng mga taong lobo, mababaw pa. Ano kaya ang binabalak nila at bakit kailangan pa nila maghukay?

Nagsimula na rin akong isuot ang gloves ko para protection ng mga kamay. Tumataas na ang araw, at mas nagiging matindi pa ang init na nagmumula rito.
.
.
.
.
.

The Vampire Princess: VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon