╹CHAPTER 2╹

383 20 18
                                    


Keira

Halos isa't kalahating oras na ang inabot ng pag-uusap namin ni Dawn pero, hindi pa rin bumabalik si Sherez.

Napunta ang tingin ko sa direksyon ng grandfather clock, na nasa pagitan ng dalawang bookshelf. Alas tres na pala, at mamaya lang ay bukang liwayway na.

“Aalis ka na, Ma?” 

Bumalik ang tingin ko kay Dawn dahil sa tanong niya. Mukhang napansin niya ang ginawa kong pagtingin sa orasan. Nahimigan ko rin na malungkot ang boses niya.

“Ihahatid muna kita sa dormitory bago ako umalis.” 

Natuwa siya sa sinabi ko at siya pa talaga ang humila sa akin patayo.

Sa hardin kami dumaan katulad ng nais niya at habang naglalakad ay marami pa siyang ikinukuwento sa akin. Natutuwa nga ako dahil kahit wala ako lagi sa tabi niya? Nagagawa pa rin niya ang mga bagay na nais niya at nasa mabuti rin siyang kalagayan.

Bumagal ang mga hakbang ko nang matanaw ang isang Elder na makakasalubong namin sa daan. May kasama siya na dalawang lalaki na nakasunod sa kanyang paglalakad, at member din ng clan nila.

Magkasabay na huminto kaming lahat at nagsukatan ng tingin. Saglit niyang tiningnan si Dawn, bago tuluyang napako sa akin.

“Mauna ka nang bumalik sa silid mo, dadaanan na lang kita bago ako umalis.”

Tinitigan ko si Dawn nang balak pa sana niyang tumutol. At sa tingin ko ay nakuha naman niya ang nais kong iparating.

Nang makaalis na si Dawn at masiguradong wala na ang presence niya sa paligid? Doon na ako nagbaling ng atensyon sa babaeng nakatayo sa harapan ko ngayon.

“Magandang gabi, Lady Isabelle.”  Bahagya akong yumuko para magbigay ng respeto sa kanya.

Isabelle Rowe—siya ang Elder ng Rowe Clan. Isa rin siya sa mga sang-ayon na buwagin ang clan namin. May kamalayan sila na Moonworth Clan ang nakalinya na susunod sa Centrias Clan kung sakali na maalis sila sa posisyon. Kaya ganon na lang ang pagtutol nila na palagpasin ang ginawang pag-aaklas ng Clan namin, at panatilihin kami rito.

“Hindi sumagi sa isipan ko na makakasalubong ang kanina lang ay naririnig kong laman ng usapan sa buong Centrias.”  May halong pagkadismaya sa tono ng boses niya na hindi ko ipinahalatang nahimigan ko.

Balak ko pa sanang sumagot pero sa bilis ng pangyayari? Naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa katawan ng isang puno. Hindi lang iyon dahil inangat niya pa ang katawan ko habang hawak sa leeg.

Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa akin pero hindi ko magawa. Napakalakas niya! Bumibigat na rin ang pakiramdam ko sa buong katawan dahil sa presensya na inilalabas niya.

“Ito ang tandaan mo, Keira Moonworth. Kapag nagkaroon ulit ng hakbang ang Clan mo laban kay Lady Sherez? Ikaw ang una kong hahanapin at papaslangin.”  Nanlilisik ang mga mata niya habang sinasabi ito.

“Lady Isabelle, gusto niyo po bang maabutan ni Lady Sherez ang ginagawa mo kay Keira?”

Nalipat ang atensyon niya kay Suzaine na nakatayo sa hindi kalayuan. Muling nabalik sa akin ang tingin niya at may pwersang binitawan ang leeg ko. Suminghal siya bago binalingan si Suzaine.

“May panahon din kayong dalawa sa akin.”  Banta niya bago naglakad paalis kasama ang dalawang tagasunod niya.

Lumapit sa akin si Suzaine at inalalayan akong makatayo. Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko.

“Ayos ka lang ba?”  May pag-aalala na tanong niya. Tumango lang ako habang minamasahe ang leeg ko.  “Sa tingin ko, in'absorb niya ang lakas mo kaya nanghihina ka ngayon.”

Hindi ko alam kung maiinis ako sa naganap. Wala man lang ako nagawa para ipagtanggol ang sarili ko pero, naisip ko rin na wala nga pala akong laban kay Lady Isabelle. Isa siyang Elder habang ako ay fledgeling pa lang.

“Kailangan mong mag-ingat. Narinig ko ang pagbabanta niya kanina sayo.”

Mahina akong natawa.  “Parang hindi rin siya nagbanta sayo?”

“Ha, iba naman yon. At saka, anak ako ng Elder. Kaya hindi niya ako magagalaw kasi magkakaroon naman siya ng conflict sa mga Brooklyn.”  Proud pang sabi niya na ikinailing ko naman.

Binitawan na ako ni Suzaine nung masigurado na kaya ko nang tumayo mag-isa.

“Ano yan?”  Tanong ko nang mapansin ang hawak niyang papel. May naaaninag kasi akong maliit na larawan ng isang familiar na babae.

Tiningnan niya muna ang hawak bago sinagot ang tanong ko.  “May nag-mail nito kanina. Sa tingin ko ay hindi ka rin maniniwala kapag nakita mo ang mukha at pangalan niya.”

Kumunot ang noo ko dahil makahulugan ang mga titig ni Suzaine sa akin. Tinanggap ko ang papel na inaabot niya sa akin, at pinagmasdan ang laman nito. Isang student application pala. P-Pero, a-anong ibig sabihin nito? Naguguluhan na bumalik ang tingin ko kay Suzaine at marami rin nabubuong katanungan sa isipan ko ngayon.

“Di ba? Kahit ako hindi rin makapaniwala nung makita yan.”

Muli kong pinagmasdan ang mukha ng babaeng malaki ang pagkakahawig kay Death Feddlestone, at hindi lang iyon dahil kulay berde rin ang kanyang mga mata.

“Hindi ko nga alam kung nagkataon rin ba na kapangalan niya ang anak nina Zereth Rutherfold at Death Sederman noon.”

“Serine...”  Bigkas ko sa pangalan niya.  “...Alarcon?”

“Yes, at walang Alarcon sa listahan ng mga Vampire Clans sa bansang ito. Kaya nga dadalhin ko ito kay Sherez. Kailangan ng seal niya para ma-reject ang application at mailagay sa listahan ng mga servant.”

Servant Vampires—sila ang mga uri ng bampira na walang kinabibilangan na clan at sila rin ang nagsisilbi sa mga katulad namin. May mga servant din na Dhampir; sila ang mga kalahating bampira at tao. Pero, may iba sa kanila ang may kinabibilangan na Clan.

Ngunit hindi rin maiiwasan ang mga Dhampir na kumakalaban sa amin kaya wala kaming ibang pagpipilian kundi tapusin ang buhay nila. Dahil kahit kalahating tao sila? Hindi rin nalalayo ang ibang kakayahan nila sa mga tunay na bampira.

“Bakit? Nag-aalala ka ba kapag nakita ito ni Sherez?”

Nabigla ako sa tanong ni Suzaine pero, agad din akong nakabawi.

“Hindi...”  Ibinaling ko ang atensyon sa ibang direksyon.  “Alam ko kung saan ako dapat lumugar. At kahit anong gawin ko, hindi ko na mapapalitan pa ang lugar na iniwan ni Death sa puso niya.”

Ilang beses kong sinubukan na makapasok ulit pero lagi akong bigo.

“Sumusuko ka na agad? Wala pa nga sa kalahati ng immortality natin ang eighteen years.”

Napatitig ako sa kanya nang marinig ang huling linya sa sinabi niya.

“Di ba? O mas gugustuhin mo na habang buhay kang magsisisi dahil wala kang ginawa?”

Hindi ko maitatanggi na may punto nga si Suzaine. Mahal ko pa rin si Sherez. Sa isipin pa lang na hindi siya ang makakasama ko habang buhay? Hindi ko na ito matanggap.

“Mauna na ako, kailangan ko pang daanan si Dawn.”  Nagsimula na akong maglakad pero huminto ako at walang lingon na sinagot ang tanong niya kanina.  “Tama ka, masyado pang maaga para sumuko ako.”

________

The Vampire Princess: VengeanceWhere stories live. Discover now