Kabanata 2

0 0 0
                                    


ISANG BUNTONG-HININGA ang kumawala sa akin habang nakaupo, at padaosdos na sa tiles ng kwarto ko.

Twenty-nine. At mabilis na kumabog ang dibdib ko habang pasulyap-sulyap sa kalendaryong nakasabit sa likod ng pintuan ko. Oo, ngayon lang naman ang dating niya.

Halos dalawang taon akong naghintay sa araw na ito. Tanda ko pa noong unang taon, at kung paano ako humagulgol nang makita ko ang status update niya na 'staying here for good' at ang ayokong bumalik sa pinas, tuldok na may attached photos pa niya, ang isa nakangiti na labas pa ang ngipin habang ang natira naman ay seryoso siyang naglalagay ng carrot sa ginawa niyang snowman. Pasko nu'n. Siya mukhang masaya, habang ako miserable.

Pero worth it ba ang paghihintay ko? May hihintayin pa ba ako? Ang malala e kung nanaisin niya pang bumalik sa taong nanakit sa kanya ng todo-todo, to the highest level.

Napadampot nalang ako bigla ng cellphone ko ng mapansin ko ang pagva-vibrate nito.

Agad akong nabuhayan ng loob nang makita ang kung sino ang tumatawag.

Bardagurl is calling.

For sure, iu-update na naman ako nito. Sinusuportahan nga talaga ako sa katangahan ko.

*Hello, Dev. Hindi mo 'to aakalain! He's here! Nailayo ko ang cellphone ko dahil sa maya't-maya niyang pagsisigaw sa kabilang linya.

"Saan?" I loudspeaker my phone.

*Sa airport. He's so handsome pa rin talaga at ang yummy!

"At ano namang ginagawa mo d'yan? Baka may makakita sa'yo, isipin pa pinadala kita d'yan."

*Bakit hindi ba?

"Shut up!"

*Kailangan manigaw talaga? Trip ba mangbasag ng eardrums?

"Sa'n ba ang sunod na ruta niya?"

*Before I could answer that. Listen, Nate isn't alone! Sino naman kayang kaibigan niya ang sumama sa pag-uwi niya isn't it Ed or Sherw–

*He's with this international model. Maddy is her name!

Maddy?

*Dev, still there? Ang rinig ko tutuloy na siya sa bahay nila at si Maddy mukhang…"

Mga limang segundo bago nasundan ang sasabihin ni Ken. Pigil ang hininga ko.

*Mukhang sa bahay din nila Nate siya didiretso—

Hindi ko na natapos pakinggan ang mga sumunod na sinabi ni Ken nang may kung sino na umagaw ng cellphone ko.

"Ken? How insensitive you are!" And with that Miles turned off my phone, her full attention is on me. I can read between her stares the disbelief and dissapointment. Pero lamang ang pag-aalala sa mga mata niya.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga labi ko kasabay ang nag-uunahang pagbagsak ng luha ko. Nate, who's this girl named Maddy in your life?

Wala sabi-sabing mahigpit na yakap ang bumalot sa akin, habang tumatangis. I've heard enough. Sobra pa nga.

Bakit ba nasasaktan ako? Para sa'n ba 'tong pag-iyak ko? Sobra bang OA? Ano naman ngayon kung mayro'n na siyang iba? Hanap na rin kaya ako?

"Maybe this is the sign for you to move on, Dev." Sasabihin ko palang dapat 'yan sa isip ko, naunahan niya na naman ako. Pero tama ka Miles, siguro ito na oras para umusad na ako.

"Akin na nga 'yang phone ko."

"No." Sagit niya at mas inilayo pa ang cellphone ko. "Mamaya tawagan mo pa si Ken. O kaya si Nate na mismo, e 'di nagkagulo-gulo na kayo niyan."

Doomed To Remain In love With My ExWhere stories live. Discover now