Kabanata 5

0 0 0
                                    


"MAY NANGYARI BA'NG hindi ko alam?" Makailang beses ko na ba sila tinanong ng eksaktong tanong sa 'yan. Well, hindi ko na mabilang. Pero kahit na maglatag ng kongkretong sagot o kahit isang salita man lang, hindi nila magawa. Nananatili silang nakahalukipkip. Hindi matingnan ang isa't isa. Teka— ba't parang namumula pa ata sila? Ano ba'ng nangyayari?

"Umamin nga kayo sa akin." Nagulat sila sa tanong ko. At mabilis na itinuon ang atensyon sa akin.

"Dev, magpapaliwanag kami!" Sabay nilang sagot. "Hindi namin sinasadya, lasing kami pareho kaya—"

"Sabi ko na nga ba!" Nasapo ko ang noo ko, "ano'ng ginawa niyo!? Ba't niyo 'yun ginawa? Akala ko ba ako 'tong sumisira sa buhay ko? Pati pala kayo, gusto niyong sirain ang mga buhay niyo."

Nagsalubong ang mga kilay nila. "O– bakit? Hindi ba ganu'n 'yon? Magda-drugs kayo tapos kunwari hindi niyo alam ang magiging bunga nu'n, ganu'n?"

"Sinong nagda-drugs?" Naguguluhang tanong ni Miles.

"Hindi ba kayo? May nakakita sa inyo, magkasama kayo, galing kayo sa bar na pinunatahan natin kagabi, tumawid kayong kalsada papunta sa kabilang kanto, e du'n sa kantong 'yun nangyayari ang mga palitan ng pera at droga."

"Dev! Hindi ako nagda-drugs, baka 'tong si Ken, oo!"

"Hoy, Miles na napaka-maniac! Tigil-tigilan mo ako d'yan! Ikaw! Oo, sa ating dalawa ikaw ang mukhang user ng illegal drugs!"

"Teka-teka? Hindi kayo nagda-drugs? So ano ba ang dapat kong malaman?"

Wala sa kanila ang nagbalak sumagot. " Miles? Huwag mong sabihing buntis ka na, a? Sinasabi ko nga nga ba!" Agad na natigilan si Miles at tumingin kay Ken. "Hoy, Miles! Akala ko ba nasa akin ang loyalty mo, ba't parang may mas alam pa si Ken tungkol diyan sa dirty secret mo, ha?"

"Ken!" Pinandilatan ko siya. "Baka naman may nabuntis ka na, a? Ano? Pananagutan mo ba? Kunin mo akong ninang, a!"

Bumaling ulit ako kay Miles. "Milestone! Kung totoong buntis ka, please sana naman kilala mo 'yang ama ng dinadala mo, ha? Baka mamaya mahirapan tayo niyan kakahanap ng tatay niyan, ayokong mastress masyado, kukunin mo pa naman akong ninang d'yan—"

"DESIRE EVALYN VERONA!" Agad akong napatakip sa magkabilang tenga ko dahil sa malakas na pagtawag nila sa pangalan ko. Ano'ng problema ng mga 'to?

"Ang lakas, a? Baka makabulahaw na kayo niyan sa mga kapit-bahay ko, hindi ko kayo sagot niyan."

"Pwede ba, tumahimik ka muna kahit saglit lang, Dev. Kahit isang minuto lang."

"Gan'yan ba kapag naglilihi? Parating naiinis? Ayaw sa maingay? At tsaka parang pinagsakluban ng langit at lupa?"

"Hindi ako buntis, okay? Kaya bago pa may makarinig sa'yo, please, Dev, huwag kang maingay, okay?"

Kumunot ang noo ko, "hindi ka buntis?"

"Hindi!"

"Okay, alam niyo, ang gugulo niyo! Umuwi na nga kayo!"

"Dev!"

"Ano na naman ba, Ken? Mukhang hindi ka naman nakabuntis."

"Hindi nga."

" Iyon naman pala, e ano ba'ng pakay niyo sa akin at nandito kayo? Araw-araw nalang andito kayo, wala ba kayong ibang gagawin? Tatambay na lang ba kayo dito sa condo ko, parati? Sinuswelduhan ba kayo para guluhin ang buong araw ko? Ano, sagot!?"

Mabilis pa sa tilaok ng manok at sa pakikipagrelasyon ng isang 12 years old sa kapwa 12 years old ang naging pagsagot nila. "Dev! May nangyari sa'min!"

"Ano'ng ngang nangyari sa inyo? P*nyeta! Iniinis niyo talaga ako, e ano?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Doomed To Remain In love With My ExWhere stories live. Discover now