CHAPTER 1

81 3 0
                                    


Kalagitnaan sa buwan ng disyembre, dinaig ng mga makukulay na parol ang dilim ng gabi. Nagkulay luntian ang himpapawid sa pagsabog ng mga nakagugulat na paputok, kasabay ng humahangang tingin mula sa mga dumadaan. Bawat sulok ng lugar ay halos maukopa na ng mga mamimili sa sobrang dami ng mga bumibili sa ganoong oras. Talaga nga namang dama na ang presensya ng pasko sa maliit na lugar na iyon kahit ilang tulog pa bago ang selebrasyon.

Mula sa poste ng isang shop, nakatayo ang dalawang pigura: nakamasid na animo'y naghahanap ng tiyempo. Hindi tulad ng iba, wala silang hawak na mga bilihin at mukhang wala silang interes sa pagbili ng kahit ano. Ang mga mata nila ay tutok lang sa mga kumikinang na suot-suot ng mga dumadaang mamimili-para bang love at first sight sa termino ng mga romantiko.

Para sa perspektibo nila, ang lugar ay naging isang malaking tukso.

" Ate Raven," Saad ng binatang katabi ni Raven. Itinuro niya ang gintong relo sa braso ng mama habang sinusundan ang direksiyon nito.

" Panoorin mo ng maigi yung gagawin ko, Elai." Siniko siya ni Raven at tinanungaan. Sa ganoong senyas, alam na kaagad nung binata kung anong gagawin niya.

Lumakad si Raven sa gitna ng madla atsaka intensiyonal na binangga ang mama na tinutukoy ni Elai. Hinawakaan niya ng magaan ang braso ng mama at ginamit ito bilang suporta sa pakunwaring pagtipalok ni Raven. Sinakop niya ng buong kamay niya ang relo upang hindi makita o maramdaman ng mama ang hinuhubad na relo.

" Miss, are you alright?" Tingin naman nito.

CLICK! Natanggal sa pagkakalock ang relo. Tiningnan siya ni Raven direkta sa mata para ilayo ang atensyon nito sa braso ng mama. Ngumiti siya sabay arte ng, " Pasensya na po, pasensya na po. Medyo nahilo lang, pero okay naman po."

" Sure ka bang okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng mama.

Mabilis niya itong hinubad sa braso ng mama-sobrang bilis na hindi nito naramdaman o napansin man lang ng mama. Hinawakan ni Raven ang balikat ng mama at maiging inipit ang relo sa pagitan ng hintuturo at hinlalato niya upang hindi maramdaman ng mama ang nakalaylay na relo sa kanyang balikat.

Hindi tinatanggal ang tingin sa mama, nginitian siya ni Raven. Pagpapanatag pa nito, " Okay lang po. Okay lang po. Pasensya na po talaga ha."

Mula sa likod niya, pasimpleng dumaan ng mabilis si Elai tsaka kinuha ang relong nakaipit sa dulo ng daliri ni Raven. Pagkatapos ng ilan pang palitan ng salita, humiwalay rin si Raven sa direksiyon nung mama. Dumirediretso siya para sundan si Elai papunta sa posteng tinatambayan nila kanina tsaka sinuri ang relong ninakaw niya.

" Ang galing mo talaga ate." Komento ni Elai.

" Sapat lang." Tipid ni Raven, sinusuri parin ang ninakaw niyang relo. Kinagat-kagat niya pa ito upang masigurong mamahalin ang batong nakalagay rito.

" Bakit kaya ayaw akong isama ni papa sa mga misyon? Pa'no ako matututo kung 'di niya naman ako tinuturuan ng kagaya sainyo, 'di ba?"

" Wag kang mag-alala, next time sasabihin ko kay Boss Ronan. Sa ngayon, 'wag muna."

Binulsa ni Raven ang gintong relo na ninakaw niya. Hindi pa ito nakuntento kaya tumana-tanaw pa siya ulit sa magulong madla. Papunta na sana siya sa isang ale na may makinang na kwintas nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito-hindi nababakbak ang tingin sa kwintas ng aleng nakatayo sa kabila ng daan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Brave Hunt: Secrets Of His PortraitWhere stories live. Discover now