01

230 9 47
                                    

01

Kung babalikan ang nakaraan, paulit-ulit kong pupuntahan kung saan una ko s'yang nakilala at natagpuan.

-

"Kung papipiliin ka, Ivelle. Anong pipiliin mo, 3rd year college student na matangkad at civil engineering ang course o 2nd year college na legma student at mabango?" Tanong ni Elaine.

"Mag-aral," sagot ko at itinutok ang mata ko sa librong hawak.

Narinig ko ang tawanan ng ilang kaibigang kasama namin sa naging sagot ko. Agad naman umangal si Elaine pero hindi ko pinansin at itinuon ang pansin sa binabasa ko.

"That's the reason why no one tried to court you, Katya Ivelle! You never showed interest in guys." Elaine stated.

I shrugged. "How will I show interest in them when I don't really have an interest in them?"

Slowly, I turned to her. My best friend frowned at me and shook her head.

"Nagtatanong lang naman ako kung sinong mas attractive, eh." Sabi niya.

Ngumisi ako. "Mas attractive 'yung lalaki tuon ang atensyon sa pag-aaral. Ano pa man ang course n'ya o appearance n'ya. Basta studious." Sagot ko at tumayo na nang marinig ang bell hudyat na tapos na ang lunch break.

Inayos ko ang gamit ko at isinabit ang bag sa balikat ko. Gano'n din ang ginawa ng ilang kaklase at kaibigan kong kasama sa library na nagreview para sa exam namin ngayong araw.

Kasabay si Elaine, lumabas kami ng library. Tahimik at deretso ang tingin ko sa hallway habang si Elaine naman ay panay pa rin ang pangungulit saakin tungkol sa kung sino ba raw talaga ang sa tingin ko ay mas attractive.

I was actually saying the truth. Nothing is more attractive than a guy who's studying hard and striving hard to achieve his goals and dreams. Whether he's an engineering or legal management student, or even a guy taking a different course, if he's studying hard and is dedicated to his studies, he's attractive enough to me.

I always appreciate the people around me. I always appreciate everyone's appearance, traits, and hard work. But I really rarely find someone attractive.

Maybe there is really something about someone that I could call attractive enough for me, aside from being studious.

Pumasok kami ni Elaine sa elevator kasabay ang ilan pang kaklase at kaibigan. Tumabi saakin si Elaine habang ako naman ay inaalala ang mga binasa ko kanina.

Puno na halos sa loob ng elevator at hinihintay na lamang magsara ang pinto noon. Dumeretso ang tingin ko sa harapan habang nakatayo sa unahan.

Pinanood kong sumara ang pinto at tuluyan na sanang aandar pataas ang elevator kung hindi napigilan ng isang kamay na humarang upang magbukas ulit iyon.

"Ivelle!" Kinalabit ako ni Elaine.

Nilingon ko s'ya at nawala ang atensyon sa lalaking humabol sa elevator bago tuluyang magsara.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ayan!" Bulong niya at ngumuso sa harapan ko. "Si Levan Arthkael! Attractive ba 'yan para sa 'yo? 3rd year legma student 'yan at nagbabanda!"

I turned to see who she was talking about. My eyes landed on the broad back of the person in front of me.

Wearing a black coat and slacks as his uniform. I could smell his very manly perfume, especially since we're not that far from each other. I couldn't see his face; I could only tell how tall he was and how well built his body was.

I shrugged at Elaine. "If he's not studying hard, he's not attractive to me." I told her and smiled.

Pinagdikit ni Elaine ang labi niya ay napabuntonghininga. "Sige na. Basta nag-aaral ng mabuti, attractive para sa 'yo."

How We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon