Kabanata 02
"MALUNGKOT ka? Hindi ka ba excited para mamaya?" tanong ko paggising ko.
Kasalukuyan na siyang naga-ayos. Dito na naman siya nakitulog kagabi kasi may schedule nga sila ngayon.
Ayaw niya doon kila Tita niya kasi nga hindi siya papayagan non na umalis ng ganito kaaga. Maluwag na nga si Tita ngayon kasi pinapayagan na siyang hindi umuwi, kung sabagay matanda na siya at matigas ang ulo kaya wala na lang din siguro magawa si tita kung hindi hayaan siya kaysa istressin ang sarili niya.
Ilo-launch na kasi iyong mga casts ng show na sasalihan niya at isa siya sa mga napili doon. May mga interviewers at fans din na pupunta. Grabe din dahil nag-trending sa twitter iyong new reality show na iyon dahil isa talaga iyon sa mga shows na inaabangan taon-taon.
Doon kasi talaga kumukuha ng mga bagong artista na bibigyan ng breaks kaya naman alam ko kung gaano kahalaga iyon para sa kanya.
"Ewan, kinakabahan ako. Paano kung walang pumansin sa akin mamaya? Iyong mga kasama ko, may mga malalaking fan base na kaagad. Natakot ako bigla." ani niya.
Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya.
"Ano ka ba! Napili ka kaya alam kong nakita nila ang potential mo. Gawin mo lang ang best mo dahil kung para sa iyo ang isang bagay, ibibigay iyon sa iyo. Ngayon ka pa ba aatras? Nandyan na, oh. Ilang hakbang na lang at kung feeling mo na walang susuporta sa iyo, nandito ako!"
"Ako ang number one fan mo." sabi ko.
Ngumiti siya pero parang malungkot iyon.
"Wala ka naman doon." ani niya.
May pasok kasi ako, eh. Super busy din talaga.
"Nandiyan naman ako sa puso mo, hindi ba? Isipin mo nalang na nandoon ako." sagot ko.
Tumango siya pero dama ko pa din iyong kaba sa itsura at sa kilos niya.
"Una na ako." paalam niya bago kinuha ang mga gamit niya.
Sinundan ko siya hanggang sa motor niya. Pinanood ko hanggang sa makaalis na siya bago pumasok muli sa bahay at humarap doon sa may computer.
Mabuti na lang hindi pa sira ang printer na ginagamit ko noong college kaya makakapag-print pa ako. 2nd hand ko pa itong nabili kasama ang computer kasi needed talaga sa college, ang mahal magpaprint sa labas kaya naman pinagipunan ko talaga.
I edit his photos tapos nilagyan ko ng 'Go! Go! Llander Evangelista, you can do it!' napangiti pa ako nang matapos kong i-print iyon.
I texted my manager na kung pwede half day lang ako kasi may gagawin ako today at napatalon naman ako nang pumayag siya. Isu-surprise ko nalang si Llander mamaya.
YOU ARE READING
Lost in Translation [Completed]
Romance|Freelationship Series # 1| Llander Gian Evangelista and Revian Cerise Reynoso made a promise to not get romantically involved as they believe it would ruin their friendship. They failed to realize that hiding their feelings from each other will lea...