Kabanata 21

93.7K 1.7K 107
                                    

Kabanata 21

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 21

"HOLY Shit! Ano ba naman iyan, Revian? Birthday mo ngayon kaya bakit ka umiiyak?" tanong ko sa sarili ko.

Pagmulat ko palang ng mata ko ay naiiyak na ako agad. Dati naman kasi sakto alas dose pagpatak ng araw ng July 12 ay binabati na ako ni Llander pero ngayon, hindi niya man lang ako naalalang batiin.

Alam kong magkasama na naman sila ni Klea kagabi. Halata naman sa mga IG stories nila na sigurado akong sa parehong lugar lang pinagkunan. Trending kaya sila sa twitter habang pinagtatagpi-tagpi ng mga fans nila iyong mga post nila para lang pakiligin ang mga sarili ng mga ito.

Nakakakilig naman kasi talaga kasi nga bagay naman silang dalawa.

"Happy Birthday, Ate Revi!" bati ni Kisha sa akin pagsagot ko sa tawag niya.

"I'm in Taiwan right now kasi may pageant kami here but I'm sending some PR packages for you. Have a happy birthday, mahal kita." she said.

"Thanks, Kish. Good luck on your pageant!" sagot ko sa kanya.

"Love you, muah!" dagdag niya pa bago kami nagpaalam sa isa't-isa.

She's a busy human being so I appreciate na naalala niya na birthday ko ngayon. Nakokonsensya tuloy ako na nagtatago ako ng secret sa kaniya when in fact, she's really one of my bestfriend. Maybe because she doesn't like that idea of falling in love with someone in the same circle. I get her point kasi kahit ako, ganoon din iyong tingin ko.

Especially now that Llander doesn't have time for me already. Iyong hindi mo nga maamin, nakakasira na ng friendship, what's more pa kapag umamin na, hindi ba? Baka hindi na lalong mag-usap.

Binati din ako ni Derrick at sinabi niya na ite-treat niya ako ng coffee once hindi na siya busy. Si Thunder, binati ako sa IG pero wala ako sa picture kasi selfie niya lang naman iyong pinost niya kaya naman nag-comment nalang ako ng 'Thank you ha? ang pogi ko dyan' mas okay na kasi iyon kaysa magpost siya ng epic pictures ko kagaya ng palagi niyang ginagawa tuwing birthdays namin. Weird din kasi siyang bumati talaga.
Lyle sent me a very long sweet message dahil naka-birthday leave kasi ako ngayon.

"Happy Birthday, Anak." sabi ni Mama after kong sagutin iyong video call niya.

Minsan lang siya makatawag dahil medyo mahigpit iyong amo niya kaya naman gumaan iyong pakiramdam ko nang makita ko siya sa screen ngayon.

"Thank you, Ma." sabi ko.

Naiiyak na naman ako. Nagiging emotional na ako lately. Ano ba naman itong nangyayari sa akin?

"Nagpadala ako ng package sa ate mo. Kunin mo na lang doon iyong para sayo." sabi niya.

"Nag-abala ka pa, hindi ba sinabi ko naman sa iyo na mag-ipon ka diyan para sa sarili mo? Okay na kami dito, malalaki na kami." sagot ko sa kanya.

Lost in Translation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon