Kabanata 41
SOBRANG busy ng mga sumunod na araw para sa akin kasi inisa-isa ko na iyong mga kailangan ni Cherry para sa birthday niya.
Hands on ako sa lahat from cakes to decorations and sa foods na ihahanda.
She said she wanted an 'Encanto Disney' themed birthday kaya naman naghanap talaga ako ng shop na nagtitinda ng ganoon from balloons to banners, nagpagawa pa nga ako ng personalized na standee kasi wala akong mahanap anywhere.
Nag-leave din ako ng two days before para ma-assure ko na maayos ang lahat. Ayoko kasing natataranta sa araw ng birthday niya.
Ito ang unang birthday niya na magce-celebrate kami ng magkasama kaya naman gusto ko na perfect lahat.
Walang dapat sumira ng araw na ito."Ma, Tita, okay na po ba ito?" tanong ko kila mama at tita at pinatikim sa kanila iyong sauce ng carbonara na niluluto ko.
Tumango naman sila at nag-approve. Ilang araw ko din iyong prinactice. Nasa may living room si cherry at kalaro niya iyong anak nila tita at anak ng mga kapatid ko. Ang saya-saya niya kasi ang daming tao sa bahay.
Dadating din mamaya sila Lyle. Halos lahat naman ay kamag-anakan lang namin dahil nga super private ng buhay ni Llander, artista iyon at hindi naman pwedeng ibulgar sa iba na may anak na nga siya dahil may image siyang inaalagaan.Ngayon may trust issue na talaga ako sa buhay ng mga artista. I just realized na kilala lang talaga natin sila sa TV pero wala tayong alam sa totoong nangyayari sa buhay nila unless i publicized nila ito.
Naalala ko na pupunta din sila Thunder, Derrick at Kisha mamaya. Excited ako na natatakot. I mean... kaibigan pa din ang turing ko sa kanila pero sila kaya? Ang tagal ko silang in-ignore kaya hindi ko sila masisisi if may tampo sila sa akin.
Mamaya pa darating si Llander, he said he's on the way pero halos 6 hours ata ang byahe niya.
He really wanted to be with Cherry today. Nakita ko naman na every birthday ni Cherry ay present talaga siya. Sabi pa nga ni Lora na one month before palang ay pinapa-ayos na sa kanila ni Llander ang mga kailangan para sa birthday nito every year.
Best Dad Ever.
After kong magluto ay lumabas na ako para icheck kung okay na iyong venue. Sa may garden lang naman iyon. Iyong backdrops ay okay na, maging iyong mga chairs and tables na encanto-inspired din, pati iyong dress na susuotin ni Cherry mamaya ay inspired kay Mirabel. Ang cute niya noong isinukat niya iyon. Pinakulot din namin iyong buhok niya para kuhang-kuha talaga.
Pagdating ng alas-dos ay nag-ayos na kaming lahat, alas-tres kasi ang start ng party atsaka nagsisimula nang magsidatingan ang mga bisita.
I wore a simple dress inspired by Julieta Madrigal's dress, iyong mother ni Mirabel. Ang cute naming dalawa ni Cherry. We took photos together bago kami bumaba. Pagbaba namin ay nandoon na si Lyle at Brent. Agad nilang binigay ang regalo nila kay Cherry.
BINABASA MO ANG
Lost in Translation [Completed]
Romance|Freelationship Series # 1| Llander Gian Evangelista and Revian Cerise Reynoso made a promise to not get romantically involved as they believe it would ruin their friendship. They failed to realize that hiding their feelings from each other will lea...