Chapter 10: What Circumstances?

31 6 75
                                    

Chapter 10: What Circumstances?



Third Person's Point Of View.



Hawak-hawak ni Yeon ang puting folder na inaayos niya habang papasok siya sa bahay ng mga magulang niya nang biglang hinablot 'yon at pinagpupunit ng lolo niya.

Nagulat siya, "L-Lo w-wala na po akong kopya ni—" Napaligid ang mukha niya nang malakas siyang sampalin ng lolo niya.

"Umamin ka sa akin Gavril! May nangyayari ba sa inyo ng dalagang iyon? Nalaman ko na magkasama kayo buong gabi—"

"Lolo, wala. Nothing happened between me and Sierah." Paglilinaw ni Yeon sa kaniyang lolo na galit siyang tinititigan.

"Wala? Kung ganoon ano ito!?" Napapikit muli si Yeon ngunit sinalo ang litrato na isinampal sa kaniya.

Ang litrato na 'yon ay ang paghalik ni Sierah ng hindi sadya kay Yeon noong inakala nito sa si Yuno ang binata.

"She kissed me there, lolo. H-Hindi ako ang humalik diyan—"

"Sa oras lang talaga na malaman ko Gavril." Mariing sabi ng lolo niya at dinuro siya.

Bumuntong hininga si Yeon at nasapo ang noo, "Kuya." Lumapit kaagad si Azi kaya umalis si Yeon doon dahilan para sumunod ang nakababata nitong kapatid.

"Kuya, bakit nagalit na naman si lolo ng sobra?" Mahinang tanong ni Azi nang makapasok sa kwarto, padabog naman na ibinaba ni Yeon ang litrato na kaniyang hawak.

"Fuck!" Galit na sigaw ni Yeon at galit na sinipa ang upuan sa study table niya.

"Kuya, kumalma ka nga—"

"Eh tangina! Lahat ba big deal sa kaniya? What the fuck? he's the only reason why I'm even doing this shit!" Yeon yelled and smacked the table.

"Gusto mo na ba si Sierah?" Sa tanong ni Azi ay natigilan si Yeon, agad na umiwas tingin.

"Sa tingin mo ba magugustuhan ko yung babae na 'yon? Ang sakit niya sa ulo." Mariing sabi ni Yeon, tila hindi wari kung labas sa ilong ang sinabi.

"Is there any reason not to like her? She's still kind, kuya. So tell me—"

"Hindi ko siya gugustuhin kahit kailan, ano ba Azi?" Singhal ni Yeon.

"As you should." Matipid na sabi ni Azi at lumabas na ng kwarto ni Yeon.

Bumuntong hininga si Yeon, tahimik niyang nasulyapan ang litrato tsaka siya humilata sa sariling kama.


Sierah's Point Of View.


Ilang buwan na rin ang nakalipas, maayos naman kami ni Yuno at okay rin sila ni Yeon. But then my studies are just ain't right.

Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na bumababa ang grades ko, nagpapasa ako ng outputs, hindi ako delay.

Nag-aaral ako ng mabuti ngunit kulang na kulang 'yon, hindi ko na maunawaan. Isang araw ay nalaman ko na nawawala ako sa rank list ngunit hindi naman ako nag-iisa.

Nasapo ko ang mukha sa sobrang frustrated at stress, nang tumawag si Yuno ay sinagot ko kaagad 'yon. "Helloooo, kain tayo sa labas?" Aya niya kaagad.

"P-Pwede bang bukas na lang Yuno? Wala kasi akong gana." Nalulungkot kong tanong.

"Pwede namang sa condo na—"

"Okay, yayain ko na lang yung mga kaibigan ko. Bye Sierah!" Paalam niya, naitikom ko ang bibig ng mamatay ang tawag.

Pwede namang sa condo ko na lang tayo, Yuno. Hindi niya man lang ako pinatapos.

The Broken Revenge (3G Series #3)Where stories live. Discover now