Maldita... One

12.2K 242 17
                                    

 

**Hello! Thanks sa mga nag-abang neto! Hmm, wala na akong alam na sabihin kasi uumpisahan ko palang ang story. Haha. Open dito ang dedication request ha?

 

 

Enjoy ka sa pagbasa! (*u*)/

 

----o0o----

Maldita...

Yan ang tawag nila sakin. Well, ang masasabi ko lang, wala akong pakialam. Sabihin nila kahit anong gusto nila dahil hindi ako papaapekto. Hindi sila kawalan sa akin. Bahala sila sa pangit nilang buhay.

Basta ako...

gagawin ko kung anong magpapasaya sakin...

kahit anong gusto...

kahit anong naisin ko...

Nasa campus ako ngayon para sa enrollment. Kairita nga kasi ang daming tao. Pati magulang ng ibang students, hinakot pa. Hindi tulad ko na mag-isa lang. Kaya ko sarili ko ok? Diko na kailangan ng alalay.

Kasalukuyan akong nakapila ng makaramdam ako ng kamay sa akin pwitan.

May manyak!

Hinarap ko ang nakapila sa aking likuran tsaka ko agad na sinampal at tinadyakan.

"Bakit mo ginawa yon? Aw. Sakit ah?" maang sabi nya.

Hmp. Bagay lang sa kanya yan. Kilala ko ang lalaking ito na nakaupo sa aking harapan at hawak ang binti na tinadyakan ko. Ang pinakamamahal nilang school president na daig pa ang topperware at orocan sa kaplastikan...

si Xavier Angelo Chen.

"Wala kang karatapatang hawakan ni hibla ng buhok ko kaya wag na wag mong uulitin ang ginawa mo!" malakas na sigaw ko sa kanya.

Wala akong pakialan kahit pa napakarami ng mga taong nandoon. At gaya ng inaasahan ko, nagstart na ang bulungan. Tch. Mga walang magawa.  =_=

"Anong nangyayari dito?" tanong ng guidance teacher, si Teresita Guevarra, na kadarating lang tsaka tumingin sakin.

Bratinella Series 1: Maldita ako. Paki mo. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon