Maldita... Six

5.5K 108 6
                                    


Hello sa inyo!  ^O^



Si Skyler nga pala nasa gilid. hehe  -->


 

Wala akong username sa dedication list ko. Kaya sabihan nyo lang ako kung gusto nyo magpa-dedicate ne? Heto na ud...


 

Enjoy sa pagbasa!  *u*

 

----o0o----

Kaharap ko si Xavier at titig na titig parin sya sakin. Bakit ba sya ganyan?

"Wag mo akong masyadong pagmasdan. Baka matunaw kagwapuhan ko." sabi nya tsaka ini-stretch ang kamay at may inabot sa mesa na nasa kabilang gilid ng kama. Lumayo na sya pagkatapos.

Yun ba dahilan kaya magkalapit mukha namin?

"Gwapo? San banda? Asa ka. Tch." sabi ko nalang bago umupo sa dulo ng kama.

Nakatalikod ako sa kanya.

"Anong kailangan mo?" pabagsak kong tanong.

"Gigisingin sana kita, gising ka na pala. Pwede ka ng umuwi. Tapos na pasok."

Parang ang awkward. Normal naman ang pagsasalita namin pero parang may hindi normal. Parang hindi kami ito. Ang labo. Ang gulo.

Dinig ko ang footsteps nya pero natigil ng nasa bandang door na sya.

"Payo lang... wag mong ipakita ang weak side mo dahil hindi mo alam... baka may magti-take advantage sayo."

Anong ibig nyang sabihin?

Lumingon ako pero wala na pala sya. Nakakalito. Matagal ko na syang kilala pero parang naninibago ako sa kanya...

---

Nakarating nako sa malaki naming bahay. Nandito ako ngayon sa sala na nakaupo at nakayap sa mga tuhod ko. Tinitignan ko ang sugat. Kainis. Wag lang sanang maging scar ito kung hindi, ibabaon ko ng buhay ang Plasticman na yon!  >:(

Bratinella Series 1: Maldita ako. Paki mo. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon