Epilogue

4.9K 132 16
                                    

Ending na ng story. Just click External Link once done kung gusto mong mabasa ang next series nito which is 'Malandi ako. Paki mo.' Dedicated ito para sa lahat ng nagbasa nitong 'Maldita ako. Paki mo.' Ayaw kong maging emotional at baka maiyak ako kaya I'll keep it simple... Thanks a bunch everyone!!! :]

----o0o----

Lumipas na ang maraming araw at dumating ang araw ng engagement ni Plasticman.

Para sa akin ay isa lang itong simpleng araw katulad ng mga nagdaan. Pinag-isipan ko na ang mga sinabi ni ate Barbie at masasabi kong gusto kong ipaglaban ang feelings ko pero para saan pa kung ie-engage na si Plasticman?

Kaya mula sa intersection na kinatatayuan ko noon ay pinili kong kalimutan nalang sya at mag-move on...

"Hey sis, today is the day right? Engagement party ni Boyfie-boyfie number1?"

"So?"  -_-

"Di ka pupunta?"

"Wala akong panahon para dyan. Pasok nako. See you later. Bye ate Josh!"

Lumabas na ako ng gigplace at papara na dapat ako ng taxi ng may car na tumigil sa tapat ko. Meron bumaba kasunod non at binuksan ang pinto sa backseat kaya nalaman ko na ang lola pala ni Plasticman ang nandoon.

"Pasok ka."

"Hindi pwede. May pasok pa ako. Bye."

"Hindi ako nakikiusap. Inuutusan kita."

Napataas ang isa kong kilay. Ngayon ko lang nalaman na may attitude problem din pala ang gurang na ito. Pumasok na ako dahil naisip kong matanda na rin naman sya kaya pagbigyan nalang. Kita ko sinenyasan nya ang driver para umalis bago sya nagsalita.

"Bakit nandito ka pa?"

"Dahil mag-aaral ako?"

"Wag kang pilisopo. Gusto sana kita para sa apo ko dahil nakita kong masaya sya sa iyo. Nakita ko rin kung paano mo sya tignan noon kaya naniniwala akong ikaw na nga ang para sa kanya."

"E ngayon?"  -_-

"Ihahatid kita doon at gusto kong pigilan mo ang engagement ng apo ko sa ibang babae."

"What?!"

"Hindi kita inuutusan. Nakikiusap ako."

"Bat di ikaw? That's a very selfish request! Pinili ng magaling nyong apo kung sino mang hinayupak na babaeng iyon kaya hayaan nyo sya ok?"

"Pano mo nasasabi ang ganyan gayong nag-effort ka rin naman? Natikman ko ang luto mong home made chinese noodles at pasado sa akin iyon kaya ko ito ginagawa."

"Ah so, kung hindi rin naman pala pasado yung pesteng noodles na iyon ay hahayaan nyo rin ang apo nyong mapunta sa ibang babae? Wag nyo akong sisisihin kung bakit ganito ako dahil ganyan kayo at higit sa lahat ay ganon ang apo nyo. Sinubukan ko na syang kausapin at sinabihan nya ako na parang pinapahirapan ko daw sya. Kuha nyo? Kaya kung pwede lang, wag mo na akong idamay sa mga nangyayari dahil wala na akong kinalaman sa kanya."

"Ngayon ko lang nalaman na napakawala mong modo at walang galang pa pero mas gusto na kita kesa sa mapako ang apo ko sa babaeng hindi magpapasaya sa kanya."

"Teka nga ha, ano akala mo sakin? Clown na magpapasaya sa apo mo? Ginagalang pa kita kahit papaano pero hindi lang halata, kaya wag mong ubusin ang pasensya ko at baka may masabi akong hindi maganda. "

"Ganyan ka ba talaga kamaldita na pati mas nakakatanda sa iyo ay pinagtataasan mo ng boses?"

"Oh thank goodness! Nakuha mo rin. Maldita talaga ako at wala sino man ang makakapag-control sa mga gusto o ayaw ko."

Bratinella Series 1: Maldita ako. Paki mo. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon