Chapter- 16🥀

705 17 0
                                    

Mika Pov.

Parehong andito na kami ni Jaden sa Office niya. Natapos narin kasi ang Ginagawa niya kanina kaya bumalik na kami sa office niya. Naka upo siya sa swivel chair niya habang ako ay naka upo sa couch. Sabi niya ay maya maya uuwi narin kami. Tinatapos niya lang pirmahan ang mga Files na hinatid kanina ni Marissa.

Speaking of that girl, hindi na siya bumalik. Hindi ko narin siya nakita kanina ng nasa labas kami.

"Nagugutom kana ba? Malapit narin naman ako matapos dito" ani niya habang nakatingin sa mga papeles.

"Yeah, pero i can wait naman. Don't worry about me. Take your time" ani ko. Kanina pa naka uwi si Trisha. Si Mr. Chen naman ay andito parin uuwi lang daw siya kapag naka uwi na kami.

"Are you sure? Pwede naman kitang orderan ng pagkain online." Ani niya.

"Hindi na, baka kasi nagluto si Yaya Rita...." Hindi narin siya nagpumilit at itinuon nalang ang pansin sa ginagawa niya.

Isang oras din ang lumipas at niyaya na niya akong umuwi. Inayos niya muna ang table niya at sinuot na ang suit niya. Kinuha ko narin ang bag ko at sabay na kaming Lumabas. Paglabas namin ng Kompanya ay nakahanda na sa harapan namin ang Sasakyan at nakita rin namin si Mr. Chen na naka tayo sa gilid.

"Ingat po kayo, Sir at Ma'am" ani niya. Bilib rin talaga ako sa Loyalty nitong si Mr. Chen. Nararamdaman ko talaga na may care siya sa Kompanya lalo na kay Jaden na Boss niya.

"Thank you for today, Mr. Chen. Ingat karin sa pag uwi" nakangiting ani ni Jaden. Ngumiti lang si Mr. Chen at pinagbuksan ako ng Pinto ng Sasakyan.

"Thank you" i said. Umupo na ako sa Front seat. Nag usap pa sila ni Jaden pero hindi ko rin marinig kasi naka sara na ang Pinto.

.

.

.

Kayla Pov.

MAAGA akong nagising dahil nag text saakin si Jason. Gusto niya raw akong makausap and after daw nito ay hindi na siya mangungulit saakin. Gusto niya lang daw na makipag ayos lang saakin. Pumayag nalang rin ako. Hindi naman pwede na habang buhay ko. Nalang siya iwasan. May Pinagsamahan rin lang naman kami.

Simple lang ang sinuot ko. Naka jeans ako at plain na white T-Shirt. Pony Tail lang rin ang ginawa ko sa Buhok ko. Sinabi ko rin kagabi kina Mika at Trisha na makikipag kita ako ngayon kay Jason. Sa una ay tutol pa sila at gusto pa nila akong samahan. Sinabi ko sa kanila na kaya ko naman at hindi na nila kailangan na mag alala pa.

Tinext ko na si Jason na sa Cafe kami magkikita at okay lang rin naman daw sa kanya. Lumabas na ako sa Bahay at Sumakay na sa Sasakyan ko.

Pagdating ko sa Cafe ay nakita ko agad si Jason. Hindi kagaya ng huli naming pagkikita na magulo siyang tingnan, ngayon ay maayos na ang damit niya at mukhang nag pagupit rin siya which is bagay sa kanya.

"Oh, You're here" ani niya at Tumayo.

"S-Sorry kung na late ako, medyo traffic kasi" ani ko.

"It's okay, No problem. Please have a sit" ani niya. Lumapit na ako sa table kung asan siya at umupo sa upuan. Tinawag niya ang Waiter at pina order niya ako ng gusto kong drinks. Hindi na naman ako tumanggi, libre daw niya eh kaya go lang ako.

Makapal po talaga ang mukha ko, Charot lang po.

"Ayoko rin naman na sayaning ang oras mo kaya sasabihin ko nalang ang gusto kong sabihin ngayon..I'm sorry sa ginawa ko. Hindi ko rin naman itatanggi na nagkamali ako sayo. I admit that i cheated on you. I'm sorry rin na kinukulit kita noon. Kahapon lang kasi ako nahismasmasan sa katarantaduhan na pinang gagawa ko" ani niya at napatawa sa sarili.

"It's okay, Jason. Siguro ito rin ang Sign sa atin na hindi tayo para sa isa't isa. Siguro may tao na nakatadhana sayo o saakin. Para makatagpo natin ang itinadhana saatin ay kailangan muna nating maranasan ang lahat ng ito. So, this is the end of us?" Ani ko.

"Can we still be friends?"

"Sure, Why not? Diyan rin naman tayo nagmula diba?" I smiled at him.

"Thank you, Kayla" nakikita ko sa mga mata niya na sincere siya sa mga sinasabi niya and ganoon rin naman ako. Kailangan rin naman nating matutong magpatawad para makapagpatuloy tayo sa buhay.

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay napagpasyahan ko na mamasyal nalang muna. Ayoko rin namang umuwi na kasi ang aga pa naman. Pumasok ako sa isang Shop ng Perfume. Ubos na pala ang huling binili ko dito na perfume. Kumuha ako ng Scent Strip sa gilid at Sinubukan ang mga Sample na mga perfume.

"I think mas bagay to sayo" ani ng boses ng lalaki.

"Really?" Tumingala ako at ang akala ko na salesman ay si Ram pala.

"Hi?"Ngumiti siya saakin habang hawak ang isang perfume.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Ani ko.

"Well, namamasyal?" Hindi ko alam kung bakit patanong ang sinasagot niya saakin. Baliw talaga ang lalaking to.

"Hindi ka yata busy this week ah, napapadalas ang pamamasyal mo ah" ani ko at inamoy ang Scent Strip na hawak ko.

"Yeah, I Guess. Wala naman sigurong magagalit kung sasamahan kita ngayon diba?" Tanong niya.

"Ha?" Ani ko at tumingin sa kanya.

"You're Single now, Right?"

I'm the CEO's WifeWhere stories live. Discover now