Chapter- 37🥀

586 16 1
                                    

Jaden Pov.

BUKAS na ang presentation namin sa The Eternals. Ito narin ang huling kakapitan namin para maisalba ang Kompanya. Dahil sa malaking event na mangyayari bukas ay sobrang nag hahanda na kami. Kakaunti man kaming naiwan ay pinilit parin namin na maitawid ang lahat nang ito.

Lubos talaga akong nagpasalamat sa lahat nang mga hindi umalis at sinamahan parin kami sa labang to.

Hanggang busy sa Lunch Time and lahat at tahimik akong umalis ng Company. Hindi narin ako nagsabi kay Mr. Chen at hinayaan nalang siya na sumama muna kina Mika.

Pupunta ako ngayon sa Bahay ng mga Martinez. Susubukan ko ulit ba kausapin ang Daddy ni Mika. I already Called him earlier at sinabi ko na kung pwede kaming mag usap.

Nang nakarating na ako ay agad akong sinalubong ni Mr. Tan ang Secretarya ni Mr. Martinez. Kahit alam ko naman ang daan papunta sa Office niya ay sinamahan parin ako ni Mr. Tan. Pinapasok niya na ako at nagpaiwan sa labas.

"You're here....again" ani niya. Tinanggal niya ang eyeglasses niya at tumayo.

"Hello, Mr. Martinez. Salamat at pumayag ka pong makipag usap sakin" Umupo siya sa Sofa at pina upo din ako.

"Ano ang gusto mong pag usapan natin?" Umayos ako ng Upo nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Mommy ni Mika. Sinara niya ulit ang Pinto at Tumabi sa Asawa.

"Sir, bigyan niyo po ng isa pang chance si Mika. Hindi niya po sinasadya ang sinabi niya noon."

"Bakit ikaw ang nagsasabi saakin niyan?"

"Honestly po, Pumunta ako dito noon para makiusap na Patawarin niyo si Mika at Isama sa inyo para hindi na siya madamay pa sa amin"

"Alam mo naman siguro na ayaw makinig saakin ni Mika.."

"Hindi siya nakinig sa inyo at mas pinili na sumama saakin. Pero Sir at Ma'am, Mahal po kayo ni Mika. Simula noon po ay palagi na siyang sumusunod sa lahat ng gusto niyo. Sana po sa pagkakataon na ito ay pakinggan at pagkatiwalaan niyo po siya."

"Para rin naman sa ikabubuti niya ang lahat ng ito."

"Alam po ni Mika ang ginagawa niya at ang mga desisyon na ginagawa niya." Tumayo ako at deritsong tumingin kay Mr. Martinez.

"Mahal ko po si Mika, Wag po kayong mag alala ako ang bahala sa kanya. Pero sana, Subukan niyo pong magkaayos kayo" Mabilis akong naglakad papalapit sa pinto at lumabas na ng Office niya.

.

.

.

Third Person Pov.

Pagkalabas ni Jaden ng Office ay agad na kinausap ni Mrs. Martinez ang Asawa niya.

"Hon, Ano na ang gagawin natin? Kaya kong mawala ang lahat saakin pero wag lang ang nag iisang Anak natin." Tumayo si Mr. Martinez at Umupo sa paborito niyang Upuan.

"They are both stubborn." Ani niya at Ngumisi.

"What do you mean? Makikinig kana ba sa Anak natin?"

"Natatandaan mo paba noon? Pinapagalitan karin ng Daddy mo kapag nakikipag kita ka saakin. Pero pinaglaban kita at wala na silang magawa kundi ipakasal tayong dalawa."

Biglang nahiya si Mrs. Martinez sa sinabi ng dalawa. Kahit papaano ay nauunawaan din nila ang Anak nila kasi napagdaanan narin nila iyon.

.

.

.

Mika Pov.

Pabalik balik ako sa Office ni Jaden para i check kung naka balik na siya. Kanina kasi pag punta ko ay wala siya sa Office niya at may nakapagsabi na nakita nila si Jaden na Lumabas ng Company at nakakapag alala lang kasi hindi niya sinama si Mr. Chen. Baka kasi may Gawin sa kanya ang mga Castro.

May ipapa check sana ako sa kanya para Bukas. Nag stay nalang muna ako sa Office niya at Hinintay siyang Bumalik. Sinasabi saakin ni Mr. Chen na iwan ko nalang sa table kasi titingnan din naman ni Jaden pagbalik niya. Pero kailangan din naman kasi na ako mismo ang makarinig ng mga Komento niya para mas mapabilis ang lahat.

Upang Hindi mabagot at nag basa basa muna ako ng mga Libro sa Mini Library niya. Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto. Akala ko si Mr. Chen na pipilitin naman ulit akong iwan nalang at bumalik na sa Conference room. Pero si Jaden na pala. Nilagay niya ang susi ng Sasakyan niya sa Mesa at umupo sa paborito niyang upuan.

"What are you doing here? Do you need something?" He said. Binalik ko ang Libro at kinuha sa gilid ang mga dala kong files.

Lumapit ako sa kanya at nilapag sa mesa. Umikot ako at tumayo sa tabi niya. Binuksan ko narin ang Files na pinapatingin ko sa kanya.

"This is the contents of our Presentation para bukas. May dinagdag kami at may ibinawas. Pinapatanong ni Miss Reyes kung okay na daw po ba ito o may gusto kang idagdag o ibawas." Napatingin ako sa kanya kasi napansin ko na nakatingin lang siya saakin sa halip na sa Files sa mesa niya.

"Oh, Sorry. Can you repeat what you're saying earlier?" Tumingin siya sa mesa niya ulit.

Napangiti ako sa ginawa niya. He is so cute...

Yumuko ako ng kaunti at mas lumapit pa sa kanya. Sinadya ko na mas ilapit pa ang mukha ko sa kanya.

"It's about for our presentation Sir, may gusto kabang idagdag o ibawas?" I said at Tumingin sa kanya.

Napakurap siya ng ilang beses at bigla nalang ngumisi. Lumingon siya sa akin kaya bigla akong nailang.

"Are you teasing me, My Wife?" He smirked.

Napalunok ako. Anong gagawin ko? Hindi ito ang inexpect ko ah. Aalis na sana ako sa tabi niya ng bigla siyang tumayo at dahan dahan na lumapit saakin. Habang lumalapit siya at paatras ako nang paatras hanggang sa tumama na ang likod ko sa Shelves ng mga Libro niya.

"A-anong ginagawa mo?" Hinawakan niya ang neck tie niya at  niluwagan ito.

"Bakit? Wala naman akong ginagawa ah?.." Ngumisi siya at Kumuha ng libro sa uluhan ko. Bago niya tuluyang makuha ay tumingin ulit siya saakin. ".... You're so cute" ani niya at pinisil ang Cheeks ko.

Ngumisi ulit ang loko at bumalik na sa upuan niya at nilapag ang libro sa gilid.

"Y-Yung sa Presentation.." baka kasi nakalimutan niya.

"Okay na yan saakin, Thank you Mrs. Oliveros" He said.

Nananadya ba siya?

**

Hello Pips! Sorry sa almost 1week na hindi ako nakapag Update! Super busy kasi Lately ang Miss A niyo. I'll try to be active this weekend since wala naman akong Class. Thanks~

I'm the CEO's WifeWhere stories live. Discover now