UNDER EDITING
TheIncident
NAAALALA ko na naman ang napag-usapan namin kahapon ni Vance tungkol sa Dad niya. I really wonder who he was pertaining about the rivals of his Dad. Nagmumuni-muni ako sa aking kinauupuan habang tahimik na hinihintay si Vance. Pilit ko ring pinagtutugma ang mga bagay-bagay na nangyayari simula no'ng tawagan ako ni Don Ricko mula sa airport. Sino kaya ang taong nasa likod ng mga goons na humahabol sa akin at gusto akong patayin? And the revelation about my customized bullets—the one engraved with my alias. How could that be possible? Why Don Ricko did not tell me about those things? It's been six years since that murder and yet it haunts me now. Napa-smirk ako nang biglang sumulpot sa aking sistema ang aking mayabang na side. Inabot pa talaga sila ng anim na taon bago ako matunton? sabi ng mayabang kong sarili. Napawi ang mga ngiting 'yon nang maalala kong, kasama na pala sa buhay ko si Vance, sa ayaw man at sa hindi ko gugustuhin. Kasama na siya sa buhay ko. And upon realizing it, a smile—sweet smile, was slowly written on my lips. The feeling makes me happy. So I better be careful from now on, since alam naman ng mga taong 'yon kung sino ako baka madamay pa si Vance. What should I do with him? Ano na ang mangyayari sa aming dalawa? Parang hindi pa kami nag-iisang linggo pero napakalaking problema na ang sumalubong sa aming dalawa. But what happened was unexpected. Hindi ko man lang napaghandaan ang mga nangyari and worst, I half lied to him about how I learned those things—my skills on fighting. Yeah. I know he's a little suspicious and he might respect my decision of not telling him. Napahikab nalang ako sa aking kinauupuan. I looked down my wrist watch and noticed it was already quarter to five in the afternoon. Buti nalang at nakakuha ako ng isda, mga prutas, at kamote kanina. Nagtataka ako dahil magdadalawang oras na siyang hindi bumabalik. Mas nauna pa akong dumating kaysa sa kanya. Tumayo na ako sa aking kinatatayuan at isinuot ang aking leather jacket. Kinuha ko ang mga baril na nakatago sa ilalim ng puno. Kinuha ko 'yong mga belt na nakatali sa may tent. I wrapped it around my waist, both on my thighs, Isa isa kong nilagyan ng baril ang magkabilang outer thighs ko at ang magkabilang beywang ko. Kumuha ulit ako ng tatlong baril. I hid the two guns from the inside pocket of my leather jacket and one from behind. Kinakabahan ako dahil si Vance ang nasa kailaliman ng kagubatan and kabundukan. I didn't plan this to happen. I heard rustles from the right side kung saan ako nakatayo. With my impulsive raction, bumunot ako ng baril sa outer thighs ko at nagtago ako sa puno. Sumilip ako at naghintay kung sino o ano ang nasa likod ng ingay kanina. Napabuntong-hininga ako nang makita si Vance na may dalang mga dahon ng pinaglagyan niya ng mga tubig at napangiti ako nang mapansin kong nakangiti siya. Mas lumawak pa ang angiti kong iyon nang mapansin ang hawak niyang kulay puting mga bulaklak. Napapailing na lang ako sa pagiging exaggerated ko. Masyado akong paranoid at napapailing na lang ako. Ibinalik ko ang baril sa kung saan ko ito hinablot kanina. Umalis na ako sa aking pinagtataguan at naglakad sa direksyon niya para salubungin siya. Inilapag niya ang mga dala niya sa ilalim ng puno at inilibot niya ang kanyang paningin. Nang magtama ang aming mga mata ay napangiti siya. Pero napawi ang ngiting iyon nang mapasadan niya ng tingin ang kabuuan ko. Napakunot ang noo niya saka siya tumingin ng diretso sa aking mga mata nang may pagtatanong sa kanyang mga tingin. Bumuntong hininga ako at lumapit pa sa kanya,
"Akala ko kasi kalaban ang mga naririnig ko kanina. Paranoid lang pala ako," I admitted and he pulled me closer. He handed me the white flowers that made me smile. "For the most beautiful woman I ever loved and will always be in my heart. You are lovely in so many levels, Cyth. I love you," he uttered and leveled his forehead on mine. He was smiling from ear to ear kaya napangiti na rin ako sa kanya..
"I love you, too," I replied smiling while gazing directly in his eyes. He gave me a quick peck on my lips and stared at me in the eyes in awe. We let ourselves be drown by our staring session and the long silence filled in around. May kung ano akong narinig na mga yabag ng mga paang tumatakbo sa direksyon namin. Lumayo ako ng kunti kay Vance na ikinakunot ng noo niya. Hindi niya ba narinig 'yon? Ngumiti ako ng tipid at napatingin ako sa likuran niya. Timing namang may nakita akong anino ng isang tao. With impulse reflexes, itinulak ko si Vance sa malayo para makapagtago siya sa puno sa bandang kaliwa. Itinutok ko ito sa direksyon kung saan ko nakita 'yong anino at pinaputok ko ang baril ng dalawang beses. Natumba ang lalaking pinaputukan ko ng baril. Saka ako dali-daling tumakbo sa likod ng malaking puno. Pero hindi pa ako nakakapagtago ay narinig ko ang dalawang pagputok ng baril. Napasalampak ang aking likuran sa puno. Saka ko lang naramdaman ang hapdi at ang pagdaloy ng likidong nagmula sa aking mga sugat. Napatingin ako sa parteng nasugatan—sa bandang kanang balikat ko at kaliwang siko.. Napatingin ako kay Vance at nakatingin lang siya sa akin ng may takot at sobrang pagaalala. Kumuha ako ng isang baril mula sa aking left outer thighs I positioned both my hands and threw the guns to his direction, praying na sana masalo niya 'yon. Napabuntong hininga ako nang masalo niya ito. Itinago niya ang baril sa magkabilang baywang niya at pumulot ng mga baril mula sa pinagtataguan namin ng mga baril na nakuha ko mula sa laban noong nagdaang tatlong araw. Bumunot akong muli ng baril na nakatago sa magkabilang baywang ko rin at sumandal sa puno. Sumilip akong muli at nagtatago pa 'yong iba. Hindi ko alam kung ilan sila at madilim pa naman sa lugar. I closed my eyes and focused on my ear to listen the rustles around the near area kung saan sila pwedeng magtago. Sobrang sampo ang bilang ko sa kanila. I opened my eyes at bumungad sa akin ang isang sanga sa itaas ko, mga ilang talampakan lang ang layo. Tumalon ako at ikinawit ang dalawa kong kamay sa sanga and pulled my body up. Thank God the big trunk of the tree was covering most the branches from this side. Umakyat pa ako sa pangatlong floor ng sanga saka ulit nagtago. Sumilip ako sa ibaba at nakita ko ang ulo ng pitong lalaki. Pinaputukan ko silang pito at sapul silang lahat sa ulo. Nagtago ulit ako. Lumipat ako sa mga sangang malapit sa kinatatayuan ko. Napatingin ulit ako kay Vance at wala na siya sa kinaroroonan niya kanina. Inilibot ko ang tingin ko sa side kung saan ko siya huling nakita, saka ko lang napansin ang pigura ng pamilyar na lalaki sa pangatlong floor ng mga sanga. Napangiti ako sa ginawa niya. Buti na lang at alam niya ang gagawin. Sumilip akong muli at may nakita akong anim na lalaki. Pinaputukan ko sila at nakahiga na silang anim. Narinig ko nalang si Vance na nagpaputok din. Puta! Marami pala sila. They were twenty-seven in my count. Nagpaputok na rin ako. Nagkandaugaga ang mga lalaki dahil sa hindi nila malaman kung saan nanggagaling ang mga pinapakawalan naming putok ng baril. Palitan ng putok ng baril ang maririnig sa buong kagubatan. Nung mapansin kong wala na akong nakita pang mga tao sa ibaba at wala na ring nagpapaputok. Sisilip sana ako sa kabilang side ko nang makita kong may isang lalaking nakatutok ang baril sa direksyon ko. Nagpaputok siya kaya sapilitan akong napatago sa puno nang mawala ang balanse ko at mahulog ako. Narinig ko ang sunod-sunod na putok. Nang tumama ang paa ko sa lupa ay natapilok pa ang kanang paa ko kaya napaupo ako ng wala sa oras. Nawala na lang bigla ang palitan ng putok at sinuri ko ang katawan ko kung may tama ba ako. Napabuntong hininga ako dahil wala naman akong naramdaman. Pero napapikit ang mata ko nang mamilipit sa sakit ang paa ko. Fuck! Fuck! Fuck! Mura ko ng tuloy-tuloy sa isipan ko. Napamulat ako ng mata nang may marinig akong mga paang tumatakbo kung saan ako bumagsak. Nakita ko ang lalaking nagtangkang magpaputok sa direksyon ko na nakahandusay na sa sahig. Saka ko lang napansin ang dami ng katawang nakahiga at tama nga ako ng bilang dahil dalawampu't pitong lalaki ngayon ang nakahilata sa sahig.
"Argh!" daing ko nang maramdaman ko na naman ang sakit sa bandang paa kong parang pinipilipit sa sakit. Tanginang gago 'yon! Pupurohan ko talaga. Binunot kong muli ang baril ko. At itinutok sa taong nakahig sa di kalayuan sa direksyon ko.
"Hep! Hep! Ano'ng gagawin mo, Cyth?" natatarantang tanong sa akin ni Vance nang makalapit siya. He pulled the gun away from my grasp saka pa ako kumalma ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin na ako sa kanya. He was looking at me warily and gentleness. Dali-dali niyang hinubad ang suot kong sapatos ng dahan-dahan. "Madali lang 'to," aniya at tumango lang ako bilang sagot. Sinuri niya ang paa ko. "Nagka-sprain ka pa 'ata, e," pagpapatuloy niya habang nakakunot ang noo saka pa tumingin muli sa akin. "'Yan kasi! 'Di nag-iingat!" Pagalit ngunit may pag-aalala sa kanyang boses. Napapikit ako nang bigla niya itong ginalaw.
"Aaaaah!" sigaw ko habang nakapikit. Mga ilang minuto pa ang lumipas, dahan-dahan akong nagmulat at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha niya. Naku-konsensya tuloy ako.
"Sorry," paumanhin niya at tumahimik lang ako. Savoring myself to the pain from my sprain. "Masakit pa ba?" pag-aaalalang tanong niya.
"Hindi na," parang batang sagot ko. Napangiti siya na ikinangiti ko na rin. Nahahawa na talaga ako sa mga pasimple niyang mga ngiti. Bigla siyang tumalikod at umupo.
"Sakay ka na," sabi niya na mas ikinalawak pa ng mga ngiti ko.
"Piggy back ride?" takang tanong ko kunwari sa kanya.
"Nah! It's Vance back ride. Hindi ako si Piggy," nakakaloko niyang sabi at napatawa ako. I wrapped my arms around his neck and his right hand was holding my arms tied around him. Habang ang mga binti ko naman ay pumulupot sa beywang niya. Tumayo siya bigla at isina-ayos niya ako ng position. "Humawak ka ng mabuti baka ka malaglag," natutuwa niyang sabit at hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya pero not to the extent I was choking him.
"Doon na lang muna tayo sa may ilog," I uttered and he just nodded in agreement. Nagsimula na siyang maglakad habang bitbit ng isa niyang kamay ang kanang pares ng sapatos ko at ang baril na hawak ko kanina. We made our way to the river kung saan kami nag-iigib ng tubig. Malapit lang din naman 'yon dito.
(EDITED: FEBRUARY 6, 2O17)
YOU ARE READING
R Trilogy II - REARED
Teen FictionR TRILOGY 2-REARED After that nightmare-seeing him kissing that damn girl, I realized I am falling deeply inlove with him. And the fact that I am aware of my feelings...the more it hurts... the more my heart wrenches...the more it's killing me...