CHAPTER 23

1.5M 33.9K 6.4K
                                    

 CHAPTER 23

HINDI alam ni Calyx kung sino ang pupuntahan niya, si Etheyl ba na walang malay at may bali na buto o si Seth na may sugat sa ulo at maputlang-maputla na. Kailangan nitong salinan ng dugo. Hindi niya alam kung sinong uunahin niyang asikasuhin.

So, his parents decided for him. Ang mga ito ang nagbantay kay Etheyl at siya naman ang nag-asikaso kay Seth.

Dinala niya ang mag-ina sa isang pribadong hospital malapit lang sa bahay nila. Kanina, nang marinig niyang isinigaw ni Etheyl ang pangalan ni Seth, kinabahan na siya. At nang makita niya ang kalagayan ng mag-ina para siyang tinakasan ng lakas.

Seth was lying on his own pool of blood! He was horrified at the sight. Nanghihina siya habang nakatingin sa bata na natutunan na niyang mahalin. Hindi puwedeng mawala si Seth. Nag-aalala rin siya para kay Etheyl pero alam niyang hindi malubha ang kalagayan nito. Pagkatapos nang nangyaring ito, talagang sisirain at susunugin niya ang hagdan na 'yon!

Nilapitan niya ang doctor na nagaasikaso kay Seth.

"Doc, ano na po ang lagay ng anak ko?" Natatakot na tanong niya. "Magiging okay lang ba siya?"

He couldn't lose this kid. He loved Seth too much now.

Tumingin sa kanya ang Doctor at kaagad na nakita niya ang sagot sa mga mata nito.

"No..." Napahawak siya sa gilid ng kama kung saan naroon nakahiga si Seth. "Magiging okay lang siya. 'di'ba?"

"I can't tell," anang Doctor. "The best thing to do now is to refer your son to a higher medical facility. May ambulance naman ang hospital, puwede niyo iyong gamitin. Pero bago kayo umalis patungo sa ibang hospital, kailangan muna ng anak mo ng blood transfusion."

"Okay, doc." Hinawakan niya ang kamay ni Seth. "Do what you need to do."

"'Yon nga, kailangan niya ng blood transfusion at pina-test ko ang dugo niya. Kapag lumabas na ang resulta, sasabihan kita. As of now, mag usap nalang kayo ni misis kung sino ang magdo-donate ng dugo para sa anak niyo."

Kaagad na pumasok sa isip niya ang lagay ni Etheyl. "Hindi kaya ng asawa ko, doc. Silang dalawa ng anak ko ang nahulog sa hagdan, e."

Parang normal na sa kanya na tawaging anak si Seth at asawa si Etheyl.

Tumango-tango ang doctor. "Ah, ganon ba. Sige ikaw nalang ang mag donate."

Umawang ang labi niya. Siya ang magbibigay ng dugo? Napatitig siya kay Seth. Magma-match kaya ang dugo nilang dalawa? Sana nga.

"Sige ho, doc. Type AB po ang dugo ko," iyon nalang ang nasabi niya.

"Okay, sige." Tumango-tango ang Doctor. "I'll get back to you."

Nang umalis ang Doctor, tamang-tama naman na dumating ang ama niya.

"Dad, pakibantayan muna si Seth, ha?" Aniya sa ama. "May tatawagan lang ho ako."

"Sige. Bilisan mo," ani ng ama niya.

Tumango siya at bahagyang lumayo sa emergency room pagkatapos ay tinawagan si Ymar. Buti nalang nasa loob ng bulsa niya ang kaniyang cellphone.

"Hey, Vargaz." Ymar groaned in the other line. "This better be good—"

"It's an emergency," he cut Ymar off.

Nang magsalita ulit si Ymar, seryuso na ang boses nito. "Anong nangyari?"

"'Yong anak ko at si Etheyl. Emergency. I'm not a doctor so I don't know what to do. Tulungan mo naman ako," nagpa-panic na wika niya. "Nandito kami ngayon sa isang pribadong hospital. For referral at kailangan salinan ng dugo ang anak ko. Si Etheyl naman may bali yata na buto kasi nahulog sila sa hagdan. Fuck! Shit!" Nasapo niya ang nuo. "Ymar, anong gagawin ko? I can't lose my son!"

POSSESSIVE 5: Calyx VargazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon