SPECIAL CHAPTER - Forgotten Memories

2.5M 44.7K 4.8K
                                    

SPECIAL CHAPTER (Forgotten Memories)

"HAPPY twenty-fifth birthday, Calyx, my man!" Pasigaw na sabi ni Iuhence at itinaas ang rocks glass na may lamang whiskey.

Dahil kaarawan ni Calyx ngayon, dinala siya ng mga saltik niyang kaibigan sa isang kilalang club sa Maynila. Hindi sana siya sasama kasi alam niyang siya ang taya pero ng sabihin ng mga ito na ili-libre siya, who was he to decline a very generous offer?

"Happy birthday, Calyx," sabay-sabay na sabi nila Tyron, Train, Lander, Ymar, Shun, Dark at ang kambal na Coleman.

Naiiling na itinaas na rin ni Calyx ang kanyang baso na may lamang martini at ngumiti. "Happy birthday to me."

Tinunga niya ang alak na laman ng baso niya at napatingin sa dance floor. He was looking for a woman that he could fuck tonight when his eyes settled on a woman dancing. She was beautiful, breathtaking. Dumako ang tingin niya sa lalaking kasayaw nito. They looked happy as they danced and kiss.

He scoffed. Taken na pala 'yong magandang babae. Sayang naman.

Ibinalik niya ang atensiyon sa mga kaibigan niya na nagku-kuwentuhan at panay ang tawanan. Ang sentro ng kuwento ay si Tyron. Ito kasi ang maagang nag-asawa sa kanila, e.

"Kumusta naman ang buhay may asawa?" Natatawang tanong ni Iuhence. "Under the saya ka talaga ni Raine."

Ngumiti lang si Tyron at ininom ang alak sa baso na hawak nito. "I have a beautiful wife and a very amazing son. Kahit pa alilain ako ni Raine, ayos lang, mahal ko naman, e."

Calyx wanted to puke. Nakakasuka talaga ang pagiging cheesy nitong si Tyron. Ayaw niyang mag comment kaya naman tumayo nalang siya.

"Hey, where the hell are you going?" Tanong ni Dark sa kanya.

Calyx just smile and then shrugged.

"Maghahanap lang 'yan ng maloloko niya," narinig niyang sabi ni Shun.

He snorted. Para namang may pagkaka-iba silang magkakaibigan. Alam niya, minuto lang ang bibilangin niya, magkakanya-kanyang rota sila dahil manghahanap ng babaeng maloloko, maliban nalang kay Tyron na siguradong uuwi sa asawa nito. The ever-loyal Tyron Zapanta.

"Birthday boy!" Anang boses at may mabigat na braso na umakbay sa kanya.

He looked at his side and saw the owner of the club. "Hey, Mr. X."

Hindi naman talaga Mr. X ang pangalan nito. Palayaw lang nito 'yon. Nobody knew the real name of this dude. Nakilala lang nila ito dahil palagi silang narito sa club at itinuturing silang VIP.

"Hey, birthday boy." Ngumisi ito. "May regalo ako sayo."

Nakangiting kumunot ang nuo niya. "Regalo? Really?"

"Yes." May inilabas itong isang bote ng alak na hindi pa niya natitikman. Hindi niya alam na may ganoong brand ng alak. "This is a very special liquor, my friend. Binibigay lang naming 'to sa mga nagsi-celebrate. This liquor can heighten your sexual desire," anito habang ini-aabot sa kanya ang bote. "Drink it with a woman and you will forget what you did the whole night like nothing happened. Kaya madali kang makakatakas. Alam kong isa kang 'hump and dump' na lalaki. So, enjoy."

Napapantastikuhang tinanggap niya ang bote ng alak at tinitigan ang label no'n. High Fantasy. The fuck? Anong klaseng inumin 'to?

Naiiling na naglakad siya patungo sa dance floor. He was about to turn around towards the woman by the bar who was giving him a naughty smile when he bumped into someone.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo," he muttered under his breath.

"Hmm?"

Natigilan si Calyx ng makitang inaamoy siya ng babaeng nakabunggo sa kanya.

POSSESSIVE 5: Calyx VargazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon