KABANATA 8

90 8 0
                                    

Janella's POV

"Kring! Kring!"

Magigising ako sa tunog ng aking alarm clock.

"Umaga na naman, trabaho na naman," saad ko habang nag u-unat ng katawan, pagkatapos noon ay pilit kong a-abutin ang maliit na alarm clock na nasa aking side table atsaka ito papatayin.

"Oh my gosh!" bigla kong saad at agad akong mapapaupo sa aking munting kama at gamit ang mga kamay ko ay pakikiramdaman ko ang aking mga pisngi.

"Walang mga luha?" taka kong saad habang dinarama ang mga pisngi ko.

Napahawak rin ako sa aking dibdib at tila napaka gaan ng aking paghinga.

"Hindi ako umiyak?" tanong kong muli sa aking isipan.

"Malamang walang luha," tugon ko naman sa aking sarili.

Agad akong tumayo, isinuot ang kulay itim kong tsinelas at naglakad na rin papunta sa aking maliit na banyo.

Habang nasa banyo ay tinititigan ko lamang ng mabuti ang aking mga mata sa harapan ng salamin.

"Himala at walang luha, first time ata ito," muling saad ko. Sapagkat tuwing gigising ako sa umaga ay mabigat ang aking pakiramdam, may luhang umaagos kaya't tuwing babangon ako ay nagpupunas ako ng luha sa aking pisngi. Ngunit ngayon ay walang luha, hindi ko rin napanaginipan ang lalaking laging bumibisita sa panaginip ko, ang dahilan kung bakit umiiyak ako tuwing gigising ako.

Hindi ko siya kilala sapagkat malabo ang kaniyang itsura sa panaginip.

"Sana cute siya, hoy ano ba Janella!"

Lagi niya akong pinaiiyak sa panaginip, masasakit na ala-ala ang aking napapanaginipan kasama siya. Marahil ay bahagi siya ng aking nakaraan. Hindi ko na rin maintindihan.

Nakakapagtaka lamang sapagkat bigla na lamang siyang hindi nagpakita sa aking panaginip ngayon.

"Baka busy siya, charot!"

"Ano ba Janella? Tanghali na kailangan mo pang pumasok sa work," saad ko sa akong sarili habang nasa harapan pa rin ng salamin at sinasampal sampal ang sarili upang ako ay lalo pang magising.

Matapos noon ay inihanda ko na rin ang akong sarili para sa pagpasok sa akong trabaho.

Pagkatapos maligo ay agad naman akong lumabas ng kwarto upang magluto ng aking almusal.

Paglabas ko ng kwarto ay agad na bumungad sa akin ang aking sofa kung nasaan natutulog si Ginoo.

Ilang segundo ko ring pinagmamasdan ang mala anghel nitong mukha, ang labi nitong mapula, ang mga kilay nitong makakapal at ang pilik nitong mahahaba.

Napatakbo ako ng mabilis noong makita ko itong gumalaw.

Nakaramdam naman ako ng panlalamig sa aking kaliwang talampakan kaya't napatingin ako rito.

"Hay yong tsinelas ko," wika ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ang aking tsinelas malapit sa sofa na hinihigaan ni Ginoo.

Muli akong naglakad ng marahan papunta sa may sofa, noong malapit na ako sa may sofa ay gumapang ako ng dahan-dahan at kinuha ang isang pares ng aking tsinelas, matapos noon ay marahan ulit akong gumapang pabalik sa kusina.

"Binibini," isang tinig ng lalaki.

"Ay gwapong palaka ka!" tanging nasambit ko sa gulat.

Tumingala naman ako rito at nakita ang kaniyang malawak na ngiti. Mabilis itong naglakad papunta sa harapan ko at iniabot ang kaniyang kamay sa akin.

Iniabot ko naman ito at agad na tumayo.

"Anong ginagawa mo sa lapag binibini?" tanong nito.

"Wala iyon, hayaan mo na, maupo ka na muna diyan at ako'y magluluto muna ng ating pagkain," utos ko rito at hindi siya sumunod, bagkus ay sinundan niya lamang ako sa kusina at doon ay pinagmasdan sa aking pagluluto.

Salamat po sa mga nagbabasa.
Pasensya na kung may mga error or kung ano man, sinulat ko po ito habang nasa biyahe sa jeep at naglakad pauwi ng bahay galing sa ibang bayan sapagkat gumawa ako ng school works naman. Share ko lang haha, nag kwento!

Sana maenjoy ninyo po ang pagbabasa^_~

Huwag pong mahiyang mag vote and comment, sobrang naa-appreciate ko po.

His Promises Since 1896 (To be published under PaperInk Publishing House)Where stories live. Discover now