KABANATA 38

41 5 0
                                    

Jaxon's POV

Ilang linggo na rin ang lumilipas, lalong lumalapit ang loob ko kay Miss Janella.

Tila kampante ako sa tuwing kasama ko siya, sa gabi'y hindi na rin sa aking panaginip nagpapakita ang mga masasamang karanasan ng isang lalaki, sapagkat ang tanging nasa isip ko na lamang ay si Miss.

Ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya, marahil ay isa rin siya kasing mabuting tao na tumutulong sa pagpaplano at pangangampanya ko.

Bukas ay simula na ng kampanyahan, kaya naman ganuon na lamang ang kaba na aking nararamdaman.

Nakahiga lamang ako sa aking kwarto, kinuha ang aking cellphone upang tingnan ang oras ngunit isang chat sa messenger ang aking napansin.

"Good luck sir bukas, huwag kakabahan, huwag ding kalilimutan ang sandatang ngiti, fighting!" chat ni Miss Janella na siyang ikinangiti ko.

Agad ko naman itong tinawagan.

"Hello sir, Ay!" sagot nito na at agad namang isinara ang camera, ngunit nakita ko naman na ang kaniyang mukha na may itim na peel-off mask

"Nakita ko na eh," saad ko.

"Grabe,  nakakahiya sir, bye!" tugon nito at agad namang pinatay ang tawag. Napatawa na lamang ako sa ginawa niya.

"Ang cute niya, hoy ano ba Jaxon?"umiiling-iling ako at tinapik-tapik ko lamang ang aking mukha at nahiga na rin.

KINABUKASAN

5 o'clock ng umaga ay bumangon na rin ako sa aking higaan upang maghanda sa unang araw ng kampanya.

Matapos kong maghanda ay bumiyahe na rin ako kung saan ang aming tagpuang lahat, sapagkat may ha-house to house campaign muna kami. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng aking sasakyan sapagkat nagchat si Miss Janella na naroroon na raw siya. Hindi ko alam kung ano ang pinaka dahilan ng pagiging excited ko ngayong araw. Ngunit inaamin ko na nasisiyahan ako na makita si Miss Janella.

Dahil sa bilis ng aking takbo ay agad rin akong nakarating kung nasaan sina Miss Janella.

Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin si Miss Janella kasama ang dalawang lalaki na sasama rin siguro sa pangangampanya.

Dinig na dinig ang halakhakan ng tatlo kahit ako'y nasa pinto pa lamang. Napakuyom ako ng kanang kamao ko hindi ko alam kung bakit.

"Dude aga mo ah," saad ng isang lalaki at inakbayan ako.

"Don't talk to me right now Mr. Juego," inis kong saad habang nakatitig pa rin kina Miss Janella.

"Oh my, you're in love," nanlalaking matang saad nito.

"No I'm not, at kanino naman?"
"Malamang kay miss Janella, alangan naman doon sa dalawang lalaking nagpapatawa sa kaniya hindi ba?" Pang aasar nito.

"Tingnan mo oh, hindi maipinta 'yang pagmumukha mo," wika nito kasabay ng kaniyang pagtawa. Naglakad ulit ako palabas ngunit sinundan lang ako nito.

"Hey dude! First day ng pangangampanya mo ha, pigilan mo muna 'yang selos mo," muling pang a-asar nito.

"Shut up bro!"

"Haha, selos nga siya oh!"

"I said shut up," seryosong saad ko ngunit patuloy pa rin ito sa pang bi-bwisit sa akin.

Habang nagbabahay-bahay kami ay  hindi pa rin maalis amg tingin ko kay Miss Janella at sa dalawang lalaking umaaligid sa kanya.

Ilang oras na rin kaming namimigas ng flyers at campaign materials nang mapagdesisyunan naming magpahinga muna sa isang covered court.

"Miss Janella tubig oh," sabay na sabi nang dalawang lalaki. Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa kinaroroonan ng mga ito.

"Thank you," saad ko sa dalawa at parehas na kinuha ang dalawang tubig at magkasunod na ininom ito.

Ang hawak ko namang tubig ang siyang ibinigay ko kay miss Janella. Umalis na rin naman ang dalawa.

"Thank you sir," nagtatakang saad nito.

Hindi na ako umimik ngunit para akong buntot na sunod ng sunod sa kaniya kung saan man siya pupunta.

Tumayo si Miss Janella upang kumuha pa ng meryenda at sumunod akong muli rito.

"Sir nakakalahata na ako, kanina ka pa sunod-sunod," ani nito.

"What do you mean? Hindi ah," tanggi ko.

"Talaga ba?" singit ng best friend ko.

"Shut up dude," gigil na bulong ko rito at muli itong tumawa na tila nang a-asar.

Umalis naman na si Miss Janella at hindi na ako sumunod pa.

"My best friend is in love," muling saad nito.

"Pino-protektahan ko lang siya,"

"Huwag ka ng magpaliwanag,"

Matapos namin magpahinga ay muli kaming naglakad.

"Miss Janella," tawag muli noong isang lalaki na kanina'y kaniyang kakwentuhan, may dala itong puting towel.

Nang mapansin kong pupunasan niya ng pawis si Janella ay agad din akong lunapit dito at inayos-ayos ang kaniyang buhok.

"Humaharang na kasi sa mata mo, sama ka sa akin, doon sa isang bahay naman, nakita ko na maraming tao doon," akit ko. Napatigil naman ang lalaki sa kaniyang gagawin.

"Dito lang ako Miss Janella," paalam nito.

"Sige lang, ingat kayo ha," kumakaway pang tugon nito.

"Tara?" muling akit ko at naglakad na kami papunta sa isang bahay na maraming nakatambay.

"Magandang hapon po, kumusta po kayo?" bati ko sa mga ito habang si Miss Janella naman ay namimigay ng flyers at iba pang campaign materials.

"Okay lamang po," tugon ng isang babae habang binabasa ang flyers.

"Kayo po ang anak ng yumaong alkalde na nagpagawa ng center dito sa amin?"

"Opo," maikling tugon ko at ngumiti.

"Salamat naman, nawa'y ipagpatuloy mo ijo ang adbokasiyang sinimulan ng mahal naming alkade,"

"Ikinagagalak ko po na makilala kayo,"

"Good luck ijo,"

"Maraming Salamat po,"

"Salamat po, huwag po nating kalilimutan number 4 sa balota, good bye po," paalam naman ni Miss Janella habang kumakaway-kaway pa

"Mata mo, masyadong malagkit makatingin," bulong sa akin ni Juego na siya namang ikinagulat ko.

"Bakit nanggugulat?" sinamaan ko ito ng tingin ngunit ginantihan lamang ako nito nang mapang asar na tingin.

Makalipas ang ilang oras.
Ramdam at kita ko na napapagod na rin ang lahat, nabaling din ang atensiyon ko kay Miss Janella na walang humpay sa pagpunas sa kaniyang pawis, dumidilim na rin kaya't napagpasyahan ko na itigil na rin muna ang pagha-house to house.

"Thank you everyone, thanks dude, thank you miss Janella," wika ko sa mga ito.

"Dahil sa sakripisyo ninyo ngayong araw, sagot ko syempre Ang pa dinner," dugtong ko na siyang ikinasaya ng mga ito.

His Promises Since 1896 (To be published under PaperInk Publishing House)Where stories live. Discover now