Chapter 7

960 26 0
                                    

Meeting.

Balik trabaho na ulit pagkatapos ng nakaraang linggo. Namula ang pisngi ko habang iniisip ang nangyari noong sabado. Bakit kasi ako bumigay sa boss kong lasing noon?

FLASHBACK...

"Sino y--" napatigil ako ng makita ko ang lasing kong boss sa harap ng apartment na tinutuluyan ko.

Napaawang naman ang labi ko . Bakit siya nandito? Naamoy ko ang amoy ng alak na nanggagaling sakanya. Napatalon naman ako sa gulat ng yumakap sya bigla saakin.

"S-sir?" Tawag ko rito pero mukhang lasing nga.

Wala na akong nagawa kung hindi ang ipasok sya sa apartment ko. Pinagkape ko muna siya ngunit tinatanggihan niya iyon. Hinilamusan ko na sya at dinamitan dahil may maluluwag na damit naman ako rito.

HABANG naghuhugas ako ng plato naramdaman kong may yumakap sa bewang ko mula likuran at humalik halik na sa balikat ko na nakapagpalunok saakin.

END OF FLASHBACK..

Umiling iling ako, Vio focus! Stay focus Violeine! You guys have a meeting later so stay focus and don't think about that!!

Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili.

Pero sumasagi talaga ito sa isip ko kaya naman pinilit kong mag focused sa ginagawa para mamaya. Laking pasasalamat ko ng natapos ko ito.

Namimiss ko tuloy si Raya, bumuntong hininga naman ako. Simula kasi nung nalaman kong bisexual sya napagkaalaman ko din na may gusto sya saakin at nireject ko sya dahil hindi naman ako bisexual.

Siya na ang lumayo kahit ayoko. Nagresign siya sa trabaho nya rito kahit mataas ang posisyon niya sa kompanya ng mga Verquilla.

Natauhan naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Damian rito kaya naman napataas ang kilay ko. Bakit kaya tumatawag ang isang to?

Maya-maya pa ay sinagot ko ito ngunit lalo akong nagtaka ng sagutin ko ito ay pinatay nito agad ang tawag.

' Ano kaya trip nun?'

Humaba nguso ko dahil doon pero itinuon ko na lang ang aking atensyon sa ginagawang presentation para sa meeting mamaya.

Ilang oras pa ay natapos na ako sakto namang tinawag ako ng aking kasamahan sa trabaho at sinabing pinapatawag ako ng boss namin.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba at hiya syempre dahil sa nangyari noong Sabado.

Ngunit wala na akong nagawa ng sinabi ng katrbaho ko na kailangan daw ako ng Boss namin dahil may ipapagawa ito.

Bumuntong hininga na lang ako at nagtungo na sa kanyang opisina.

" Yes sir?" Agaw ko sa atensyon nito.

Lumingon naman sya saakin ng may malamig na tingin.

"Did you finish the presentation for the meeting later?"

Tumango naman ako.

"Do you have plans this week?"

Umiling ako.

"Why sir?" Takang tanong ko rito

"May pupuntahan tayo sa sabado at magdala ka na din ng mga damit mo for Saturday."

Aangal na sana ako kaso naunahan nya ako.

"No but's miss Cabrelle, you can leave now"

Bumuntong hininga na lang ako at nagtungo sa elevator.

'Siguro ay magpapahangin papakalmahin ko muna ang sarili ko ngayon'

Nagpunta ako sa pinakamalapit na café rito at nag order ng isang slice ng red velvet cake.

Nang matapos ako sa kinakain ko napatalon ako sa aking kinauupuan ng makitang tumatawag si Zero at syempre hindi ko napansin ang oras kaya pagtingin ko sa orasan na narito sa loob ng café dali dali kong ininom ang tubig at saka nagmadaling lumabas.

Tinakbo ko ang daan hanggang sa makarating ako rito sa kompanya. Muntik na nga ako madapa kaya naman dali dali akong nagtungo sa aking opisina para ayusin ang mga kailangan sa meeting.

Nag ayos naman ako ng konti,tamang suklay lamang at lipstick para maging presentable naglagay na din ako pulbo sa mukha ko.

Nang matapos na ako mag ayos agad kong tinahak ang daan papunta sa elevator at agad din sumakay roon.

Nang makarating ako sa palapag kung nasaan ang kuwartong gagamitin sa meeting.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko ng makita ang matatalim na tingin at salubong na kilay ng aking Boss na ngayon ay umayos na ng tayo at dumiretso na ng lakad.

Tinakbo ko ang pagitan namin at paulit ulit nanghingi ng tawad dito.

" Stop saying sorry will you?" Malamig na ani nito.

Napayuko na lang ako.

"Eh k-kasi sir hindi ko po namalayan ang oras k-ka--" nahinto na lang ako ng humarap sya sakin na galit ang mga mata.

"Will you please shut the fvck up!? Nangyari na ano pa ba magagawa ko?!" Ani nya sa boses na galit.

Ngayon ko lang sya nakitang nagalit ng ganto kaya naman napaatras ako ng kaunti saka napatingin na lamang sakanya ng nakaawang ang labi ko.

Matagal din kaming nagkatinginan pero maya maya ay nanlaki ang mata nya sa hindi ko malamang dahilan pero agad din itong nakabawi.

Tumikhim na siya at tumalikod.

"I'm sorry I yelled. Just don't repeat it next time" mahinahon na nyang saad at nagdiretso na ng lakad.

Ako naman ay natulala na lang saglit at ng maalala na may meeting ay agad ko silang hinabol.

Tahimik ang bumalot saamin habang tinutungo ang daan papuntang conference room.

Pinili ko na lang na manahimik kahit na gusto kong sumagot kanina at magpaliwanag pa pero ayoko ng masigawan ulit kaya naman nanahimik na lamang ako.

Nang nasa harap na kami ng conference room ay hindi ko maiwasang hindi kabahan.

Hindi ko din alam kung bakit ako biglang kinabahan dahil hindi naman ako nakakaramdam ng ganto sa mga nagdaan na buwang pagtatrabaho ko at pagsama sa meeting ni Zero.

Bumuntong hininga na lang ako at inihanda ang sarili. Baka kasi kinakabahan lang ako dahil kanina or something? I don't really know.

I felt uneasy right now kahit binuksan pa lang ang pinto.

Nang makaapam kami sa loob ay bahagya akong yumuko sa mga taong matataas ang posisyon na galing sa Iba't ibang kompanya ngayon.

Ngumiti naman sila saakin kaya naman sinuklian ko din ito ng matamis na ngiti.

Inilibot ko ang aking mata sa loob ng kuwarto at bigla na lang akong nakaramdam ng takot ng dumapo ang aking mata sa pamilyar na lalaking gustong gusto kong kalimutan noon pa man.

Nanindig ang balahibo ko ng nagkatagpo ang aming mga mata at nginisian nya din ako ng makilala kung sino ako.

'Anong ginagawa nya rito?b-bakit andito sya? Paano sya nakalabas?'

zari's note: hello everyone I'm sorry that I didn't update a new chapter few week ago.Enjoy the new chapter and I'm sorry if maikli sya. Maraming wrong grammar jan mga bebe so sorry ha hindi ako magaling mag english HSHSHAHAHHAHA enjoy reading everyone mwa♡♡

Keeping  My Secretary Child (On-Going)Where stories live. Discover now