Chapter 9

763 25 2
                                    

Meeting pt.2

"Are you okay?" Nabalik ako sa katinuan ng magsalita si zero.

Nginitian ko naman ito.

"Yes sir I'm fine"

"Sure?" Tanong pa nito

"Yes sir" sagot ko na lang dito

"Take your sit , we'll talk later" utos nito na agad kong sinunod.

Nagsimula naman na ang meeting. Hindi ako mapakali lalo na andito ang taong sumira ng buhay ko.

Patingin tingin saakin si Zero ng may pag tataka kaya naman tinaasan nya ako ng kilay ng napansing hindi talaga ako mapakali he mouthed 'you okay?' habang nakataas ang kilay nya.

Tumango naman ako at binigyan sya ng ngiti. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa nagsasalita sa harap.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na sa wakas ang meeting pero di pa ako pwede lumabas dahil andito pa ang boss ko at nakikipag kamay pa sa mga kliyente.

Nang matapos na syang makipag kamay lalabas na sana kami ngunit nagsalita ang lalaking kinamumuhian ko.

"Vio Hi sweety" malambing na ani ng demonyo

"Do you know him?" Bulong saakin ni Zero

"No sir, let's just go" aya ko kay zero

Pipihitin ko na sana ang doorknob ng magsalita ulit ito.

"Aww are you ignoring me?that hurts baby" mapang asar nitong sabi.

Dahil sa inis ko hinarap ko na sya na lalong nagpangisi sakanya.

"Ano bang problema mo?" Kalmadong ani ko pero may halo itong inis na pinahalata ko talaga sakanya.

" Nothing" ngiti nito.

Tumayo naman na sya at naglakad papalapit saakin na ikinakaba ko.

"Imissyou sweetheart" sabi nito na may tonong pang aasar pa din at akmang hahawakan ako ng hinila ako ni Zero papunta sa kanyang likod.

Napataas naman ang kilay ni Kreel at tumingin sa Boss kong magkasalubong na ang kilay.

"Don't you dare touch her" madiin nitong ani kay kreel na ikinangiti lang ng gago.

"Violeine is he your boyfriend?" Tanong nya saakin ngunit ang tingin ay nasa kanyang kaharap

"N- yes do you have a problem with that mr.Hash?" Sasagot na sana ako ngunit inunahan ako ni Zero at ang kanyang sinabi ay nakapanlaki sa aking mata.

"Oh ganon ba?ok i should go goodbye Vio and by the way Violeine are you free tonight? I would like to discuss about something ALONE." sabi ni kreel.

Nagtaka naman ako kung ano ang gusto nyang i discuss with me. Hindi agad ako nakasagot kaya naman kinindatan na lang ako ni kreel at umalis na.

Nanakit ang aking pulsuhan dahil sa higpit ng pagkakahawak ng boss ko , ngayon kaming dalawa na lang ang naiwan rito sa loob ng conference room.

"S-sir your hurting me" daing ko sakanya

Marahas nya namang binitiwan ang aking kamay at nauna na syang umalis padabog nya pang isinara ang pinto na ikinatigil ko.

Anong problema non?

Bumuntong hininga naman ako at lumabas na din habang naglalakad ako papunta sa aking puwesto nasa akin ang mga tingin ng mga kasamahan ko dahil siguro sa bad mood si sir? Di ko alam.

'Ano nanaman kayang ginawa ni vio at ganon na lang ang galit ni boss?'

'di ko alam siguro may ginawa sya na ayaw ni sir'

' may relasyon ba sila?'

'Ewan lika na nga'

Dumiretso naman ako sa table ko at nagsimula ng magtrabaho.

Huminto lang ako ng matapos ko na ang kailangang gawin.

Napatingin naman ako sa aking cellphone na biglang tumunog pag tingin ko ay nakita kong may isang message doon kung saan ang number nito ay hindi nakasave

From: 09********68

Hey Vio , i would like to apologize for what I've done these past few years, i know that it's too late but I'm very very sorry alam kong nasira ko ang buhay mo kaya ngayon handa na akong bumawi sayo Leine just give me a second chance please? As friend? I like to know you more right now please?

Napahinto ako ng mabasa ang mensaheng nakarating saakin dahil kilala ko na kung sino ito at himala ang ginawa nyang paghingi ng tawad ngayon.

Weird.

A/N : Hello everyone sorry for these short update at sorry din kung natagalan ang update ha at hindi nasunod ang sched ng pag uupdate naging busy lang po sa school at sorry talaga kung maikli lang sya rn, hope you like it♥️

Keeping  My Secretary Child (On-Going)Where stories live. Discover now