Kabanata 04

14 9 0
                                    

Natapos ang maghapon na wala akong natutunan man lang ni isa.
May pinagagawa saming assignment pero hindi ko naman maintindihan. Kaya pinauna ko na sina cassy at sinabing next week nalang kami mag overnight kina klara. Yun sana ang balak namin ngayon.

Ng mag uwian na ay umakyat nako sa 4rth floor kung nasaan ang diamond section. Umupo ako sa may monoblock sa gitna ng hallway at nagabang sa labas.

"Uy pare dito nanaman si selene!"

"Josh nanaman ipinunta nya pusta."

"Gagi si adriel daw ang ipinunta balita ko tutor daw nyan si adriel!"

Pinanlisikan ko ang mga ito ng mata kaya't nag alisan na ang mga ito. Maya maya pa ay nakita kong lumabas na si josh kasunod ang bitch na si jhana kasama ang aso nyang si adriel.

"Josh!" Tawag ko rito, lumingon ito kasabay ang ilang estudyante, ngumiti ito kayat naglakad ako palapit at ipinulupot ang kamay ko sa braso nya.

"A-Anong ginagawa mo rito selene?" Nauutal na tanong nito.

"Nothing..i just wanted to check on you." Ngumiti ako rito ng pagkatamis tamis, agad naman itong namula at nailang. Kitang kita ko sa gilid ang pagngangalit ni jhana ng magbaba ito ng tingin sa kamay kong nakakawit kay josh.

What??

I'm not using josh okay??

Ipapakita ko lang sa butiking kasama ni jhana ang kaya kong gawin once na hindi nya inobey ang mga iuutos ko sakanya.

"Oh andyan pala kayo jhana..hello to you my tutor!" Magiliw na plastic na pagkakabati ko sa mga ito. Kita ko kung pano manlisik ang mata ni jhana habang si adriel naman ay may pag aalala at pag mamahal na nakatingin sa kanya.

Muli kong binalingan si josh at nakitang mariin itong nakatitig sakin.

"May dumi ba ko sa muka?" Napakurap kurap ito at sunod sunod na umiling.

"N-Nothing..uhm..selene may laban ulit kami sa UST next week, pwede ba kitang isama??" Kinakabahang tanong nito.

"I'll think about it." Nginitian ko ito bago namaalam na mauuna nako dahil iintayin ko pa si mom na nasa gym together with other teaches, my meeting sila eh. Bago ako tumalikod ay kita kong halos patayin nako si jhana sa titig.

Poor you jhana! Such a loser.

Dumiretso nako sa guidance office at naupo sa may bench para don mag intay. Ayokong mag commute dahil makakaamoy nanaman ako ng mga kakaibang amoy. Pag upo ko pa lang ay natanaw ko na ang butiki na palapit sa gawi ko. May sakbit itonng back pack at may bitbit pang isang bag, kaya siguro hindi lumalaki to. Ng makalapit ay tumayo lang ito sa harap ko habang nakatungo.

"Para kang tanga dyan." I crossed my arms and roll my eyes at him.

"P-Pwede bang wag mong inisin si j-jhana?? Alam kong m-may idea ka ng si j-josh ang gusto nya.." Napangisi ako dahil sa sinabi nito. Awww..ang sweet ah.

"Pano kung ayaw ko??." Hamon ko rito, bigla itong napaangat ng tingin at namilog ang mga mata, cute na sana muka lang butiki.

"G-Gusto mo ba si josh?" Tanong nito sakin na kinataas ng kilay ko. Tumayo ako sa pag kakaupo at bahagyang inilapit ang muka sa kanya. Mas mataas ako ng 2 inches sakanya kaya medyo yumuko pa ako.

"Wala ka ng pakialam don, kung gusto mong hindi masaktan si jhana susunod ka sa lahat ng gusto ko."
Napahalakhak ako ng walang pag aalinlangang tumango si butiki. I think tama yung kasabihan na lahat nagagawa ng love.

Sucks!

Parang mga tanga!

Inabot ko ang bag kong nakapatong sa bench at hinagis sa muka kanya .

"Bitbitin mo yan." Utos ko rito bago naunang mag lakad papuntang parking lot ng school. Bumaling ako sa likuran ng maramdamang hindi man lang ito sumunod.

"Ano ba tatanga ka na lang ba dyan?!" Dali dali naman itong sumunod kahit hindi na ito magkanda ugaga sa mga bitbit, andami dami kasing dala! Tsk.

"Asan dyan ang sundo mo." Tamad na tanong ko rito ng makarating kami sa parking lot. Itinuro naman agad nito ang itim na van sa pinakadulo. Napangisi ako, he's really an elite huh.

Naglakad nako papunta sa gawi ng van at walang alinlangang sumakay. Pag upo ko ay nakita ko si adriel na butiki sa labas at nakatanga nanaman sakin.

"Ano ba?! Alam kong maganda ako! Tatanga ka nanaman ba dyan?? Gusto ko ng umuwi utusan mo tong driver nyo na ihatid ako bilis!" Napatingin ako sa rear mirror at nakita ang pagtataka sa muka ng driver. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi antukin, at hindi ko namalayang nakatulog ako.

Naalimpungatan ako ng makaramdam ng gutom. Nagmulat ako ng mata at nakitang nasa van padin ako ni butiki. Tumingin ako sa gilid at nakitang nakatingin ito sakin kaya tinaasan ko ito ng kilay.
Lumingon ako sa labas at nakitang nasa tapat kami ng kfc at wala sa tapat ng bahay.

"Muka bang dito yung bahay ko?!" Napapadyak ako sa inis.

"H-Hindi ko kasi alam kung saan ang bahay nyo kaya dito ko na pinadiretso si mang kanor dahil kanina ko pa naririnig na kumakalam ang tyan mo." Paliwanag nito, pwede namang gisingin at tanungin! Ang tanga talaga! Sinamaan ko naman ito ng tingin bago lumabas ng van.

Pag pasok ko sa loob ay sumalampak agad ako sa pinakamalapit na upuan at umubob sa table. I felt sleepy..

Maya maya pa ay natanaw ko na si adriel na butiki na hindi mag kanda ugaga sa hawak nyang tray ng mga pagkain palapit.

Ng mailapag nito ang tray ay agad kong inupakan ang rice at chicken..

I'm fucking starving!

Dahan dahang umupo si butiki sa tapat ko habang nakatungo.

"Hindi kaba nag kaka stiff neck kakatungo??" Gulat itong nag angat ng tingin, pero tuloy lang ang nguya ko. "Subukan mong tumungo kapag kaharap ako at sasampalin kita!" Banta ko rito. Bahagya naman itong nag angat ng ulo pero sa baba padin nakatingin kaya napairap ako.

Dalawa ang rice na binili nya at hindi ko na maubos kaya uminom nako ng coke.

Itinulak ko naman sa tapat nya yung tray kaya nag angat ito ng tingin sakin.

"Kainin mo yan, wag kang aarte at wag mong sayangin." Utos ko sa kanya, mag gagabi na at alam kong gutom din ang isang to. Pero nanatili lang itong nakatingin sakin bago ibinaba ang tingin sa tray. May isang rice pa yon at hindi ko naubos ang chicken, malaki pa naman yon sayang naman.

Walang ginawa ito kundi tumanga sa pagkain, napairap nalang ng marinig ang pagkulo ng tyan nito. Inis na inalis ko ang balot ng rice, kinuha ko ang plastic spoon and fork bago sumandok at itapat sa bibig nya. Gulat itong napatingin.

"Ano ba nangangalay ako! Bilisan mo ang arte arte! Tsk." Bulyaw ko rito kaya agad niya namang kinuha ang plastic spoon at sya na mismo ang nag subo sa sarili nya. Kinuha ko naman ang phone ko at nag text kay mama na dumaan ako sa fast food sa bayan dahil nagugutom nako.

Ng matapos ay agad din kaming sumakay sa sasakyan niya at nagpahatid nako sa bahay, itinuro ko sa driver ang daan at wala pang 30 mins. Nasa tapat na kami ng gate namin.

Bago ako bumaba may kinuha akong papel sa bag ko at ibinato sa kanya.

"Gawin mo yan." Utos ko sa kanya. Kumunot lang ang noo nito at nagtataka akong tiningnan.

"A-ang sabi ni ma'am, ay turuan kita at hindi i-ipaggawa." Alma nito sakin.

"Gagawin mo yan o malalaman ni jhana na may gusto ka sakanya??" Pananakot ko sa kanya bago lumabas ng van at pumasok sa gate namin.


To be continued....

High School Series #1 (INLOVE WITH THE BULLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon