Kabanata 08

7 0 0
                                    

"Oh my god! Nabalitaan nyo ba?! Yung top 2 sa diamond section isinugod sa ospital!"

"Ang creepy talaga ng grupo nina cristhina geez last year muntik na nilang mapatay yung anak ni Mrs. Mariano dahil sa pambubully nila."

"I swear to god mas gugustuhin ko pang tumalon sa tulay kesa makabangga ang grupo nila!"

Napanting ang tenga ko sa narinig, si jhana??

"Oh my! Selene! Shit yung nerdy girl sa diamond section 50/50 raw!" What?? Kunot noo kong tiningnan si klara dahil sa sinabi nya. "Binugbog daw ng group nina cathrina del mundo, yung senior high na nakalaban mo last month." Bakit naisipan ng mga demonyitang yon na mambugbog ng lampa??

Oh god baka pati si adriel binugbog!

Patakbo akong lumabas ng classroom namin kahit alam kong may next class pa, pumunta agad ako sa highest floor ng building, pag dating ko doon ay iilang estudyante lang ang nasa hallway at mga takot habang di magkaintindihan.

Nakisiksik ako sa mga ito at tiningnan ang loob ng classroom napatakip ako sa bibig ng makitang nagkalat ang madaming dugo sa sahig.

What the heck is this?!

Lumingos ako sa kumpol ng mga estudyante at nahagip ng paningin ko si josh kaya dali dali ako ritong lumapit.

"S-Selene.." Mahinang tawag nito sa pangalan ko.

"Josh nasan si adriel??" Tumitig lang ito sakin ng may di makapaniwalang tingin at pagtataka. "Josh! I'm asking where the hell is adriel?!" Nauubusan nako ng pasensya at hindi ko na mapigilang sumigaw.

"I-I-I'm not sure but i heard n-na nasa Don Mariano isinugod si jha--

Hindi ko na ito pinatapos at tumakbo nako ng mabilis pababa ng building. Pero bago makahakbang papalayo ay may humawak na sa braso ko.

"S-Selene.."

Kinalas ko ang kamay nito sa braso ko at dali daling bumaba ng building, lumabas ako ng school at pumara ng taxi bago nag pahatid sa Ospital kung nasaan si adriel.

Natataranta akong bumaba ng taxi at nag tatakbo papasok sa entrance. Agad namang itinuro ng nurse ang room kung nasan sina adriel kaya't dali dali ako ruong pumunta. Ng buksan ko ang pinto ay nakakabinging katahimikan ang sumalubong sakin, tanging tunog lamang ng life ang machine ang pumupuno ng ingay sa silid.

Agad kong nilapitan si adriel na nakaupo malapit sa hinihigaan ni jhanelle at hinawakan ito sa balikat bago iniharap sakin at kahit hinihingal ako ay sinuri kong maigi ang katawan at mukha ni adriel, paniniguradong wala itong sugat o pasa...napabitaw ako sa balikat nito ng salubungin ni adriel ng malamig na titig ang mata ko.

Wala itong emosyon, pero kitang kita ko ang galit sa mata nya. Nag iwas ako ng tingin at napadako kay jhanelle na may tubo sa bibig at madaming benda sa katawan.

Oh god!

Muli akong tumingin kay adriel at  nakitang nakatitig lamang ito kay jhanelle habang walang emosyong lumuluha.

"A-Adriel..."

Hahawakan ko sana ang laylayan ng suot nitong t shirt pero mabilis itong tumayo at lumabas ng pinto, agad naman akong sumunod at pilit itong hinabol.

"Adriel!"

"Huy!"

"Bansot galit kaba???"

Napaatras naman ako na napatigil ng bigla itong humarap sakin at katulad kanina ay para itong yelo.

"Ano pa bang gusto mo selene. Ayan na, nangyari na kay jhanelle ang gusto mong mangyari..yon naman ang pakay mo una palang diba?? Ang masaktan si jhanelle."
Nangunot ang noo ko ng marinig ang sinabi nito.

"A-Ano bang sinasabi mo? Ni hindi ko nga alam na ganito ang nanyari sa kanya."

"Wag mo nakong utuin selene..wag na wag kong malalaman na kasabwat ka sa nangyari sa kaibigan ko dahil hindi ako magdadalawang isip na ikick out ka sa school kasama si Mrs. Mariano." Huling sabi nito bago tumalikod at nag lakad papalayo. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa mga narinig mula sakanya.

"Pero kaibigan mo din ako..." Bulong ko sa hangin dahil alam kong di na yon maririnig ni adriel. Napahawak ako sa sintido at pilit inisip ang mga pinag sasasabi ni adriel sakin, pakiramdam ko ay sasakit lang ang ulo ko kakaisip.

Muli akong bumalik sa silid ni jhanelle at pinagmasdan ang kalagayan nito, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ito ng grupo nina cathrina at kahit anong isip ay diko mahulaan ang dahilan. Madami itong benda sa ulo at puro pasa ang katawan? Napakagat ako sa labi dahil sa awa.

Inis ako kay jhanelle pero hindi ako aabot sa punto na ganito ang gagawin ko sa kanya. Hindi ko maimagine ang hirap na pinag daanan nya nung ginawa ito sa kanya.

Napalingon ako sa likod at nakitang may pumasok na doctor at mga nurse. Chineck ng mga nurse ang lagay nito habang may kung anong isinusulat ang doctor. 

"Ah..doc excuse po pwede pong magtanong?"

"Kaano ano po nila ang pasyente."

"Classmate po."

"Comatose ang bata dahil hindi nito kinaya ang pambubugbog at papanaksak sakanya, nagtamo ng trauma ang utak nito at hindi nagpa function ng maayos dahil sa nangyari, hindi namin masasabi kung kailan gigising ang pasyente..maaaring bukas..mamaya..sa kabilang linggo..o kahit after 5 to 7 years at malaki rin ang posibilidad na hindi na ito magising..." napatakip ako ng bibig ng marinig ang sinabi nito..shit!

Alas onse na ng madaling araw, Tulala ako at hindi padin makatulog.

Im so guilty kahit na wala naman akong ginagawang kasalanan.

Dahil ba yon sa pambubugbog na ginawa ko kay cathrina kaya kay jhanna ang mga ito gumanti?

Argh!

Madali kong kinuha ang hoodie ko at sinuot iyon, lumabas ako ng bahay at nag book ng masasakyan papunta sa bahay nina adriel.

I need to make things in my head clear!

Hindi pwedeng ganito ako't nag iisip mag damag.

Mahigit dalawampung minuto na akong nakatanaw sa napakataas na gate ng bahay ni adriel. Nagdadalang isip kung tutuloy o uuwi na lang pero sa huli ay mas pinili kong pindutin ng dalang beses ang doorbell sa gate.

Wala pang limang minuto ay pinag buksan ako ng kasambahay, agad naman akong nag pakilala at pinapasok sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Series #1 (INLOVE WITH THE BULLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon