Chapter 28 - Scaredy cat

2.6K 47 18
                                    

"Arayy!" reklamo ni Carlos habang ginagamot ko 'yong sugat sa labi niya. "Ano ba ate, okay na nga ako diba."

Agad naman siyang tumayo sa sofa at umalis papuntang kwarto niya. Kanina ko pa kasi sila sinesermonan.

"Carlos di pa ako tapos ano ba," inis na sabi ko kay Carlos. Napatingin naman ako kay mapanganib na lalaki na naka upo din sa sofa. He was just like bored sitting around. Kita ko yung mga pasa niya sa mukha. Napa roll ako ng mata dahil sa frustration. Kumuha ako ng gamot at inilagay ko 'to sa mga sugat sa mukha niya. Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil hindi ko na dapat siya pinapansin pero look what am I doing right now, I am treating his wounds. Bakit ba hindi malayo layo sa gulo 'tong si mapanganib na lalaki?!

May nag sumbong kasi saakin kanina na may nakakita sakanila na nakikipag suntukan sa may eskinita malapit sa school. Nung kwinento ni Carlos kanina yung buong istorya ay binatukan ko siya ng mga sampung beses. Idol niya ba talaga si mapanganib na lalaki at kelangang maging bad boy din siya?! I mean, sinong matinong tao ang magbabato ng bola sa classmate niya? God, nahawa na ba yung kapatid ko kay mapanganib na lalaki?!


Pero, kung wala si mapanganib na lalaki siguro nasa hospital na si Carlos ngayon. Ugh, mas lalo akong na fru-frustrate dahil may utang na loob tuloy ako sakanya neto.

"Thank you," sabi ko habang nilalagyan ko ng gamot yung side ng lips niya. I am really thankful for him, paano nalang kung hindi siya dumating. I heard na gangster yung mga bumugbog sakanila, Carlos might die if hindi dumating si mapanganib ma lalaki. Losing someone, really scares the crap out of me. Ayoko nang may mawala pa na taong importante sa buhay ko. Losing papa was too much already. Hindi ko kaya pag may susunod pa. "To make it up to you, ililibre kita ng food, oo tama. Ililibre kita sa favorite kong korean restaurant para naman hindi laging japanese food ang kinakain mo, teka mag bibihis lang ako."


Agad akong nag bihis, at hinila ko na si mapanganib na lalaki papunta sa kotse niya. Habang inaayos ko 'yong seatbelt ay napa isip ako.

"Wait, wala ka na bang klase ngayon?" tanong ko sakanya.

"I have," sabi niya.

"Ha? Bakit naman hindi mo sinabi agad," sabi ko sakanya. "Eh wag na pala tayong kumain."

Tatanggalin ko na sana yung seatbelt pero pinigilan niya ako.

"Anika, I can ditch my class for you."

Napa tigil ako sa sinabi niya. What's wrong with me? Bakit feel ko ang bilis ng tibok ng puso ko. May sakit na ba ako sa puso?

I tried my best para pilitin siyang pumasok pero he's being his own self again, he's not listening. Then, I gave up. He started driving at sinabi ko yung address ng korean restaurant. Hindi ko mapigilan na hindi sumulyap sakanya every minute na nag dri-drive siya. Ang weird ko, gosh!

Nung nakarating na kami sa korean restaurant, hindi ko ineexpect na close sila. Pano na ngayon 'to?

"Closed." sabi ni mapanganib na lalaki.

Napa nguso naman ako dahil effort naming pumunta dito tapos close pala.

"Let's just eat somewhere," sabi nito saakin. Nagulat naman ako dahil agad siyang pumunta sa kotse kaya sumunod nalang din ako sakanya.


Danger Is On The Way  (Completed) Место, где живут истории. Откройте их для себя