Chapter 33 - Tulips

800 18 18
                                    

Kinuha ko yung baso ng tubig sa harap ko at agad akong uminom.

"Congrats, you're selected right?" sabi nito. I pouted. Bakit ba ang bilis ng news sa campus, it's like minutes ago nung sinabi yun pero kalat na agad? Atsaka sa institute lang namin yung pageant na yun pero bakit buong campus alam yon? Hays ibang klase dito.

"Sa totoo lang, ayaw ko naman talaga." sabi ko honestly. "Sayang naman kasi yung opportunity pag nanalo. Reservation sa internship kasi sa hospital ninyo yung prize."


"Tsk," sabi niya. "What's good about that hospital. That place is full of craps."

"Hay nako! Bakit ka ba laging may hinanakit sa mga bagay-bagay. Bakit ka ba galit na galit sa hospital ninyo aber?" sabi ko sabay cross ng arms.

Kasi naman pansin ko ayaw niyang pumunta sa hospital nila. Kagaya last time, kung di ko pa siya pinilit, di pa siya pupunta. Tapos dalawang beses na niya sinabi yung full of craps yung hospital nila. Sira ulo talaga 'tong taong to, pasalamat nga siya may ari sila ng pinaka successful na hospital sa pilipinas.

"None of your business." sabi nito sabay pinagpatuloy niya yung pagkain niya.


I just pouted. "Tsk, ang dami mo talagang sikreto."


"Kaya nga secret, hindi dapat sabihin." sabi niya.

I just pouted. Well, may point naman kasi siya. Even I, have a secret. I got kidnapped four years ago and one things for sure, that man is watching my every move and I'm scared.


"Danger."

Napalingon kami sa nag salita, at nakita namin na nakatayo sa kanan si Fear. Sinenyasan ni Fear si mapanganib na lalaki na lumapit ito sakanya. Parang important and sobrang confidential ng sasabihin ni Fear sa kapatid niya based sa facial expression niya. Nacurious tuloy ako kung ano yun.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko, nang biglang nag ring yung phone na nasa harap ko. Phone ito ni mapanganib na lalaki, inilapag niya kasi kanina habang kumakain siya.

*ALARM*

SPECIAL DAY.
Celebrate her birthday with her.

Birthday? Bigla ko namang na alala na birthday nga pala ni Candice ngayon. Nag celebrate kasi sila sa classroom kanina. Alam niyo bang di na nag lecture yang si sir namin dahil birthday ni Candice? Yup, she's that special.

No wonder, special day din para kay mapanganib na lalaki 'tong araw na 'to. Tignan mo nga nag alarm pa siya. Tss.

But why do I care?

I shrugged at my thoughts , sakto namang pabalik na si mapanganib na lalaki sa table.

"Uhm, nag alarm phone mo." sabi ko sabay tinuro ko yung phone niya. Kinuha niya agad ito, at agad siyang parang na alerto. Look at the excitement on his face. Masyado siyang pa obvious na excited siya sa date nila, medyo nakakairita.

"Finish your food, may pupuntahan tayo." sabi nito saakin. Agad naman akong umayaw dahil marami pa akong gagawin atsaka bakit niya ako isasama sa date nila ni Candice aber.

Danger Is On The Way  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon