Chapter 23 - Don't you agree?

2.3K 48 31
                                    

I bit my lower lip and napa yuko ako. Ano ba kasing ginagawa ko rito. Bakit ko parin kasama sila. Biglang na-alala ko yung sinabi ni Bea na kasama din pala si Fear sa bugbugan dati. Napatingin ako sa mukha niya at buti nalang wala na siyang pasa. Sinabi kasi ni Bea na may pasa silang dalawa ni mapanganib na lalaki. Aish, ang dami kong kasalanan.

"Sorry pala about nung-" bago pa man makumpleto ang sasabihin ko ay iniwan ako ni Fear mag-isa doon sa may pool area. Napa simangot nalang ako dahil parang ayaw niya talaga saakin. Inisip ko yung sinabi niya saakin. Binalaan niya na kasi ako dati, pero parang naging bale wala lang. Iiwasan ko naman talaga dapat sila, kaso lagi kaming nagkikita kung saan-saan. Kahit ayaw ko, in the end wala akong choice. Paano ko maiiwasan yung dalawa kung laging mukha nila ang nakikita ko sa school. Kulang nalang, sabihin saakin ni Fear na umalis na ako sa school.

Napabuntong hininga ako.

"Anika? What are you doing here? Eto na juice mo." sabay nakita kong may hawak hawak si Fire na orange juice. Lumapit ako sakanya at inalis ko muna yung mga iniisip ko, baka kasi magtaka pa si Fire kung bakit nakasimangot nanaman ako. I swear pag katapos ng party na 'to, iiwas na talaga ako sakanila. Last na 'to.


"Thank you," sabi ko atsaka pinilit kong ngumiti.

"Kakain na, tara na dun." sabi nito sabay hinila niya yung kamay ko.


Pag dating namin doon ay naka upo na ang mga tao sa kanikanilang mga table. Yung mga waiter ay nag s-start nang mag serve ng food sa bawat tao. Napalunok ako nung na realize kong papunta kami ni Fire sa pinaka malaking table. Wala lang, the table itself made me scared.

"Sorry, we're late." sabi ni Fire sa buong table. Napa tingin naman sila lahat saamin. Napalunok ako dahil parang hindi ako welcome.

"And who's the beautiful young lady?" sabi ng isang matandang lalaki na naka suit at naka eye glasses. Teka, wait nakita ko na 'to before sa school?

"Grandpa, she's my date." sabi ni Fear. Nahigit ko naman yung paghinga ko dahil lolo nga pala nila Fire 'yun. Kaya para pala parang familiar. Nahiya naman ako agad. Napatingin ng sabay sabay ang mga tao sa table na 'yun , saakin. Ewan ko ba pero ang bilis ng kabog ng puso ko. Feel ko ayaw nila saakin lahat. Atsaka bakit ba pinakilala niya akong date niya, baka kung anong isipin ng iba.

Napatingin ako sa left side ng lolo nila Fire at nakita ko si Candice . Masama ang tingin niya saakin at parang sasaksakin niya ako sa tinidor na hawak hawak niya. I guess, close talaga siya sa family nila Fire. Ako lang ba talaga ang hindi welcome dito? Napatingin naman ako right side ng lolo nila at nakita ko si mapanganib na lalaki na nakatingin saakin habang naka kunot ang noo. Wala na nang sugat o pasa ang mukha niya. Napatingin din ako sa tabi ni mapanganib na lalaki at andun si Fear. Tinignan niya lang ako sabay nag shook siya ng head na parang na di-disappoint saakin. Napasimangot nalang ako. Bakit ba ako pumayag na isama ni Fire dito.

Pinaupo ako ni Fire sa tabi ni Candice at umupo naman si Fire sa tabi ko.

"Candice," biglang sabi ng lolo nila Fire.

"Yes, grandpa?" sabi nito. Grandpa din tawag niya? Close ba talaga siya sa family nila Fire?

"Bakit ka naman nakipag break sa apo ko. Is he not good enough?"

Nag chuckle ng awkward si Candice na parang hindi siya makasagot.

"Grandpa, maybe she likes someone. You know? Maybe someone we know?" sabi ni Fire. Nagulat ako sa sinabi niya at siniko ko siya. Seryoso ba si Fire sa sinasabi niya ngayon? He's making a scene. Narinig ko namang parang nabulunan si Candice.


Danger Is On The Way  (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang