Working with him

59 1 0
                                    

Matamlay na bumangon si Sapphire upang pumasok ng trabaho sobrang sakit ng buong katawan niya dahil andaming pinagawa sa kanya ni Harold na syang boss niya. Tila impyerno nga ang pagiging boss nito malupit ito at mabait lang sa kinikilalang Fiance niya..alam na niya ang rason bakit laging nagreresign ang mga nagiging secretarya nito ngunit hindi niya maiwasang manghina tuwing maalala niya paano sya itrato ngayon ng taong minamahal niya.

Nakaupo na sya sa upuan niya at sinisimulan nanaman gawin ang mga tambak na papel sa mesa niya ng biglang sumulpot sa harap niya si Harold o Ezekiel.

"Ito ba matatawag mong trabaho? Ayusin munaman bago mo ibigay sakin! May alam ka ba talaga!"

Bulyaw ni Harold habang hinagis nito ang mga nagkalat na papel sa mesa niya.

Pinipigil ni Sapphire ang mga luha habang pinupulot isa isa ang mga binalik ni Harold sa kanya ng biglang pumasok si Cassandra at dumako ang paningin nito sa dereksyon niya.

"Sweetheart! Just relax please wag mo naman pahirapan si Sapphire"

Nagaalalang lapit nito kay Harold.

"I'm sorry Sweety sumasakit lang ang ulo ko at naiinis ako sa mga taong mahilig magkamali"


Sabi ni Harold habang hinihimas ang ulo niya hinalikan sya ni Cassandra sa mga labi na syang nagpakalma dito at di nakaiwas sa mga mata ni sapphire na syang lalung nagpakirot ng puso niya at tuluyang nagpatulo sa mga luha niya na agad naman niyang pinahid. Lumapit si Cassandra sa kinaroroonan niya at ngumiti habang hawak ang mga kamay niya.

"I'm really sorry Sapphire sa attitude ng Fiance ko sana -"


Hindi natuloy ni Cassandra ang sasabihin dahil hindi na nakatiis si Sapphire sobra syang nasasaktan dumagdag pa ang pagiging mabait sa kanya ni Cassandra.


"Dont worry ok lang po ako ma'am"

Sabi niya ng may ngiting mapait.


"Just call me Cassandra na lang ha"

Nakangiting sabi nito at kumindat bago umalis ng opisina ng tignan niya ang kinaroroonan ni Harold/Ezekiel ay nakatitig ito sa kanya.

I borrowed the life of my sisterWhere stories live. Discover now