Boss and Secretary

57 2 0
                                    

Kagabi pa hindi nakatulog ng maayos si Sapphire kakaisip sa mga sinabi ni Cassandra sa kanya mawawala ito ng tatlong buwan at ipinagkatiwala nito ang Fiance niya para tignan niya. Nalulungkot sya sa isipan na napakabuti ni Cassandra sa kanya at malaki ang tiwala nito sa kanya.. Nasasaktan sya dahil kaylangan nyang bawiin si Harold at alam niyang pagkakataon na niya ito. Kahit tinatamad bumangon si Sapphire ay pinilit niyang pumasok para kay harold. Nagmamadali niyang tinungo ang opisina nila ng kanyang boss. Nagulat sya dahil nauna sa kanya si Harold/Ezekiel sa loob ng opisina, nagtataka sya dahil ngayon lang ito pumasok ng maaga.

"What took you so long?" Mukang iretableng sabi nito sa kanya.

Hindi maiwasan ni sapphire na humanga lalu sa presenya nito napakagwapo nito sa soot nitong long sleeves na plain white na mejo naka bukas ang dalawang botones nito sa itaas. Nawala ang pag papantasya niya ng muli itong nag salita.

"What?!!!" Sigaw nito.

Halatang galit na ito pero nakangiti pa din si sapphire na sya namang kinabago ng expression nito.

"That smile? Nakakatuwa ba muka ko?"

Mahinahon na ang tono nito.

"Hmm.. Sir ang pogi niyo po..kasi"

Nakangiti pa din sabi nito.. Nakita niyang ngumiti si Harold pero tumalikod ito sa kanya bago nagsalita ulit.

"Pack your things.. We need to go in Palawan.. " sabi nito habang nakatalikod padin. Nagulat si Sapphire sa narinig kaya lakas loob syang nagtanong.

"Si-sir! Ano pong gagawin natin don?" Nahihiyang tanong niya.

"We need to go there.. My business proposal ako para kay lola dahil secretary kita kaylangan mong sumama" nakaharap na ito sa kanya at seryosong nakatingin sa kanya.

Napaisip si Sapphire sa mga sinabi nito.

Sapphire P.O.V

Lola? Siguro yun yung taong kumuha sa kanya. Makikilala ko na din sya kaylangan kong sabihin na hindi sya si Ezekiel sya si Harold at bakit niya kinuha si Harold. Hindi man lang niya ipinahanap kung saan nakatira si Harold o may pamilya ba ito kinuha niya si Harold sakin. Napakasama niya. Sisiguraduhin kong mababawi ko si Harold sa kanya. Malalaman ko din ang lahat kung paano naging de silva itong si Harold ginawa pa niyang Ezekiel package pa me fiance! Tapos hindi ako.!! Nakooooo!

Matapos ang mahabang pinagsasabi ni Sapphire ay nagsalita ulit ang boss niya. Nakaupo na ito at tutok sa computer niya.

"Bukas tayo aalis susunduin kita san ka ba nakatira? "

Sabi nito na nakatingin pa din sa computer niya.

"Ah sir! Wag na po kasi katabi lang naman po nitong hotel yung tinitirhan ko"

Hindi na umimik si Harold at ipinagpatuloy na ni Sapphire ang mga gawain niya.

I borrowed the life of my sisterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang