Concern

44 2 0
                                    

Masayang masaya si Sapphire dahil isang buong araw syang inalagaan ni Harold akala niya ay hindi na darating pang muli na hindi na sya susungitan nito. Nang makauwi sya sa tinutuluyan niya hindi niya maiwasang alalahanin kung nasaan na nga ba si Lance matagal na niya itong hindi nakikita at nakakausap kasabay ng pagalis ni Cassandra. Nagsimula na syang gumawa ng cookies. Napagpasyahan niyang gawan si Harold ng cookies araw araw ng hindi nito nalalaman. Inagahan ni Sapphire pumasok upang magawa niya ang balak.

Nang pumasok si Harold/Ezekiel sa opisina niya kunot nuo niyang tinungo ang lamesa niya dahil may maliit na box na nakapatong dito. Natulala sya ng cookies ang laman nito.

"Ka-kanino galing ito?"

Naguguluhan na tanong niya kay Sapphire.

"Hindi ko po alam sir pagpasok ko meron na po jan" sagot ni Sapphire habang pinagmamatygan niya ang reaction nito.

Ngumiti sya ng buksan ni Harold ang box at tikman ito.

"Ang sarap.. Parang.. Matagal ko ng gusto ito.. Ang lasang to.."

Napailing na lamang si Harold dahil wala na talaga syang matandaan.

"Salamat" tanging nasabi nalamang niya.

Ngiting ngiti naman si Sapphire ng makita niyang natuwa ito sa cookies.

Pauwi na si Sapphire ng makasalubong niya si lance.

"Lance!!! Ikaw ba talaga yan!?? Saan ka ng galing!" Tuwang tuwa si Sapphire ng makita si Lance at di maiwasan yakapin niya ito.

Napangiti naman si Lance dahil namis niya rin ito.

"You mis me?" Nakangiting sabi ni Lance.

"Naman! Saan ka galing!"

Tanong ni Sapphire.

Dumako ang paningin ni lance sa gilid ni Sapphire bago niya ito bulungan.

"Pustahan may sasapak sakin bilang kang tatlo"

Nakangising sabi nito.

"Huh?" Takang tanong ni Sapphire

1

.

.

.

2

.

.

.

3

Bogxxxszzz!!!!

"Bitiwan mo sya!" Sigaw ni harold after niyang sapakin si Lance.

"Ha-harold..Sir ziek!" Tarantang sabi ni Sapphire.

"Wag na wag kang lalapit! Pagkatapos mong guluhin kami ni Cassandra andito kananaman at balak mo pang akitin si Sapphire!" Galit na galit na sabi ni Harold habang gulong gulo si Sapphire. Ngising ngisi naman si Lance habang pinapahid ang labi niyang nagdugo.

"Hey! Long time no see.. Bakit ko naman hindi lalapitan ang Girlfriend ko?" Ngising ngising sabi ni lance at hinila si Sapphire sa likod niya at inakbayan.

"What!? Is that true sapphire?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Harold.

"Umoo ka mamaya ako mageexplain me plano ko" bulong niya kay sapphire.

Hindi mapakali si Sapphire at sumangayon nalang kay lance kahit labag sa kalooban niya.

"Y-yes!"

Nauutal na sagot ni Sapphire.

"Fine!"

At umalis na si Harold.

"See? Sabi sayo mananapak e"

Ngising sabi ni lance kay Sapphire.

Binatukan sya ng malakas ni sapphire dahil naguguluhan sya dahilan para maalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.

"Sira talaga tuktok mo! Tara na at magpaliwanag ka sa akin!" Nauna na syang umalis at sumunod naman si lance sa kanya.

Harold/Ezekiel P.O.V

Hindi ako makapaniwala boyfriend niya yung hayop na lance na yon? Akala ko ba yung harold yung mahal na mahal niya. Ibang klase.. Bakit ba ko concern? Bakit ko ba sya iniisip? Ano ba tong nararamdaman ko. Parang gusto ko syang hilahin don sa lance na yun pero wala akong karapatan.

I borrowed the life of my sisterWhere stories live. Discover now