Chapter 2

2.3K 127 15
                                    

" Tara na sa room?" Tanong ni July dahil tapos na kaming kumain. Sumang-ayon naman kaming apat sakanya kaya tumayo na kami at naglakad habang nag-aasaran. Tinulak tulak pa ako ni Princess habang inaasar ako doon sa lalaki kanina. Tinanong ko lang naman ang pangalan niya kung kilala ba nila pero sinimulan na nila akong asarin. Issue talaga nila.

" What the hell!" Napatigil lang sila sa pang-aasar dahil may nakabangga ako. Nahulog 'yong tray sa sahig na may nakalagay na pagkain. Nagulat kaming lahat lalo na ako. Ramdam ko narin ang tingin ng ibang tao saamin.

" S-orry po hindi ko po sinasadya" paumanhin ko doon sa babae. Umangat siya ng tingin kaya napasinghap ako nang makitang iyong Vice president ang nakabangga ko. Matalim ang mga tingin niya saakin.

" Sorry? Do you think madadaan sa sorry ang ginawa mo?! " Galit na sabi niya kaya mas kinabahan ako.

" M-iss hindi niya po talag—" sinubukan siyang kausapin ni Cally pero binalingan niya ito ng nakakamatay na tingin kaya napatahimik siya.

" Shut up!" Napaigtad ako dahil talagang nakakatakot ang pagsigaw niya. Mukhang galit na galit talaga siya.

" I-m sorry po talaga...Hindi ko po sinasadya. I'm s-orry—" naputol ang sasabihin ko nang kinuha niya iyong juice at spaghetti sa isang mesa at hindi ako nakapagreact nang binuhos niya saakin ang mga iyon na ikinasinghap ng iba. Gulat parin ako at hindi makapaniwala. Ramdam ko ang lamig ng juice na binuhos niya saakin.

" Next time wag tatanga-tanga. Stupid!" Singhal niya bago umalis kaya hindi ko na napigilang maiyak. Mabilis naman akong tinulungan nila Jade. Hinila na ako ni Jade palabas at dinala sa Cr. Doon ako umiyak ng umiyak.

" Paano na itong uniform ko?" Naiiyak na tanong ko dahil may mantsa na ang uniform ko. Hindi ako pwedeng pumasok ng ganito.

" Shhh tahan na. Ipapahiram nalang kita nang P.E uniform ko. Magdahilan ka nalang mamaya sa mga teachers natin. Para makapasok ka lang" Saad ni July.

" Sorry talaga Haylee. Dahil saakin napahamak ka. " Malungkot na wika ni Princess. Halatang sobrang  nagsisisi siya.

Tumigil na ako sa pag-iyak dahil wala namang patutunguhan. " Okay na 'yon Princess. Hindi naman ako galit sayo eh. " Sabi ko dito pero nakayuko parin siya. " Hoy! Sabi ko hindi ako galit sayo."

Umangat siya ng tingin at nakita kong umiiyak na siya kaya nagulat ako. " Hala bakit ba umiiyak?"

Mabilis na niyakap niya ako ng mahigpit." I'm so sorry Haylee. I'm sorry. "


Natawa nalang ako sakanya. " Oo na. Tumahan kana. "

Napatigil lang siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Heart. Tipid na ngumiti siya saamin habang may dalang paper bag. Lumapit siya saakin kaya nagtaka ako.

" Here. My extra uniform. You can use this. "

Napamaang ako sa sinabi niya at nang  inabot nito saakin ang paper bag na dala niya. Yong mga kasama ko tahimik lang habang nakamasid saamin.

" A-h salamat nalang may extra—"

" You better change now. The class will start sooner." Huling sinabi niya bago umalis at maiwan akong nagtataka.

" Magkakilala kayo?" Tanong ni July.

" Kahapon ko lang siya nakilala " sagot ko.

Sinabihan nila akong magpalit na dahil baka malate kami sa klase. Paglabas namin ay nakaabang lang doon si Cally. Hindi kasi allowed na pumasok ang lalaki sa women's comfort room kahit sabihin pang bakla.


" Ah si Heart?" Tanong ni Cally nang sabihin ni Princess na si Heart ang nagpahiram ng uniform saakin. Medyo malaki saakin yong uniform dahil mas matangkad saakin si Heart.


" Ang bait niya no?" Rinig kong wika ni July.

" Gaga! Syempre magkapatid sila ni Vice president kaya nakonsenya siya sa ginawa ng ate niya. " Lahat naman kami ay nagulat sa sinabi ni Cally.

" Magkapatid sila?" Halos magkasabay naming tanong kaya napairap siya.

" Kailangan sabay? Nakakaloka kayo" reklamo niya. " Oo nga magkapatid sila. Ang buong pangalan ni Heart ay Rain Heart Alfonso. Bunsong anak ng mga Alfonso. " Explain ni Cally. " Tapos si Vice president Sunny Nicole Alfonso narinig niyo rin naman siguro 'yon kahapon. Medyo may attitude talaga si Vice president kaya kung maaari iwasan natin siya. "

" Hindi halatang magkapatid sila. Ang layo. " Sumangayon naman kay Jade ang tatlo.


" Ay sinabi mo pa. " Maarteng wika ni Cally.

Matiwasay namang natapos ang klase namin sa hapon. Nang uwian na ay hinanap ng mata ko si Heart para sana magpasalamat at sabihing ibabalik ko nalang ang uniform niya next week pero hindi ko siya nakita. Pumunta na kami ng mall at nageenjoy naman kami. Naglaro pa kami sa archade bago nagshopping. Ayaw sana namin ni Jade na bumili pa sila para saamin pero hindi sila maawat.


" Si Vice president 'yon diba?" Sinundan namin 'yong tinuro ni July at tama nga siya. Nasa isang boutique siya habang nakaupo sa isang couch at tumitingin ng magazine. Kita namin sila mula sa glass wall.


" Huwag na tayong pumasok dyan" Sabi ni Princess na ikinatango naming lahat dahil baka may mangyari pang masama ulit.

Sa ibang boutique nalang kami pumasok at pagkatapos nilang bumili ay napagpasyahan naming umuwi na. Tulad ng sinabi ni Cally ay siya ang naghatid saamin sa bahay.



Nilabhan ko agad 'yong uniform ko na may mantsa at iyong uniform ni Heart.

Naalala ko tuloy iyong Vice president na binuhusan ako ng juice at spaghetti. Nakakainis. Hindi basiya marunong umintindi na hindi ko nga sinasadya. Ang sama talaga ng ugali niya. Hindi bagay sa maganda niyang mukha ang ugali niya.


" Bakit nakabusangot ka dyan, apo?" Tanong ni Lola.

" Wala naman La. " Ngumiti pa ako kay Lola kaya hindi na siya nagtanong pa.


Dumating narin si Ysha kaya tinanong ko. " Bakit ngayon ka lang? Mas nauna pa ako sayong nakauwi " tanong ko sa kapatid ko.

" Nagstreet foods pa kami ate. Ito nga nga bumili ako ng paborito mong isaw" sabay bigay nito saakin ng supot.

" Aba mabuti at naalala mo ako. " Natawa nalang si Ysha bago lumapit kay Lola at nagmano bago umakyat sa taas.

Pumunta na ako ng kusina para magluto dahil baka magalit na naman si Mama kapag hindi pa kami nagluto. Kinain ko nalang ang isaw na binili ng kapatid ko habang nagluluto. Pagkatapos kong magluto ay bumalik ako sa salas at nagcellphone.


Rain Heart Alfonso.

Sinearch ko sa Facebook ang pangalan ni Heart at mabilis ko ring nahanap dahil maraming followers. Inistalk ko siya at napansin kong halos tungkol sa mga seminars na pinuntahan niya ang mga pictures na nakapost. Ang iba ay kasama niya lagi ang kaibigan niya. Nakita ko pang may picture siya sa stage habang nagsasalita at nabasa ko sa caption na nasa ibang bansa siya at umattend ng seminar. Last post niya ay May 13 pa. Nasa isang beach siya kasama ang kaibigan niya. Pansin kong wala siyang post kasama ang pamilya niya o iyong attitude niyang kapatid.

Sinubukan kong istalk iyong kapatid niya.

Sunny Nicole Alfonso.


Katulad kanina ay mabilis ko ring nahanap. Kung ikukumpara kay Heart ay ibang-iba ang datingan ni Sunny sa mga bawat post niya. Halatang party goer siya at laging kasama niya sa post niya ang parents nila kung hindi ako nagkakamali. Isang pictures lang kung saan kasama si Heart. Bakit ganun? Hindi ba sila okay?


Pero ano bang pakealam ko?


Nagoff nalang ako ng data dahil nagiging stalker na ako.




Sunny Nicole Alfonso. Lintek! Hindi parin ako nakakamove on sa malditang babaeng 'yon. Nakakainis talaga kahit naiisip ko palang ang pangalan niya.



Sana naman iyon na ang huli na makatagpo ko siya.






𝑩𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝑺𝒖𝒏𝒔𝒆𝒕 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon