The Letter of Goodbye

3.6K 160 90
                                    



Ngayon ang huling gabi niya dahil bukas na siya ililibing. Masyadong masakit ang lahat. Akala ko panaginip lang pero hindi pala. Hindi ako nagising dahil totoo ang lahat. Hinayaan ako nang pamilyang Alfonso na manatili sa Mansion nila dahil narin sa paki-usap ni Rizzah. Sinabi nito na girlfriend ako ng anak nila na ikinagulat nila kahit ang totoo ay wala pa naman kaming official na sinabi kung kami na ba. Itatanong ko pa sana 'yon bago siya umalis noong nasa bahay siya pero nawala na sa isip ko noong sinabi niyang mahal niya ako.

Nandito ako ngayon sa children's park kung saan kami laging namamalagi. Saglit na nagpaalam muna ako kila Rizzah at sinabing babalik din ako mamaya.

Hawak-hawak ko ang envelope na bigay niya. Saktong pagpunta ko dito ay palubog na ang araw. Ang ayaw niyang tanawin kahit napaganda nito. Para sakanya parang isang nakakatakot na babala.

Binuksan ko ang small envelope at kinuna ang sulat niya. Napangiti ako kahit papaano nang makita ko ang sulat kamay niya. Ang ganda at linis.

Hi, My Sunflower.

If you are reading this letter, I know I'm already gone. My deepest apologies for leaving you like this. I am very sorry that I can't stay with you any longer. I am sorry kung magpapahinga na ako. I'm sorry that I closed my eyes and let the darkness fall upon me. I am very sorry that I leave this world smiling while everyone is crying. I am very sorry for everything, Haylee.

But thank you, thank you for being part of my life. Thank you for all the sweetest smiles, passionate laughs, warm hugs and soulful kisses. Thank you for the tender cares and concerns. Thank you for the enticing stares and soft touches. Thank you for making me feel safe and sound in your arms that feels like home. I'm grateful that I met you in this world. If the universe will give me another chance to meet you in another life, I will be forever grateful.

I am actually scared of dying but I just realized now that I was dying everyday. I felt so alone, tired and exhausted, Haylee. While I was staring myself at the mirror, I saw that I turned into nothing but a reflection i can't recognize. My mind keep telling me to stay alive but my heart screams that I want to rest in a beautiful and peaceful place. I know you love sunset and I hope you think that my sunset is pretty.

I wish you all the best, Haylee. Live a life to the fullest. I prayed that you will find someone who will stay by your side no matter what happened. Just think of me as bittersweet goodbye. Our story ended here, no more chapters, no more plot twist because our book ran out of pages but always remember that I love you Before sunset.

Until my next heartbeat.

Loving,
Heart. Ang iyong Puso.


Bumuhos ang luha ko nang matapos kong masaba ang sulat niya. Humagulgol ako at niyakap ang sulat niya. Binuhos ko lahat ng sakit at pangungulila ko sakanya. Ito na ba ang hangganan naming dalawa?

" HEARTTTTTTT!!! AHHHH! "

Sinigaw ko ang hinanakit ko. Ang sakit-sakit. Napaluhod ako sa cemento at umiyak nang umiyak habang sinisigaw ang pangalan niya at nakatanaw ang paglubog ng araw sa bawat hinagpis ko. Naging saksi ang sunset kung paano ako naging mahina at nasaktan.

Mas gusto niya ang sunrise kesa sa sunset.





Siya ang pagsikat ng araw at ako ang paglubog. Nasa iisang langit ngunit sa magkaibang panahon.


At masaya ako. Masaya ako dahil minsan kaming pinagtagpo.

Hanggang sa muling pagngiti mo. Aking Puso.





𝑩𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝑺𝒖𝒏𝒔𝒆𝒕 |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon