2

73 13 2
                                    

AIMEE

"Yeah I know. I'm on it."

Mahina akong natawa at bahagyang lumapit sa kaniya.

"What did you say?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I'm on it. Pumayag ako." sagot niya na para bang hindi kasal ang pinag uusapan namin.

"Wait lang ha. We're talking about marriage here." pagpapaintindi ko sa kaniya. "Hindi basta basta na dating lang or fling."

"I know kaya nga pumayag ako eh."

"And? Anong gagawin mo sa mga babae mo kung sakaling pumayag akong magpakasal tayo?" paghahamon ko sa kaniya.

"Say goodbye?" patanong niyang sagot na ikinatawa ko.

"Come on. This is not what you want. Help me convince our parents not to do this to us. You'll be free and date anyone you like and I'll do the same." halos nagmamakaawa kong sabi sa kaniya.

Saglit niya akong tinitigan habang tila nag iisip ng malalim. Maya maya ay bumuntong hininga siya.

"Fine but let's make a deal with them."

"A deal?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi sila papayag kung sasabihin lang natin na ayaw natin sa isa't isa." sabi niya na ikinatango ko. "How about we tell them that we'll date and get to know each other first before getting married? Then after a month or so.. let's break up and tell them that we hate each other and we're not compatible."

Naupo ako ng maayos at nakagat ang pang ibabang labi.

"So you mean, kunwari ay magdedate tayo pero sa bandang huli ay maghihiwalay din?" paglilinaw ko.

"Yup. Ipakita natin sa kanila na ginawa natin ang makakaya natin para magustuhan ang isa't isa pero wala talaga eh. Not a chance." tumango tango ako bilang pagpayag.

"Okay. Let's do that. Sa ngayon, yan lang ang pwede nating gawin para hindi nila ituloy ang plano nilang pagpapakasal sa atin." pagpayag ko. "I can't believe that our parents actually think.." huminto ako sa pagsasalita at pinasadahan siya ng tingin. "That you know. I mean, hello? I have my standards and a dream guy."

"Really? I bet you'll fell in love with me while we date." pagyayabang niya na ikinatawa ko.

"Wow ha. Ako pa? Baka ikaw." balik ko sa kaniya. May binulong siya na hindi ko na narinig kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Anong binubulong bulong mo dyan?"

"Nothing. So, kailan natin sila kakausapin?"

"Let's talk to them later. I'll tell my parents that I invited you for dinner. Isama mo sila Ninong and Ninang." tumayo na ako. "Bye." paalam ko at umalis na.

"Aalis ka na? You're going somewhere?" tanong niya habang sinusundan ako.

"I'm going home. By the way, it's 8pm later."

"Already? We still have some time before dinner. Let's eat first." aya niya.

Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya.

"Ayoko. Kung gusto mo puntahan mo na lang ang mga babae mo since hindi ako papayag na may iba kang babae habang nagdedate tayo. Let's try our best to make them believe that we're actually trying. Sige na. It's your last chance kaya sulitin mo na. Adios!"

Nang makauwi ay agad kong sinabi kay Mommy ang tungkol sa dinner mamaya.

"Really?" gulat niyang tanong pero maya maya ay napangiti din. "Okay sige. Magpapaluto ako kina yaya. Your Dad will be happy. I'll call him."

Hindi ko alam kung bakit pero parang sobrang bilis naman ng oras. It's already 7:30 in the evening pero hindi pa ako gumagayak. Tamad akong pumunta sa aking walk in closet at naghanap ng dress na maisusuot. Ayaw ko naman masyadong mag ayos dahil baka isipin na naman ng Harvy na yun na nagpapaganda ako para sa kaniya.

I just chose my blue simple dress. Hindi na din ako masyadong naglagay ng make up. Powder at liptint lang ay okay na. Noong matapos ay bumaba na din ako. Kahit nakaayos na si Mommy ay abala pa din siya sa pag aasikaso ng hapag kainan. Napangiti siya noong makita ako.

"You're so pretty anak." nakangiting sabi niya.

Tipid akong napangiti.

"Dumating na ba si Dad?"

"Yup. Nagbibihis na siya."

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na din sila Ninong Fernando, Ninang Sylvia at Harvy. Napataas ang aking kilay ng makitang pareho pa kaming nakablue. Pinigilan ko ang sarili na mapairap ng makita ang kaniyang pagngisi.

"Hi hija. You're so beautiful." nakangiting sabi ni Ninang Sylvia at niyakap ako.

"Ikaw din po Ninang." sabi ko at nginitian din siya. "Hello po Ninong."

"I'm so glad when I heard from Harvy na you two are okay with getting married." sabi niya na ikinangiwi ko pero agad din namang pinalitan ng ngiti.

And tonight we will start our fake relationship..

And tonight we will start our fake relationship

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Our FAKE RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon