5

72 10 5
                                    

AIMEE

"I have a work too. Hindi ka pwedeng basta basta na lang pumunta sa bahay at ayain ako kung saan." sabi ko sa kaniya noong makasakay ako sa kaniyang kotse.

"I know kaya nga inaya kita ngayon dahil alam kong day off mo." sagot naman niya habang busy sa pagmamaneho.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko at napatingin sa labas ng bintana.

"Tagaytay."

"Why?"

"To eat bulalo?" patanong niyang sagot na ikinalingon ko sa kaniya.

"Are you for real? Marami ng restaurant na may bulalo dito sa manila, isa pa pwede ka namang magpaluto sa yaya ninyo."

"Fine. I just want to spend sometime with you. Isa pa, paano natin sila mapapaniwala kung hindi man lang tayo lumalabas?"

Napabuntong hininga ako ng maisip na naman na kaya lang namin ito ginagawa ay dahil sa mga magulang namin.

"By the way, you haven't answered me yet. You'll help me right?" tanong niya.

"Kapag nasa iyo na ang company ninyo our deal is over." hindi siya sumagot kaya tinignan ko siya. "Hey! Our deal is over once Ninong gives the company to you."

"Fine fine." parang napipilitan niya pang sagot.

"I'm going to sleep. Wake me up once we get there." medyo ibinaba ko ang aking sandalan at natulog na lang.

--------

HARVY

Itinabi ko saglit ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada. Napangiti ako ng makitang mahimbing na natutulog si Aimee. Kinuha ko ang aking jacket sa likod at ikinumot iyon sa kaniya. Saglit ko muna siyang tinitigan bago ako magmanehong muli.

I know that she's still hurt by what I did seven years ago. I wanted to go to her too. I wanted to run and embrace her in my arms. God knows how important she is to me.

But Zara won't let me go.

SEVEN YEARS AGO..

"Where are you going anak?" tanong ni Mommy nang makitang nagmamadali ako sa pagbaba ng hagdan.

"I'm going out with Aimee. Alam mo naman yun. Magagalit siya kapag nauna pa siya sa akin sa mall." tumawa ako at hinalikan si Mommy sa pisngi. "See you later Mom."

"Take care anak. Send my hugs to Aimee." nakangiting sabi niya.

"I will."

Malapit na ako sa mall ng makatanggap ng tawag sa pinsan ng ex-girlfriend ko na si Zara.

"Mika, why?" tanong ko nang sagutin ko ang kaniyang tawag.

"Harvy, please help us."

Agad kong iniliko ang aking sasakyan at nagpunta sa Cavite. Zara tried to killed herself again because of me! Noong makarating sa hospital ay si Mika ang nakausap ko.

"Ano na naman ang ginawa niya?" tanong ko habang nakatingin kay Zara na ngayon ay tulog na.

"Naglaslas at nag overdozed ng pills. She told us to call you. I'm sorry for calling you again. I know matagal na kayong wala pero hindi ko naman kayang makitang ganito ang pinsan ko."

"I'm sorry."

"No. It's not your fault. Zara is just so in love with you. She hasn't moved on yet. Just please try to talk to her again. Her parents are very worried about her."

Hindi rin naman nagtagal ay nagising na si Zara.

"Harvy." nakangiting pagtawag niya sa akin. "I knew you'd come."

"Zara, please. Don't do this to yourself. Isipin mo yung mga taong mag aalala sayo."

"But I still love you." naiiyak niyang sabi. "I can't move on. I'm still hoping that we still have a chance."

"I'm here not because I love you. I'm here because I know that I am the reason why you're doing this to yourself. Can't you see me? I am guilty. Gusto mo bang habang buhay kong sisihin ang sarili ko sa mga ginagawa mo?"

"I'm sorry. I just love you so much."

Noong mahimasmasan si Zara ay saka ko lang naalala si Aimee. Oh shit! Agad kong kinuha ang aking cellphone at nainis sa sarili ng makita kung gaano karami ang text at tawag niya sa akin. Tatawagan ko na sana siya ng makareceive ako ng text galing kay Mommy.

From: Mom
Anak, how is Aimee? I heard from your Ninang na her Lola Amanda died. Don't leave her alone okay? She needs you.

Agad akong napatayo at handa ng umalis nang mabasa ko ang text ni Mommy.

"You're leaving?" nilingon ko si Zara at tinanguan.

"Aimee needs me now. I'm sorry."

"Siya na naman? Siya palagi ang dahilan kung bakit hindi natutuloy ang mga date natin noon. Siya palagi ang dahilan ng pag aaway natin at siya rin ang dahilan kung bakit ka nakipagbreak sa akin!" umiiyak niyang sigaw.

"Zara please. Not now."

"No! Magpapakamatay ako kapag umalis ka. Habang buhay mong alalahanin na dahil sayo kaya ako nawala sa mundong ito."

Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sobrang inis at dahil sa pag aalala kay Aimee.

"Please Harvy. Just stay with me. I need you too." umiiyak niyang pagmamakaawa. "Just stay with me tonight and I promise I won't do it again. I promise I will try my best to forget you. I won't call you again. Just.. just choose me for once."

Our FAKE RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon