6

55 6 0
                                    

AIMEE

Nandito na kami sa Tagaytay and I must say na I'm thankful to Harvy for bringing me here. Ngayong nandito na ako ay saka ko lang narealize na hinahanap din pala ng katawan ko ang bakasyon. After all that happened to me this past few days I really needed a break.

Nakatingin lang ako kay Harvy na abala sa pagtingin sa menu. I can't remember the last time na lumabas kaming dalawa. It's been years.

"What do you want?" tanong niya pero nasa menu pa din ang atensyon.

"Sizzling porkchop." mabilis kong sagot na ikinatingin niya sa akin.

"You don't want to try their bulalo?"

"Wala ako sa mood kumain ng bulalo."

"Okay. What about for dessert?"

"Ice cream."

"Cookies and cream right?" tanong niya na ikinatango ko.

Lihim akong napangiti. At least he still remembers my favorite ice cream flavor. Kumakain na kami noong magring ang kaniyang phone. Ayaw ko sanang malaman kung sino ang tumatawag sa kaniya pero nahagip ng aking mga mata ang pangalang Venice dahil nasa lamesa ang kaniyang cellphone.

Hinayaan niya lang iyon na magring kaya tumingin ako sa kaniya na abala sa pagkain na akala mo'y walang tumatawag sa kaniya.

"Hindi mo ba sasagutin?" tanong ko.

"It's not important."

"How did you know? Baka naman importante." sabi ko.

Napatigil siya sa pagkain at itinuon ang kaniyang buong atensyon sa akin.

"Aimee." pagtawag niya sa akin.

"I'm fine. Sagutin mo na yan. We're not really dating anyway."

"Are you still mad?" maamo niyang tanong.

"I'm not. Bakit naman ako magagalit?" sagot ko at bahagya siyang nginitian. "I'm just telling you to answer your phone whenever someone is calling you. It might be really important."

Hindi na kami ulit nag usap pagkatapos noon. Pareho na kaming tahimik hanggang sa makabalik kami sa aming bahay.

"Thanks." sabi ko bago bumaba na sa kaniyang sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

Noong makarating sa aking kwarto ay humiga ako sa aking kama.

I'm not mad at him. Actually, masasabi kong napatawad ko na siya sa kung anuman ang nangyari noon. It's been seven years already.. pero mahirap na din kasing ibalik ang kung anong meron kami noon bago nangyari ang lahat. I already forgave him but I'm not yet ready to trust him again. I already felt the pain of being betrayed by someone you didn't expect to betray you.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina. By the way, I'm working in our company. I'm the head of finance department to be exact.

"Balita ko engage na kayo ni Harvy?" tanong ni Lisa pagpasok ko sa aking opisina.

"Yup." tipid kong sagot. Ayaw nang pahabain pa ang usapan.

"So it's really true?!" gulat niyang sabi at hinawakan pa ako sa aking balikat na ikinagulat ko. "What happened? Akala ko ba.. wait.. are you planning your revenge?" napabuntong hininga ako at hindi makapaniwalang tinignan siya.

"Do you really think I would do that? Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?" inalis ko ang kaniyang kamay sa aking balikat at itinuon na ang tingin sa aking laptop. "Things happened that's why we got engaged."

"Pero.."

"Don't ask me why. Sasabihin ko sayo next time."

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Lisa kaso napaka ingay kasi ng bibig nito. Mamaya makarating pa sa parents namin ni Harvy na hindi naman talaga kami magpapakasal.

Noong mag alas singko ay nagulat ako ng malamang nasa labas si Harvy at hinihintay ako.

"Why? Anong meron?" tanong ko noong pinuntahan ko siya sa lobby.

"Wala lang. Let's eat dinner together and I'll drive you home after. " nakangiting sabi niya.

Gusto ko sanang sabihin na dala ko ang sasakyan ko since nagdrive ako kaninang umaga papasok pero hindi ko rin naman masabi. Ang gulo, right?

Well, it's just for today.. okay lang naman siguro yun di ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our FAKE RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon