Prologue

34 0 0
                                    

"Gagi! Male-late ako sa unang araw ng klase ko sa Human Anatomy and Physiology ko. Doctor pa naman daw yung professor namin doon. Bakit kasi ambagal ko kumilos sa umaga."

Hi! Lisa Manoban pala. Nursing student. Nag-aaral sa isa sa mga sikat na schools sa Quezon City.

Sa ngayon, nilalakad ko ng mabilis etong kahabaan ng university. Male-late na ako!!! 5th floor pa ang klase ko. May mahaba pang hagdanan akong dadaanan tapos may mahaba pang pila sa elevator!!!

Bilisan ko nalang. Buti nalang comfy itong suot kong black shoes kaya magaan sa paa.


Narating ko nadin ang guard house. Check ng gamit. Check ng ID. Essential iyan guys! No ID, No Entry. Kaya mawalan ka na ng ballpen, huwag lang yung ID. Kasi hassle kukuha ka pa ng gate pass.

Anyway... ito na nga yung mahabang hagdan. Pasakit talaga ito! Nagmamadali ka na nga pero may ganito pang obstacle!!! Arrggghh!! 11: 00 a.m yung klase ko at 10:50 a.m na!!!

Pagdating ko sa topmost ng hagdanan, dali-dali ako pumunta sa elevator. Potek! Haba ng pila!!! Aabot ba ako?! 10:55?!
Wala naman sanction pero nakakahiya kasi kapag late. Tapos ikaw lang kaisa-isahang late.

10:55---

10:57--

Maghahagdan nalang ako. Baka sa haba ng pila ng elevator, 12 noon na ko makaabot sa klase ko.

"LISA!!"

ayun may tumawag pa nga!

Pag-lingon ko... nagulat ako... si JENNIE KIM.

Kumaway lang ako.
Pero tumakbo na ko sa hagdan. Kasi focus ko yung subject ko.

Umabot ako. 11:00 sharp!

Pag-upo ka dulong part ng room, nilabas ko ang notebook ko at nag-antay na mag-attendance si Doc.

Pero doon ko naalala, "bakit ako kilala ni Jennie?"
Hindi naman kami nag-usap nung last semester, pero the fact na tinawag niya ko, means... kilala niya ko.

"MANOBAN"

siniko ako ng katabi ko..

"PRESENT!" Taas ko ng kamay kay Doc.

Hays, saka ko na nga iisipin yun, importante maintindihan ko itong subject ko ngayon. Saka ko na iisipin si Jennie Kim.

You. Me;Where stories live. Discover now