III.

6 0 0
                                    

(Flashback padin ito yeorobun)

P.E

Ballroom ang theme ng P.E namin this semester. Awkward pero go lang para matapos na.
Every saturday ang practice namin. Okay naman mga nakagrupo ko. Focus din naman sila sa pag-eensayo kaya mas napadali ang pagbuo namin ng sayaw.

Sa isang group, anim kami.
Buti nalang meron akong kasama sa group na magaling sumayaw kaya siya ang nagtuturo samin ng steps.

Nag-instruct siya na cocktail dress ang sa mga babae tapos sa mga lalaki long sleeves.
Buti nalang meron pa ko nung sinuot ko nung 4th year highschool, kaya naging madali nalang sakin ang damit. Yung sandals nalang, pero madali na lang yun.



The LOOOOOOOONG wait is over.
Presentation day na namin.

Nakakatuwa. Para kaming mga aatend ng debut kasi lahat naka-awra.

Okay naman performance ng bawat isa.
Naging way din ito para magkakila-kilala ang bawat isa.

Naenjoy naman ng professor namin ang bawat performances. Atleast diba, may masasabi akong UNO ko sa grades ko.

"Rhoan, Tara picture naman tayo." Aya ko sa isa kong classmate. Nagselfie naman kami.
Ayos.
Actually, si Rhoan... hindi siya kasama sa grupo ni Jennie. Kaya madali ko siya naapproach.

Mga ilang pictures pa kasama ang iba kong classmates ng nakita ko nakatayo sa gilid si Jennie.
Nakatingin siya sa barkada niya.
"Bakit naman kaya hindi ito nakikisali?" Tanong ko sa isip ko. Nako po! Lisa sa ganyan ka mapapahamak eh.

"Hi, Lisa? Lisa, right?"

Si Jennie?

"Ahh, oo. Hi." Matipid na bati ko.

"Ang galing ng performance nyo ah." Puri ni Jennie sakin, or better to say sa group namin.

"Ahh.. kayo din.. ang galing nyo" balik na papuri ko.

Wala na ko masabi at dead air na sa pagitan namin ni Jennie. "Ahh.. sige ah. Una na ko."

"Sandali." Potek! Lisa?! Seriously?

"Okay lang ba? Magpicture tayo? Remembrance?"
Aya ko kay Jennie.

"Sure. Phone mo nalang ah. Malabo yung camera ng phone ko eh." Natatawa na sabi ni jennie.

"As if naman na maganda din ang phone ko."sabi ko sa sarili ko.

3...2...1 "click"

"Wow. Nice." Sabi ni Jennie.

Ngayon ko lang napansin, ang ganda ng mata niya. Parang sa korean.

"Ah. Salamat Jennie. Sige, baka hinahanap ka na nila.." sabay tingin ko sa mga kaibigan niya.

"Ahh.. okay..." papalayo na ko ng nagsalit pa sya ulit, "Lisa.." napalingon ako.

"Yes, Jennie?"

"Pupunta kasi kami sa SM mamaya... baka free ka, sama ka samen."

Ngumiti lang ako. "Thank you sa invitation Jennie, pero kailangan ko umuwi ng maaga eh. Next time?"  Sabi ko.

"Sure sige." At naglakad na siya papunta sa mga kaibigan niya.





Yun na ang pinakamahabang interaction namin ni Jennie. After noon, parang hindi na ulit kami nag eexist sa isa't isa.
Nalaman ko di ko pala talaga feel mga kaibigan niya.
Okay naman si Jennie, pero hindi lang ako fit sa grupo niya.







"SA WAKAS!! TAPOS NA ANG 2ND SEMESTER!!!" Sabi ni Ate Anne. Nakahinga na kami ng malalim.
Ambilis lang pala talaga noh? Ansaya.
Minsan nakikita ko yung mga classmates ko nung 1st semester, nag-aaya na sila mag-enrol na daw kami sama-sama. Sabi ko, sige... i'll let them know kapag may pangbayad na ko ng tuition fee.

After ng last day namin, kanya kanya na ng lakad ang bawat grupo. Sumama nadin ako kila ate Anne sa SM, this time kasama na si Rhoan at may isa pa akong naging kaibigan.. si Beverly. So lima na kami nag-SM.

Enjoy naman kami, window shopping lang. What do you expect ba kasi eh students palang kami. Wala naman budget magshopping.

Nasa may activity area kami sa may annex ng nakasalubong namin ang grupo nila Jennie Kim.

Katabi niya yung lalaki na nag abot ng panyo sa kanya nung nakaraan. Ang pangalan pala noon... Kai.

Una bumati si Ate Jam kay Ate Anne. "Uy! Ate anne... andito din kayo." Masaya naman na bumati si Ate Jam.
"Ahh.. oo, tingin tingin lang."

"Manunuod kami ng sine, tara?" Aya naman ng isa na pangalan ay Amy.

Nakatingin lang ako kunwari sa paligid ng napadako ang tingin ko kay Jennie at Kai.
Napatingin din si Jennie saken habang si Kai naman ay parang may hinahanap sa bag niya.

Iniba ko agad ang tingin ko kunwari hindi ko sila nakita.

"Ahh.. tanungin ko muna itong sila Issa, ate Jam ah. May bibilhin pa din kasi kami. Ano ba papanuorin nyo? Sunod nalang kami sakali ah?"

Nice answer Ate anne.

Nagpaalam na kami kila Ate Jam at sa iba nilang kasama at tumango lang ako kay Jennie.
Ngumiti naman siya ng matipid  at tumango din.


Buti nalang talaga marunong sumagot ito si Ate Anne. Di ko kasi sigurado kung aabot ung pera ko pang-sine eh.







After namin mag-SM, umuwi nadin kami. Sabay kami ni Beverly at Rhoan, samantalang sumakay nadin ng jeep sila Ate Anne at Issa.



Bumaba na ko ng jeep dahil sasakay ako ulit ng jeep pauwi naman samin.

Naglalakad na ko papunta sa terminal ng jeep may nadaanan din akong mahabang pila.
"Grabe.. rush hour na talaga." Bulong ko sa sarili ko.

Dire-diretso lang ang lakad ko ng napansin ko may nakapila din na nursing student doon sa mahabang pila.
Nilingon ko lang ng mabilis at nakita ko si... Jennie Kim.

Agad ako umiwas ng tingin. Pero busy naman siya sa phone niya.
Ahh, okay so siguro banda sa may samin lang sya umuuwi. Ibang way lang.

Nakita ko nadin ang pila ng jeep pauwi samen.

Hindi ko na din tinawag si Jennie.








"Tito, ito po pala yung tuition fee ko this summer." Pinakita ko sa tito ko ang liquedation ng tuition fee ko. Mahirap na. Sabihin niya niloloko ko sila sa pag-aaral ko eh.

"Okay...ito yung cheque. May date na yan kaya ibayad mo na yan ah. Tsaka kung may kailangan ka pa, mamimili na tayo ng bag and shoes mo."
Sabi ng tito ko.

"Okay lang po tito. May shoes pa naman po ako." Sabi ko kay tito.

"Okay na yung may pagpapalitan ka. Sa sabado mag-SM tayo... lista mo mga kailangan mo."

"Okay po.. thank you po tito."

Haays.. anlayo pa ng itatagal ko bilang studyante!!!!



Maaga ang enrollment ng summer class kaya buti nalang nabigay na agad ni tito ang tuition ko.
Nakita ko yung mga dati kong classmates pero i still chose to go on my own. Siguro nasa point ako na baka naman kaya ko mag-isa. So what I did, nag-enroll ako.

After a week or two, start ng summer class. Bakit kasi ang bilis ng bakasyon pero ang haba ng pasukan?

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 04, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

You. Me;Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang