[09]

271 12 1
                                    

Pag labas namin ng eroplano ay lumingkis agad si Kaila kay Dave na parang miss na miss. Gosh it was just a two hour flight, kung maka-lingkis akala mo tatlong taon o mahigit nawala.

Miss ko na rin siya nilingkisan ko ba siya ng ganyan? Hindi naman gusto ko na siya mayakap nag inarte ba ako ng ganyan? Badtrip naman!

"So we will meet you there na lang." Sabi ni Kaila sa amin na tinanguan ni Alliana. Pero parang ayaw sumabay ni Dave sa kaniya, umaasa ako alam ko. Pero yun yung nakikita ng mata ko ay sa akin niya gusto sumabay.

Umalis na nga sila habang kami nag aantay nung sasakyan namin. "Ano nangyari sa inyo?" Tanong ni Ricci ng pabulong sa akin. Tinignan ko siya at nag taas kilay. "Wala, ikaw ano nangyari sa ka-tabi mo?" Pabalik kong tanong na bigla nag dikit ang mga kilay. "Ang arte, nakakainis." Reklamo niya na tinawanan ni Brent. "Paano nag reklamo gusto raw matulog kaso maliit leg space so ayun nag inarte." Pag papaliwanag ni Brent sa akin na naintindihan ko kaya natawa na rin ako.

"Kawawa naman si Cci!" Pang aasar ko dahilan para guluhin niya ang buhok ko. Ang gago lang! "Guluhin na ang lahat wag lang ang buhok ko."

"Nako matakot ka na pag ginulo niyan buhay mo papahirapan ka niyan. Mas kawawa ka sige ka, gusto mo ba yun?" Pang aasar ni CJ kay Ricci, pinag kakaisahan namin siya ngayon kawawa naman siya. Pero ganyan talaga kami asaran ng asaran.

Hindi nag tagal at dumating na yung sasakyan namin at yung mga lalaki na nag buhat ng gamit namin sumakay na lang kami ni Alliana. 30 minutes lang naman ang byahe papunta sa resort pero yung gusto nila Dwight at Kianna na wedding is sa kabilang island pa kaya mahihirapan ako mag isip ng paraan.

"Gutom na ako, CJ." Sabi ni Alliana kay CJ na tumango. "Mamaya mahal, doon na lang sa resort parang ang hirap humanap dito eh."

"Ikaw? Hindi ka ba nagugutom?" Tanong naman ni Ricci na nasa tabi ko. "Gutom" sagot ko sa kaniya. "Bakit hindi ka nag sasabi?" Bigla naman niya kinuha yung backpack niya at binigyan ako ng sandwich. "Ay, prepare ang mokong."

"Naman ako pa ba? Hindi kita hahayaan magutom ano." Sabi pa nito sa akin kaya kinuha ko yung tuna sandwich na inaabot niya sa akin. Binigyan niya rin si Brent na nasa likod tas si Alliana na nasa harap. "Inumin? Asan?" Tanong ni Brent sa likod namin kaya tumingin ako sa kaniya.

"Tubig lang meron ako rito." Nung sinabi ko iyon ay binigay ko yung water bottle na hindi ko pa nabubuksan. Last water ko na yun pero ayus lang hindi naman ako nauuhaw.

"Paano ka?" Tanong ni Brent nung nainom na niya yung tubig. Kung kailan nainom na niya tsaka siya mag tatanong ng ganun? Baliw lang.

"May tubig pa ako pre. Inumin mo na lang yan." Si Ricci yung sumagot at binigay sa akin yung tumbler niya. Kinain ko na lang yung sandwich na binigay ni Ricci tapos uminom din sa tubigan niya.

Sakto nung natapos ko kainin yun ay dumating na kami sa resort. Nag lakad ako papunta sa front desk at nag antay na pansinin ako nung babae na nakaupo sa harap ng computer.

"Ms. I reserved 5 rooms for me and my friends." Paninimula ko sa kaniya nung tumingin sa akin. "Under what name po yung reservations?"

"Louissa Jimenez" tumango siya at nag type sa computer. "I can see that here po ma'am. So these are your keys po." Inabot niya yung limang susi sa akin kaya kinuha ko iyon at nginitian siya.

Binigay ko na sa kanila yung mga susi at kumuha lang ng isa. Syempre saan ako matutulog? Need ko yung isang kwarto roon ano.

"Hatid na kita sa kwarto mo mabigat pa naman yung maleta mo." Pag presenta ni Ricci at hinila na nga yung maleta ko.

Sa 3rd floor yung room ko habang siya sa 4th floor okay na rin pwede naman ako umakyat sa kaniya at mang gulo. Si Brent, CJ at Alliana kasi sa 2nd floor.

Habang nag lalakad kami at hinahanap yung room number ay napatigil kami nung nakita namin si Dave pero hindi niya kasama si Kaila. "That's your room na, I'll go to my room and take a rest. Mag pahinga ka ah" sabi ni Ricci at hindi pinansin si Dave na nasa likuran ko.

So bale, magka-harap yung kwarto namin. "Asan si Kaila?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya. "Sa 5th floor siya hinatid ko muna siya bago ako pumunta rito." Sagot naman niya sa akin.

"Lucky her, sige pahinga ka na bye." Sabi ko at papasok na sana kaso hinarangan niya pintuan ko. "Lucky? Eh 'di ba hinatid ka ni Ricci."

"Huh? Alis na nga gusto ko na mag pahinga." Tinulak ko siya at sinara na yung pintuan ko.

Nag seselos ba si Dave kasi hinatid ako ni Ricci? Hindi! Baliw ka self! Louissa stop, stop thinking random things.

Meeting You AgainWhere stories live. Discover now