[11]

247 10 0
                                    

He gave in with what I was requesting him to do. Inaya nga niya si Kaila at buti na lang kasama namin sila Alliana at CJ para less awkwardness. Dahil si pango ayun knock-out, natutulog pa.

I am sitting beside Alliana and Ricci. Habang katapat ko ay si Dave na katabi si CJ at Kaila. "I want kare-kare, I have been craving that since I got here sa pinas." Ako na unang nag salita at umorder habang si Ricci nakatingin lang sa menu. Tas yung iba nag titigan tulad namin ni Dave.

"Adobo sa akin, tas kay Alliana Menudo raw." Pag sasalita ni CJ sa waiter na sinulat naman iyon. "Sisig sa akin" pag sasalita ni Dave na nakatingin pa rin sa akin. "Oh, I like that too pero I'll have liempo." Maarteng sabi ni Kaila.

"Then I'll just have bangus." Huling nag order ay si Ricci. "I'll just repeat your order po. 1 meal of Kare-kare, one for adobo and menudo. Tapos one meal ng sisig, at liempo then last po is yung kay sir na bangus." Tumango naman kaming lahat kaya umalis na siya.

Uminom ako ng tubig tapos yumuko para iwasan ng tingin ni Dave. "So how will you execute my sister's wedding?" Tanong ni Kaila sa akin na parang may duda.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Well it's easy naman, the resort we are staying will do the catering and the reception. Then your sister will bring the priest, doon sa kabilang isla. While me and my friends here will organize it." Pag papaliwanag ko na parang napakadali nga pero kung seryosohan ito. Hindi siya madali kulang ako sa man power.

"That's nice naman pala." Commento pa nito sa akin. "Actually Kaila, they'll need my help so if okay lang sa iyo explore Palawan by yourself." Sabi ni Dave sa kaniya at tumingin sa akin.

Kailan ko sinabi na kailangan ko ang tulong niya? Wala naman ako sinasabi gawa gawa to ng kwento. "Fine sige na nga for my sister."

Nung sinabi iyon ni Kaila ay umubo si Alliana sa akin at nginitian ako habang si CJ kinindatan ako. Ano mga pinag-gagawa nila? Para lang silang baliw mag jowa diyan.

Dumating na rin agad yung pagkain namin kaya ayun nag kainan na kami ng inorder namin.

Gusto ko i-try yung sisig dahil naririnig ko yung pag sizzle nun kaso nandiyan nga pala si Kaila. Tss!

"Penge ako adobo CJ." Rinig kong pag hingi ni Alliana ng ulam kay CJ na binigyan naman ito. Shit kayo, gusto ko rin gawin yan.

"Oh, favorite part mo sa bangus." Binigay ni Ricci yung tiyan ng bangus sa akin na nginitian ko. "I'll eat it well." Sabi ko at sinubo na iyon.

Nakita ko naman si Dave na masama ang tingin sa akin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Ano problema niya? Nakain ako ng mapayapa rito makatingin akala mo makikipag away.

"Gusto mo ng sisig?" Tanong niya sa akin na parang may bumara sa lalamunan ko dahil hindi ko iyon nasagot. Hala uy, bakit ka nag offer ng sisig?

I drinked my water and slightly nod at him. "Go get some hindi ko mauubus iyan." Pag sasalita niya sa akin at tinulak iyon bahagya papunta sa akin.

Kumuha nga ako ng onti sa ulam niya at kinain iyon ng nakangiti. Buti na lang busy kumain mga ka-tabi namin kaya hindi napansin yung pag kuha ko ng ulam sa kaniya. Hindi rin naman kasi kalakasan yung boses niya nung tinanong niya ako kaya wala nakahalata. Pero kanina pa siya ang landi sobra!

Meeting You AgainWhere stories live. Discover now