III - Snoue

34 13 7
                                    

Zyndel's Pov

"M-ma.. ma.. r-reee."

"Mare?! Anong nangyari sayo? Dadalhin kita sa hospital." Sabi ko na puno ng pangamba nang makita ang kalagayan ni Cyrine. Puno ito ng dugo at mga galos sa buong katawan, at hindi maitatanggi na may hindi talaga maganda ang nangyari sa bahay na ito.

"M-mare tara, ihahatid ka na namin." sabi ko at iniabot ang kamay ko rito ngunit nakatingin lamang ito sa akin ng diretso.

Pulang pula na mga mata.

May pagdurugo sa bandang ilong.

Nanginginig.

"AAAAAAACCCKKKKK!"

--

Hannie's Pov

"Ohhh Yer, a-ang sarap naman nito!"

"Sino ba sa amin ang mas magaling ng asawa mo?"

"I-ikaw Y-Yer, walang kwenta 'yong lalaki na iyon. Matapos siya magpakasasa at saka niya naman kami iniwan. O-ohhh!"

"Nagustuhan mo ba? Sayo ko palang pinaparanas 'yan."

"O-oo sobrang sarap, hindi mo naman kasi sinabi na ang husay mo pala pagdating sa pagluluto. Paborito ko pa naman itong Caldereta, lasang lasa na akala mo luto ni mama." saad ko habang kumakain ng tanghalian.

"Mabuti naman kung ganoon. Kaso parang ang tagal naman ata n'ong mga magdadala ng mga bangkay na iembalsamo, sinabing aalis nga ako mamayang alas-tres at may pupuntahan na birthday party." Sabi niya na ikinapagtaka. Oo nga no, never naman kasi talaga natagalan 'yong ospital although nasa kabilang bayan lang iyon.

"Ah sige kung wala pa sila, kahit ako nalang 'yong maghihintay para rin makaalis ka na."

"Ayos lang sayo?"

"Oo naman, basta bukas 'wag mo ako kalimutan dalhan nitong ulam."

--

Zevia's Pov

"Tumakbo na kayo, may mga nagwawalang pasyente!"

Huh?

"Ate ano po ba ang nangyayari?" tanong ko habang tinitingnan ang mga taong nagtatakbuhan palabas ng ospital. Kung kelan ba naman may bibisitahin ako saka pa nila naisipan gumawa ng prank, I wonder nasaan kaya 'yong mga hidden cameras.

"M-may nangangagat na baliw, umalis ka na kung gusto mo na mabuhay pa na matagal."

"Umalis ka na rito!" huling sinabi nito bago tuluyan na tumakbo. A-ano ba talagang meron sa ospital na ito.

Kailangan ko na puntahan si Snoue.

Sa kabila ng mga taong nagtatakbuhan palayo sa lugar ay hindi ko nito mapigilan ang aking paninindigan at kyuryusidad.

Kung hindi rin naman sa akin ay hindi mapupunta sa ganitong kalagayan si Snoue.

*Flashback

"Holt tumira ng tres, ringless 'yan!" sabi ng commentator habang nanonood kami ng liga sa campus.

"Ray-kawa! Ray-kawa! Ray-kawa! L-O-V-E, Ray-kawa!" sigaw ng mga malalanding babae ng campus na nagche-cheer kay Blaze sa pagpasok ng bola sa ring.

Blazese! Defense!" sigawan ng mga tao sa kabila ng laki ng lamang ng grupo nila Blaze.

"Robert.."

"Mukhang tinatambakan na 'yong team ni Leon ah, ilalabas ko na ba?" rinig ko na bulong-bulungan sa tabi ko.

TLP: Night Runners Z ( Zombie Series 3 )Where stories live. Discover now