VIII - Nami

20 6 0
                                    

Nami's Pov

"Father, bendisyunan po ninyo ako sapagkat ako ay nagkasala." Usal ng isang babae sa loob ng kumpisalan at pagkaraan ay agad na nitong sinabi ang lahat.

Matapos ang kumpisal ay agad na lumabas ang pari at marahan na pinunasan ng panyolito ang noo nito. Tumingin ito sa akin at iniabot ko ang isang baunan na naglalaman ng pagkain.

"Kanina ka pa naghihintay?" Tanong nito habang nagpapalit ng kasuotan.

"Halos kararating ko lang, tinanghali na rin kasi si Daddy magluto ng umagahan." Magiliw kong tugon at lumapit sa baunan na dala ko. "Adobong baboy, ni-request ko pa na lutuin niya 'yan gaya ng paborito mo."

"Hanggang ngayon hindi ko parin lubos na maisip kung paano mo napapapayag ang amain mo na magpunta rito." Usal nito. Agad napadako ang isipan ko kay Papa.

"Kamusta na ang kapatid mo, si Asari." Dagdag niya at ngumiti sa akin.

"Mabuti na ang kalagayan ni Asari, gumaganda na rin daw ang recovery ng katawan niya at inaasahan namin na madidischarge na siya this week." Sagot ko habang pinapanood ito na matapos ang kaniyang tanghalian.

Inayos niya ang baunan at iniabot sa akin.

"Salamat, nabusog ako ng sobra. Pakisabi na lang din kay Ezme na dumalaw naman minsan." Sabi niya na ikinatawa namin pareho.

"Alam mo naman na mahiyain masyado si Inang para bumaba sa sasakyan, hayaan mo at pipilitin ko kapag naisama ko na rin si Asari sa pagpunta rito sa simbahan."

Naglakad lakad kami patungo sa labas  upang lumanghap ng sariwang hangin.

"Masyado nang lumalala ang sitwasyon ngayon, hindi man aktibo sa paksiyon ngunit bali-balita ang panggugulo ng ibang miyembro ng X. E. Z. E. Nababahala ako sa kung ani pa ang pwedeng mangyari sa hinaharap." Saad niya at agad ko naman tinugunan.

"Huwag kang mag-alala, palagi akong nakabantay sa mga nagaganap at alam kong alam mo na ano mang oras ay kaya kong protektahan ang sarili ko."

"Naniniwala naman ako, isa ka ng ganap na dalagitang may lakas ng loob gaya ng ama mo. Ang iniisip ko lamang ay ang mga tao na pwedeng maapektuhan kapag naging grabe pa ang lahat ng ito." Sagot nito hanggang sa may isang lalaking nakasuot ng puting apron at maong ang lumapit kay Father Luke at yumukod rito.

"Oy Ac napadaan ka, anong sadya mo?" Pagtawag niya sa pangalan ng lalaking may matipunong katawan.

"Father, m-may gusto sana akong pag-usapan natin tungkol sa isang mahalagang bagay." Sagot nito at nagkatinginan kaming tatlo.

"Isang usapan kung saan ang mga ginoo lamang ang maaaring makaalam, naiintindihan ko. Mauuna na rin pala ako at mukhang kanina pa naghihintay si Inang Ezme sa Van." Pagpapaalam ko at nag-iwan ng kaway mula sa malayo pagkatapos makarating sa sasakyan.

"Halatang giliw na giliw ka sa pari na iyon, binibini." Sabi ni Inang habang nag-aayos.

Wala akong nasabi ngunit isang matamis na ngiti lamang ang aking naging tugon bago nito tuluyan na paandarin ang sasakyan namin.

--

"Paano pala ang klase mo, wala ka bang balak pumasok ngayong araw?"

"Ah sinabi kasi ng school na walang klase this week sa kadahilanan na maulit ang nangyari noong nakaraan." Sagot ko.

"So ang balak mo na lang ngayon ay maglibot ng maglibot?"

"Minsan hindi ko naman talaga maiwasan na isipin kung bakit ikaw ang driver k-"

TLP: Night Runners Z ( Zombie Series 3 )Where stories live. Discover now