VII - The Zom-Pit

16 7 0
                                    

Unio's Pov

"Ang ating Solar System ay binubuo ng pitong planeta, ito ay ang Mercules, Vernes, Sabado, Ling-- de joke lang.." Sabi ng teacher namin habang nakatayo sa harap ng klase. "Ang pitong planeta na ito ay ang Mercules, Vernes, Erthra, Marspautang, Sunternn, Uracist at Nephewns."

"Ang ating planeta, which is the Erthra, ay binubuo ng limang kontinente. Kasama sa limang ito ang Ashniaa, Euruoft, Norsuth Afferisia, at ang Glacia.." Pagtigil nito at tumingin sa bawat isa sa amin. "May nakakaalam ba sa isang bansa na sakop ng Ashniaa?"

"Ma'am, Phlipines!" Sagot ng isa naming kaklase habang nakataas ang kamay at pagkatapos ay pinalakpakan siya ng aming guro.

"Magaling, tama iyan Shiemeru. Isa ang Phlipines sa sakop ng Ashniaa, ang bansa kung saan tayo kasalukuyan na naninirahan."

At makaraan ay natapos na ang aming klase at oras na ng uwian.

"Unio.."

"Oy bakit, Riene?" Tanong ko.

"Itatanong ko lang sana kung anong balak mo nitong uwian."

"Ah 'yon ba, balak ko kasi na maglaro ng Minecraft pagkauwi at hanggang sa abutin ng gabi."

"A-ah, kasi hindi ba may pinagawa na project si Ma'am Sam. Iniisip ko lang baka gusto mong.. tayo nalang ang magsama." Tanong niya ngumiti sa akin. Kung sabagay, wala pa rin naman akong napagtanungan kung sino ang pwede kong makasama.

"Sure." Maikli kong sagot at matapos ay nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Agad naman akong nakauwi at laking gulat ko na makita ang ate ko at ang kaklase nito sa sala.

"A-Ate?"

"U-Unio? A-ang aga mo naman umuwi!" Sabi nito at nagkahiyaan kami bago nagsalita si Ate.

"N-nagluto nga pala si Ray ng meryenda, gusto mo tikman?"

Natigilan ako sa sinabi niya at tinitigan silang dalawa.

"Mamaya na, palibhasa ikaw nakain mo na 'yong meryenda mo e." Pilyo kong tugon na ikinapanlaki ng mata niya.

"Ano?!"

"Magbibihis na ako, Ate. May bakas ka pa sa gilid ng labi mo, pakipunasan naman." Huling sinabi ko at iniwan sila na mga tulala sa gulat.

--

Zevia's Pov

"#069, Sta. Salcedo, Virginia.. Hayun!" Sabi ni Esor at itinuro sa akin ang isang building sa hindi kalayuan kaya nagpasya kami na pumaroon.

"GCA Corporation.." Pagbasa ko mula sa pangalan na nasa taas nito.

"Halika na, pumasok na tayo!" Sigaw nito at dali-dali na kami pumasok sa loob at agad kong napansin na ang daming tao.

"Umakyat tayo sa taas." Sabi niya at sinundan ko ito hanggang makarating kami sa parang pinakamagandang view para makita ang mga naghaharap sa arena.

"Mga minamahal naming mga tagasubaybay, inihahatid namin sa inyo para sa aming main event! Ang pakikipaglaban ng tugon sa tanong na, pera o buhay!" Sabi ng parang announcer na payat na may hawak ng mic at dahan dahan na binuksan ang gate sa areana.

"Mula sa mga pamilya ng mga patay gutom at ang walang kinatatakutan na hangal, Kisami!" Pagpapakilala nito sa isang lalaki na nasa baba, payat ito ngunit makikita mo na batak ang mga muscles nito sa katawan.

Kasunod naman nitong ipinakilala ang isang malaking mama na may suot na kadena sa kamay at paa, may gulanit na damit at tila ba naglalaway.

At tinawag niya itong Amaw.

TLP: Night Runners Z ( Zombie Series 3 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora