3rd Person's POV
Buong umaga sa main office ng kumpanya si Conrad, dino-double check ang mga dokumentong nangangailangan ng approval at pirma niya.
Anak man sa labas, siya ang namamahala sa mga negosyo ng ama dahil na rin sa unang-una, siya ang tagapagmana ng multi-million businesses nito as stated in his grandfather's last will and testament. At pangalawa, ay dahil na rin sa taglay niyang karisma, sharpness, at angking kahusayan sa pagnenegosyo.
Mula nang malaman ng ama niyang competent siya sa larangan ng pag-aaral lalong-lalo na sa kursong kinuha niya na Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) major in Business Economics, kahit wala siyang suportang nakukuha rito at nag-working student pa para lamang makapagtapos ng pag-aaral, idagdag pa ang gilas na ipinamalas niya noong nag-OJT sa kumpanya ng sarili niyang ama, na noon ay wala siyang kamalay-malay na ito mismo ang may-ari, ay ganoon na lamang ang pagnanais nitong ibigay sa kanya ang nararapat na posisyon sa negosyo ng pamilya.
At dahil na rin sa hindi na nagkaanak pa ng lalaki ang kanyang ama, at dalawang babae lamang ang naging anak nito sa asawa, ay pinilit siya nitong mamahala sa kumpanya kahit pa halos ikasira ito ng pamilya nito noon.
His father even used underhanded measures para lang mapa-oo siya nito at maging CEO ng kumpanya magpahanggang ngayon.
Nasa kalagitanaan siya ng pagbabasa ng mga dokumento, nang muling maalala ang pag-uusap nila ni Amorah dalawang linggo na ang nakalipas.
"Ano?! Okay ka lang? Adik ka, sir? Wag mo nga akong pag-trip-an! Dahil ba sa nakuha mo na'ng pagkab**e ko kaya iniisip mo'ng bibigay lang din ako sa gusto mo? Na pag inalok mo'ko ng kasal, ibibigay ko lang din 'to sa'yo ng paulit-ulit? Gano'n ba kababa ang tingin mo sa'kin?" asik ni Amorah sa kanya matapos niya itong alukin ng kasal.
Bahagya siyang nagulat sa pinaghalong inis at pait sa reaksyon nito, na tila ba na-offend sa 'di niya malamang dahilan sa kabila ng pamumula ng mga pisngi nito.
Hindi niya inasahan ang sagot ni Amorah kaya sandali siyang natigilan. At napaisip. Naroon man ang panlulumo at kirot sa kanyang puso sa tinuran nito, ay may parte sa puso niyang inasahan na ang ganitong reaksyon.
He knew he can't blame her after what he did 3 years ago.
Pero kahit na gano'n, hindi niya maiwasang magtaka rito. She seemed on guard, like he's a stranger to her, like how she was on their first meeting three years ago.
"N-no, babe. Seryoso ako. I..."
Agad niyang ginagap ang mga kamay nito na para bang sa pamamagitan noon ay mababatid nito na seryoso siya at makakaasa ito sa sinasabi niya.
Tinitigan niya ang nagtatakang mga mata ni Amorah. "I really wanna marry you. I know hindi mo na ako dapat pagkatiwalaan pang muli dahil sa mga nagawa ko noon, and I am begging for your forgiveness, Amorah. Please forgive me, babe. This time... please give me this one last chance para patunayan sa'yong totoo ang nararamdaman ko. I can't live without you..." himig pagmamakaawa niya kasabay ang pagbalong ng masaganang luha.
Nasaksihan niya ang pagbilog ng mga mata ni Amorah, pati na ang pag-awang ng mga labi nito na tila ba nasurpresa sa mga sinabi niya. Na para bang may nadiskubre itong lihim na ipinagbabawal ibahagi. Ngunit agad din nitong naitago iyon at pinakalma ang pagtitig sa kanya na para bang malik-mata niya lamang ang lahat.
Nagtagis ang bagang nito. Nawala ang kanina'y banayad nitong mga titig at napalitan ng nag-aalab na galit.
Hindi niya maintindihan pero may kung ano'ng kakaiba sa mga tingin nito. Na parang... hindi ito ang Amorah na nakilala niya.
Gayon pa man ay ipinagpatuloy niya ang pagsuyo sa dalaga sa pag-asang bibigyan siya nito ng isa pa'ng pagkakataon... isa pa'ng pagkakataon sa pag-iibigan nilang naudlot tatlong taon na ang nakalipas.

YOU ARE READING
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...