39

12 1 0
                                    

SEAN

Dyos mayrosep kayong mga bata kayo, anong ginawa niyo, gulat na sabi sa amin ni tita Tera at pareho din kaming nagulat ni DJ sa mga pangyayari.

Ah, tita, sabi ko kay tita Tere.

Ano iho, nakagawa na ba kayo ng baby ninyo? tanong nito sa amin

Ah, ma, hindi napagod lang talaga ako kanina sa pagbubuhat namin ng tatlong kahon na pinadali niyo sa amin at mukhang rumupok lalo ang buto ko nang marinig kong sumigaw ka ma, pagdadahilan ni DJ kay tita.

Ah, ganun ba, akala ko may kaka-apo na kami ni kumare eh, bat kase nakahiga dyan anak, maryosep ka talagang bata ka, oh sya, mag pahinga kana na muna at itong asawa mo ay hihiramin lang namin para mag ayos sa darating sa swimming get away natin sa Friday excited na ako, sabi ni tita sa amin nang may pagka-oa na boses.

Ah ganun ba ma, sabi naman ni DJ.

Oo ganun nga DJ, kaya kung ako sa'yo magpagaling kana kaagad para makaiscore ka ulit dyan kay Sean, pang aasar sa amin ni tita.

Ma, anong maka-iscore? tanong ni DJ sa mama niya.

Alam ko naghahalikan kayo kanina, hindi ko naman pinagbabawal yun eh, tama yan mga gwapo kong anak, hayaan niyo pag nagka-apo kayo ako ang bahala sa binyag niya,hahaha, tunog baliw na sabi sa amin ni tita.

Naku ma, puro ka talaga kalokohan din eh no, sige na nagpapahinga na ako para makapaglaro ulit kami ni Sean, sabi nito sa akin sabay nakita ko pang kumindat sa akin tong si DJ sana nga ay hindi nakita yun ni tita, sobrang nakakahiya na nang maabutan niya kaming naghahalikan.

Oh, sya sige, Sean sumama kana sa akin, hayaan mo na yang si DJ mag iinarte lang yan sa'yo kase crush na crush ka nyan, lang aasar mi tita sa kanyang anak

Ma, naman eh, inis na sabi ni DJ kay tita at kita ko na namula pa ang kanyang mga pisngi ng marinig niya na crush na crush niya ako.

Lumabas na kami ni tita sa kwarto ni DJ at doon nakita namin si mama na labis kung makangiti sa akin.

Ma, anong nangyari? lumapit ako at tanong ko sa kanya.

Ah, bakit ako ang tinatanong mo nyan anakz dapat ikaw ang tinatanong ko nyan, anong nangyari sainyo ni DJ? tanong ni mama sa akin.

Wala naman ma, sabi ko sa kanya.

Ah, talaga ba? pangungulit sa akin ni mama at pang aasar, wala naman akong nagawa kundi ang maglamon nalang sana sa kahihiyan ngayon.

Ah, ma, kaysa inaasar mo ako, tulungan nalang kita dyan, sabi ko sa kanya.

Ah, wag mong ibahin ang usapan natin, alam ko gusto mo na din si DJ? sabi nito sa akin.

Ma, nakakahiya kay tita, sabi ko kay mama sabay tingin kay tita Tere na naghuhugas ngayon ng mga gulay at prutas sa lababo bago niya ito ipasok sa loob ng kanilang ref.

Hehehe, anak ayos lang naman yun sa amin ni tita mo, ano masarap ba ang anak ni tita Tere mo? tanong na pang aasar sa akin ni mama.

Ma, naman eh, hinalikan ko lang siya kase nangungulit si DJ alam mo naman na hindi ko rin matiis yung kakulitan nun eh, sabi ko sa kanya sabay yuko.

Hoy ano ka ba Sean, bat halik lang, atsyaka balita ko masakit daw ang katawan niya, siguro may ginawa kayo no? lalong mabg iintriga sa akin ni mama.

Ano ka ba ma, wala, napagod lang yun kakabuhat kanina sa tatlong kahon na mula sa kanto papasok sa bahay nina tita.

Nakita ko naman ang pang aasar na mukha ni mama na mukhang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

Hindi ako naniniwala, biglang sabi ni mama kaya't lalong pinagpawisan ako ng malamig.

Ah, ma bahala kayo dyan, ayoko niyo nan maniwala talaga sa akin eh, tampomg sabi ko sa kanya.

Pero anak, kahit aking mangyari ang dito lang ako ah, laging tatandaan na wala sa akin kung maging ano ka man, maging lalaki, bakla, tomboy, bisexual, pok pok at maging macho dancer sa adonis gay bar basta ang mahalaga sa akin ay kasama kita at masaya ka sa ginagawa mo at di mo nararamdaman na pagkukulang kang pasayahin ang sarili mo, mahabang paalala sa akin ni mama.

Sandaling napatingin naman ako sa sinabi ni mama sa akin kaya agad ko itong niyakap at wala akong masabi ngayon sa kanyang ibinilin sa akin.

Sobrang nagpapapsalamat ako lalo na't may mga magulang akong tanggap ako kahit ano man ang maging desisyon ko sa buhay at nais kong tahakin, labis din akong nagagalak dahil kahit maging sinuman ako sa paningin ng maraming tao ay suportado nila kung ano man ang kasarian at estado ko sa buhay.

Naramdaman ko na may yumakap din sa aking likuran ng makita ko iyon ay si tita Tere pala kaya lubos din akong natuwa dahil andyan sila sa amin ni DJ at sinusuportahan nila kami.

Ah, ang sweet mo talaga iho, kaya nagustuhan ka ng anak ko eh, sabi ni tita sa akin.

Hindi naman po tita, nahihiya ng sabi ko sa kanya.

Tara na mag ayos na tayo ng mga pinamili namin at mamaya buksan na din yung tatlong kahon doon oh, sabi at pagturo ni tita sa tatlong kahon na inusog pala ni DJ malapit sa kwarto nina tita kanina bago siya matulog.

LOVE, SEANCODY (BL) ✓Where stories live. Discover now