41

9 0 0
                                    

SEAN

Buong maghapon kami nag asikaso nina mama at tita Tere para sa swimming namin sa biyernes. Alam naman namin na miyerkules palang ngayon pero tong mga nanay ko eh, parang mga atat na talaga sa pag aayos sa darating na swimming namin sa biyernes na magtatagal hanggang sa linggo.

Ah, Sean iho, maari ba kitang utasan, pwede ba na ikaw na muna ang magluto ng ating pang gabihan ngayon kase mag kakaroon din muna kami mamayang alas syete nina ate Sharon mo sa labas para sana sa gaganaping nating swimming sa biyernes, utos na sabi sa ni tita.

Wala naman na akong nagawa kay tita at para sa amin din naman itong gagawin ko kaya agad naman na akong tumango, nakita ko naman na binigyan ako ng isang matamis na ngiti ni mama.

Nang sabihin ni tita ang magiging ulam namin para ngayong araw ay kaagad na akong tumungo sa kusina.

Pinagluluto ako ni tita ang adobo at buti nalang ay may kaunting kaalaman ako tungkol sa pagluluto nito.

Kinuha ko ang baboy muna sa ref nina tita at doon ko na sinulan linisin ito, matapos nun ay nag hiwa na din ako ng mga sibuyas at bawang, inihanda ko na din ang mga gagamitin kong kasangkapan sa pagluluto ng adabo.

Masasabi ko na buti nalang ay sanay na ako sa paikot-ikot na gawain dito sa loob ng kusina nina DJ lalo na't minsan talaga ay pinagluluto ako ni DJ ng kanyang pancake at mga meryenda. Sa totoo lang, ako talaga ang kaibigan ni DJ na marunong mag luto hindi kagaya ng iba namin na katropa na puro lamon ang ang alam gawin at itong tukmol na si DJ naman ay batak na sa paghuhugas ng mga pinggan.

Matapos kong magisa ang mga kailangan kong iluto ay inumpisahan ko nang mag luto ng aming adobo na pang gabihan. Pinaganda ko talaga at siniguro kong magiging malasa at maayos ang pagkakatimpla ng aking adobo para naman lahat ng pagod nila tita ay mawala pag matikman nila ito.

Nasa kalagitnaan na ako nang aking pagluluto nang biglang tawagin ako ni tita Tere at magpa-alam sila na lalabas na muna sila upang pumunta kay ate Sharon upang makipag usap tungkol sa gaganaping swimming namin sa biyernes.

Sean, iho, lalabas muna kami, pakibantayan muna ang bahay ah, pati si DJ, una na kami, sabi ni tita sa akin.

Hoy, Sean, mag ayos ka dyan ah, ayusin mo yung pagluluto mo dyan, sabi sa akin ni mama.

Opo, ako na po ang bahala at susundin ko po ang sinasabi niyo, sabi ko sa kanila.

Naka-alis na nga sila mama at tita Tere sa bahay at ako naman itong pinagpatuloy na ang pagluluto. Naghugas na din ako nang mga naging hugasin namin kaninang hapon mula sa miryenda habang patuloy kong hinihintay na maluto ang aming ulam na lang gabihan.

Matapos kong maghugas sa mga natitira naming mga hugasin kanina ay nakaisip na din akong mag saing ng tatlong gatang, kilala ko si tita di naman yun magagalit kung damihan ko ang pagluluto ko lalo na't dito rin naman kakain si tito eh pag uwi sa kanyang byahe.

Matapos kong mahugasan ng bigas ay kaagad ko na itong isinalang sa rice cooker nina tita at bago pa man ako tuluyang bumalik sa kusina ay nais ko munang icheck ang natutulog na si DJ.

Mahinahon at tahimik akong pumasok sa kwarto ni DJ at doon nakita ko ang kabuan ng kanyang katawan, kaibigan ko itong si DJ at kahit kailan ay hindi ko na isip na pagkainteresan ang kanyang katawan kagaya ng pagkainteres niya sa akin. Naramdaman ko na humihilik pa ang tukmol pero mahina lang naman, halatang pagod ang buang na to kakatakbo namin kanina at sa pagbubuhat pa ng mga karton.

Bago pa man magising ang dragon na nasa loob ni DJ este ang tukmol na 'to ay kagaad na akong lumabas at inalalayan ko na ng bantay ang aking niluluto.

Mahigit 30 minuto din ay nakita kong luto na ang aking adobo na inihanda ko para sa aming pang gabihan ngayon.

Alas-otso na nang maisipan kong maghanda na ng aming pagkain nina tita at mama, matapos kong maisalin sa isang mankok ang adobo na aking niluto ay naisipan ko na din magsandok ng aming kanin at ilalapag ko palang sana ang pinggan na may puno ng kanin nang biglang narinig kong mukhang nakabalik na sina mama at tita dito sa bahay.

Ma, kamusta? tanong ko kay mama.

Ayos naman daw anak, atsyaka ka nga pala, mukhang madami daw tayo niya ngayon sabi ni tita Sharon mo, sabi sa akin ni mama.

Ganun po ba, oh, mukhang masaya nga yan, magsayang sabi ko rito.

Oo iho, dahil marami daw tayo mukhang tatlong araw tayo doon mamamalagi, ang mga gamit na ating mga dadalhin ay dapat sobra na kung maganda, sabi sa akin ni tita.

Naku po tita, mukhang mas nakakaenjoy po ang swimming natin ngayon, mukhang matutuwa nyan si DJ, biglang sabi ko kay tita.

Naku, ipinasok at idinahilan mo pa iho ang anak ko para sumaya ka, oo na, kayo na talaga, bentang benta kami sa kaharutan ninyo, sya nga pala iho, si DJ gising na ba? tanong na sabi sa akin ni tita.

Naku tita, di pa nga po eh, gisinging ko na po ba tita? pagtatanong ko kay tita.

Ay, naku iho, oo pakigising na yan, naku nasunugan na siya ng araw lahat-lahat tulog pa din, gisinging mo ba siya iho nang sabay-sabay na rin tayong kumain at magkapag-gabihan, sabi sa akin ni tita at ako naman ay kaagad naman nang napatango sa sinabi ni tita.

Inilapag ko muna ang hawak kong pinggan ng puno ng kanin sa lamesa namin at nakita kong mukhang napagod talaga sila kaya bago pa man ako tuluyang pumasok sa kwarto ng tukmol na si DJ ay binigyan ko muna ng tubig ang mga nanay ko.

Nang mabigyan ko na nang tubig sina mama at tita ay naisipan ko nang pumasok at hindi ko na masyadong binuksan ang ilaw ni DJ ngayon sa loob ng kwarto niya ngunit kita ko pa din ang labis na katipuhan ng kanyang katawan habang nakahiga.

DJ, tara na kumain na tayo, sabay-sabay na daw tayong kumain sabi ni tita, sabi ko sa kanya at naisipan ko pang hawakan ang kanyang ulo at mga buhok upang paglaruan ngunit ang sarap pa din ng kanyang pagakatulog kaya mga ilang minuto din akong naghintay talaga na gumalaw ang tukoml na 'to at gumising para kumain kami.

LOVE, SEANCODY (BL) ✓Where stories live. Discover now