52

18 0 0
                                    

DJ

Tahan na, hayaan mo na yung babae na yun, this time magmove kana, hayaan mo na siya, kung hindi kana niya gusto, huwag mo din siyang gustuhin, sayang lang tong kagwapuhan mo kung iiyak ka lang sa lintek na babae na yun, sabi ko sa kanya.

Totoo gwapo ako para sayo? pagtatanong nito sa akin.

Oo malamang lahat naman at tayo gwapo, lahat tayong mga iniwan at hindi pinili gwapo, sabi ko sa kanya habang yakap-yakap pa din itong si Kyle.

Hehehe, baliw ka talaga, pero diba sabi dapat ipaglaban ko na siya, dapat ngayon mas gumawa na ako nang aksyon para malalapit sa kanya, sabi nito sa akin.

Sa tingin mo ba ilalaban mo pa ang nararamdaman mo? kapag sa tingin mo unti-unti mo siyang nababago at nakukuha ipagpatuloy mo, pero kapag naramdaman ko na siya na mismo ang umiiwas sayo, ikaw din mismo dapat handa na siyang palain, sabi ko sa kanya.

Hehehe, hayaan mo bukas uumpisan ko na siyang kausapin, mas pansinin at kapag naging kami, ililibre kita ulit, kakain tayo sa kahit anong gusto mo, sabi nito sa akin.

Siraulo ka talaga, pag ako tumaba ngayong bakasyon, ikaw sisihin ko ah, sabi ko sa kanya.

Anong mataba, ang cute mo nga eh, pakiss nga, pina-iyak mo ako eh, sabi nito sa akin,

Hehe, baliw ka talaga, ito kanin mo yung binili mong clover bits ang laki-laki neto eh, sabi ko sa kanya.

Malaki na ba yan, mas malaki nga to eh, sabi nito sa akin sabay tingin sa kanyang suot na pang ibaba.

Ang bastos mo pre, mahiya ka may babae dito oh, sabi ko sabay tingin sa babaeng nagtitinda dirto sa Angels Burger.

Hayaan mo nga siya, wag kang mahihiya kapag kasama mo ako, gusto ko kung gaano mo ka-close si Sean, dapat ganun mo din ako ka close please, sabi nito sa akin sabay nag pout pa sa akin.

Gagi ka pre, ang panget mo magpacute nakaka-inis lalo sabi ko sa kanya at nakita ko namanna tinawanan lang ako ng tukmol na to.

Pareho kaming nag uusap ni Kyle at kumain ng binili naming snacks sa Ministop, kung tinatanong niyo kung anong ginawa ng nagtitinda ng Angels Burger dito, ito nagcecellphone lang at mukhang wala naman costumer ngayon buti na nga lang ay di kami napagkakamalang customer ni Kyle. Kundi nagpapabili nanaman tong kasama ko ng makakain namin.

Hoy, DJ, bagal-bagalan mo nga dyan, kumain baka mabulunan ka ah, sabi nito sa akin.

Kaya ko to, sabi ko sa kanya.

Kaya mo nga pero mukhang masusuka kana, ito kaya kaya mo sabi nito sa akin sabay tayo sa aking harapan at mukhang may balak pang buksan ang kanyabg zipper sa lang ibabang kasuotan niya.

Hoy, tangina mo talaga, sabi ko sa kanya.

Hoy, nagmura ka nanaman ah, sabi nito sa akin.

Sorry na po, sabi ko sa kanya.

Anong sorry-sorry luhod, subo mo 'to, sabi niya sa akin sabay tawa nang malakas.

Hoy nakakahiya ka, ang lakas mo tumawa, sabi ko sa kanya.

Hinaan mo nga yang boses mo, pahabol ko lang sabi sa kanya.

Hehehe, oo na, basta may punishment ka ulit, ah, ano kaya pwede mong gawin? sabi nito sa kanyang sarili at kunyare nag isip pa talaga kung pano niya ako pagtitripan.

Ah, alam ko na, sabi nito nang mahigit 5 minuto siyang maglinis ng gagawin niyang punishment para sa akin, iniisip ko naman na sana hindi mahirap at hindi nakakahiya tong ipagagawa nito sa akin ng tukoml na to.

DJ, diba gusto mo akong maka move on ng tuluyan, sabi nito sa akin.

Oo naman, tarantado ka ba, ayoko na magkaroon ako nang kaibigan na bobo habang buhay, sabi ko sa kanya.

LOVE, SEANCODY (BL) ✓Where stories live. Discover now