TMIK5

158 7 2
                                    

I was still down for the whole day I had my photoshoots. My make-up artist is kinda scared of moving around since I think he noticed that I am not really in the mood.

Pero nakaya naman. Sa wakas ay natapos rin na hindi man lang nagbabago ang pakiramdam ko.

"May pupuntahan pa ba tayo, ma'am?" The driver asked.

Kasalukuyan na akong nasa sasakyan ngayon. Ni hindi man lang nagpaalam ng maayos sa mga staffs.

"Let's go to a club."

Wala namang sinabi ang driver at pinaandar na ang kotse.

Gusto kong uminom nang matauhan naman ako sa pagiging gaga ko. Ano bang ikinagagalit ko? Na hindi nagpaalam ang bodyguard ko sa akin? Na sumagot ang asawa niya sa tawag?

Ah, basta! Gusto ko lang din uminom ngayon! Bawal ba?

Nagpahatid ako sa Core...ang club na pagmamay-ari ng kakilala ko. My so-called "friends" are chatting me nonstop and I don't want to reply to them. Gagamitin lang din ako ng mga gagang iyon. Isa pa, gusto kong mapag isa.

I was silently drinking when a man approached me.

"Why does a gorgeous lady look so alone here?"

I rolled my eyes. Cringe. Pare-parehas na linya. Nakakasura.

Nilingon ko ito. He doesn't look bad, though. I raised my eyebrow. "What can you do about it?"

He smirked and just went closer. I didn't expect him to lean more but he actually did until he reached my ear...

"Do you want to dance, gorgeous?"

I pushed his chest and smirked.

Minutes later, I found myself making out with the guy. He's not a bad kisser though. I actually enjoyed it a little. I was thankful because I forgot Seph-

"Ouch!" Napadaing ito.

"Oh, sorry!" Agap ko naman. Napadiin kasi ang kagat ko sa labi nito nang maalala ko ang taong pansamantalang kinakalimutan ko. Punyeta! Nawalan tuloy ako ng gana!

Bumaba ako galing sa pagkandong sa lalaki na si—fuck, di ko na matandaan ang pangalan niya.

Are you also wondering where we were making out?

Nasa loob lang din club. Sa isang sulok. I made sure na walang makakakita sa amin and I was also confident because people are also doing the same thing. Nag iingat lang ako because the first thing I don't want to happen is to have a scandal. I can't afford to ruin my name like that. Knowing that this is also my first time doing this.

"Hey, we're not done yet."

I chuckled. "We are. Why don't we just drink some more?"

He looked at me with dismay. But not long enough when he shook his head and smirked at me.

But before we could even walk towards the bar to buy some drinks...I felt like my soul left me when I saw the man standing a few chairs from where we were."

His cold eyes looked at me with disgust. His face was stoic especially when our eyes met.

Why the fuck is he here? Bakit siya nandito? Where is his wife? Assuming ka lang, Zehra. Baka naman kasama niya asawa at lumabas sila?kPumait naman ang pakiramdam ko sa naisip kaya binalingan ko ulit ang lalaking kasama.

"Let's go?" I sweetly smiled at him.

Inangkla ko pa ang braso ko sa lalaki. Pero ang totoo ay parang nanghihina ang mga tuhod ko lalo pa't alam kong pinapanuod ng isang lalaki ang galaw ko.

Bago paman namin ito malampasan ay sinalubong naman kami nito kaya't napahinto kami.

"Uuwi na tayo." Sabi nito.

"I'm sorry, dude. We don't know you." Sabi ng lalaking kasama ko ngunit binalewala lang ito ni Seph at nakatitig parin sa akin.

Napatiim-bagang naman ako. Bakit ba siya nandito? Alam niya namang nag e-enjoy pa ako. Where's my driver, anyway?

"Hey...can you get out of our way? You're ruining our night."

Seph's jaw clenched. I also saw his hands formed into a fist. Ni wala na akong oras ma appreciate ang panga nito dahil natatakot akong magkagulo.

Bumaling ako sa kasama ko. "It's okay. I know him."

Inis naman itong tumingin sa akin. "Is he your crazy ex?"

Lul! I wish!

Wait-what?

Sinulyapan ko ang lalaking nasa harap at nakatitig parin siya sa akin. Para bang isang sundalong hindi gagalaw hangga't hindi nabibigyan ng command.

"No! He's my bodyguard."

Sinabi ko na ang totoo dahil nagsimula ng mainis ang kasama ko. Concern ako sa kanya dahil alam kong wala siyang laban sa bodyguard ko kung magsimula man siya ng gulo.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa sasakyan kasama ang sumundo sa akin. Hindi ako umimik kahit nang magbyahe kami pauwi. Kating kati ang dila ko at gustong magtanong kung bakit siya ang sumundo sa akin gayung hindi siya pumasok ngayong araw. Kaya lang wala akong ganang kausapin ito.

Pinanood ko nalang ang mga bahay at punong nadaraanan sa byahe. Ramdam ko naman ang pagsulyap sulyap nito sa rearview mirror.

Gusto ko rin sanang sabihin na ang gwapo niya lalo ngayon pero nang maisip na galing siya sa asawa niya...na magkasama sila kanina ay nagbibigay pait sa akin.

Seriously, Zehra...you have to stop this foolishness as soon as possible!

Hindi ko naman hinangad ito, ah!

Ba't ba kasi tayo nagkakagusto sa hindi mapapasa atin? Sino bang nagpauso noon at kakaltukan ko! Nandadamay pa siyang punyeta siya!

Mariin akong napapikit ng mariin habang kinakalma ang sarili.

"Are you okay?"

Napadilat naman ako nang marinig ko ang boses niya.

Jusko! Araw-araw akong sinusubukan at susubukan ni lord! I was suspposed to enjoy this night!

"Hey.." tawag niya ulit nang hindi ako sumagot.

"Y-Yes!"

Yun lang ang tanging naisagot ko. Boba ka self.

I just prayed na sana mapabilis ang byahe nang makapag pahinga na rin ako. Pagod na pagod ako sa kakaisip kung paano ko maiiwasan ang lalaking ito!

Should I just tell my parents?

Baka ano naman ang masabi nila...na nagkagusto ako sa may asawa...

Pero nagkagusto lang naman...hindi ko naman sisirain..

And...I also felt like he really loves his wife based on how he tell someone about her. Minsan ko kasi silang narinig na nag uusap ni kuya Armand.

Una pa lang, talo na.

The Moment I Knew Where stories live. Discover now