#TMIK6

115 7 3
                                    

Hello guys!

I am very sorry for being inactive for how many months. I was just trying to find my way back to the writing world and also busy with work. 

Since madaming request, here's an update for The Moment I knew.

PS: It's unedited! Feel free to correct me if you see some typo errors and grammatical errors. Thank you!

-------------------

Mapayapa naman ang nagdaang mga araw para sa aming mag ina. Patuloy pa rin ako sa pagtitinda ng mga isda o seafood na naaangkat sa mga mangingisda. Masaya naman si Zoey sa mga kaibigan na si Jojo at Tina na mababait din dahil sinisigurado nila palagi na hindi masyadong hinihiningal si Zoey sa mga laro nila.

Ilang buwan ang lumipas at okay naman ang naging sitwasyon namin. 

"Uuwi ka na ba kaagad, Zehra?" tanong ni Nanay.

"Opo. Alam niyo naman po na ayaw ng makulit na iyon ang pinaghihintay."

Ngumisi naman si Nanay at tumango. "O siya. Pero kapag may oras kayo, punta kayo sa may plaza."

"Ano pong meron, 'Nay?"

"May bagong dayo at lumipat dito sa baryo natin. Mayaman at namimigay ng mga pagkain pati damit sa mga tao dito."

"Baka naman ho doktor at may medical mission dito sa atin." sagot ko naman.

"Hindi ko rin alam. Pero ang sabi sabi, e, binili iyong bahay na matagal nang walang nakatira at mamimigay daw ng tulong dito sa atin."

Tumango ako. "Ah, sige 'nay. Pero hindi pa po ako sigurado at walang maiiwan sa makulit na Zoey."

"Dalhin mo nalang. Hapon na kayo pumunta nang hindi mainitan ang magandang bata na iyon. Namumula pa naman kayo kapag naiinitan." Umiiling na ngumingising sabi ni Nanay.

Totoo naman. Isa din iyon sa nakuha sa akin ni Zoey. 

"Tatanungin ko po, 'nay kung gusto n'ya." 

"Sabihan mo sasama sina Jojo at Tina sa akin at tiyak papayag kaagad iyon."

Pagka uwi ko sa bahay ay kaagad akong nagluto ng umagahan at inasikaso si Zoey na ngayon ay nag co-color color sa drawing book na binili ko para sa kanya. Gusto na daw kasi niyang mag aral kaya lang hindi ko pa siya pinasok dahil sa edad niya kahit alam ko naman na kayang kaya niya dahil matalino siya. I still want her to experience being a child of her age, though she's more mature mag isip sa edad niya pati talino niya.

"Anak." Kuha ko sa atensyon niya. She looked at me with her gray eyes.

"Do you want to go to the plaza? Someone's giving food and help to us there."

Tiningnan niya ako ng ilang segundo bago bumuntong hininga. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa biglang pamumula ng kanyang ilong at parang naiiyak na.

Agad ko siyang dinaluhan at hinawakan ang mukha gamit ang dalawang kamay.

"What's wrong, baby?" I worriedly asked here. 

"Are we poor na, mommy?" she pouted her lips.

"What? Why?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Are we pulubi na that's why we will ask for food na from other people? Is it because Zoey's sick? Nauubos ang money ni mommy because of Zoey's medicine?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngayon ay may tumutulo nang luha sa magkabila ng kanyang mapupulang pisngi. 

"No, anak. We are fine. Mommy is saving for the both of us and especially for you."

"They why are we asking for food from other people? You can tell me the truth mommy."

My heart swelled with so much love for this baby girl. She is really precious. So, so precious. My treasure.

"No, po. Mommy and Zoey are still okay. We have food and things for us. It's just that someone bought a house here near our place and is giving help to other people. It's not bad to ask for help, especially if you badly need it and if it is given to you genuinely."

Nakinig naman ito sa akin. "And isa pa, tanggapin natin ang kung anong blessing ang darating. Masamang mag say no sa grasya, mahal ko. And Jojo and Tina are coming with Nanay Nancy".

Kaagad napalitan ng saya ang kanyang mga mata nang mabanggit ko ang kanyang mga kaibigan at kaagad na nagsabing sasama siya at pupunta kami. Ngayon ay bumalik na siya kaagad sa ginagawa at parang nakalimutan na niya ang sinabi kanina. Ngunit ako, hindi.

I was still stunned by the fact that she is worried na baka nahihirapan na kami dahil sa kanya. Dahil sa sakit niya at dahil sa mga mahal niyang gamot. 

May kaunti naman akong naipon para sa pang araw araw namin at may naitabi akong pera na naipon ko noong nagta-trabaho pa ako. Kung noon, matagal na akong nakabili ng mga bagong labas na bagay sa chanel or even YSL and Celine. But now, I'm saving it for my daughter. Nagpapasalamat lang ako't hindi mahal ang pangangailangan namin araw-araw kaya't nakakaipon parin ako at hindi ko nagagalaw iyong perang itinabi ko kung sakaling kinakailangan na talaga. 

Nang dumating ang hapon at nag gayak na kami't ayoko ring gabi na kami makauwi. Madami nang tao nang makarating kami doon sa plaza. Kaagad namang lumapit si Tina at Jojo sa amin nang makita kami.

"Not too much, please." Pagpapaalala ko sa kanila na nagpapaalam na maglaro.

"Thank you, mommy!" 

Nginitian ko ito at binalingan si Nanay. May narinig akong bulung bulongan sa mga tao lalo na sa mga kababaihan kaya't tinanong ko si Nanay tungkol doon.

"Ay naku! Sabi ng mga nandito kanina pa, e, ang gandang lalaki daw noong bagong lipat. Kaya't hindi pa umuuwi iyang iba at nais masilayan ulit ang lalaki."

Iyon lang naman pala. Akala ko kung ano na.

Sabay kaming pumunta ni Nanay sa kung saan make-claim ang bigas at iba pang ipinamigay pagkatapos pumirma.

Hinanap ng mga mata ko si Zoey at baka masyado na naman iyong nag enjoy at nakalimot dahil sa paglalaro. 

Ganoon nalang ang kaba ko nang makita itong nakadapa at umiiyak. Kaagad ko itong nilapitan.

"Zoey!" 

Pero bago ko pa ito matulungan makatayo ay may taong nauna sa akin gumawa niyon. Pinagpagan nito ang dumi sa damit ni Zoey at pati na ang gasgas sa tuhod nito.

Zoey's crying badly now. 

"Mommy!" Palahaw na iyak nito.

"It's okay, big girl. It's okay."

Narinig kong sabi ng lalaki habang papalapit ako sa kanilang dalawa. Nakita ko naman si Tina at Jojo sa gilid at mukhang naiiyak na din. Hindi ko naman sila papagalitan. 

"Zoey!"

Wala akong ibang nagawa kundi ilapag ang mga bitbit at yakapan ito kaagad.

"It hurts, mommy."

Ilang minuto ko itong inalo bago ito kumalma.

"Can we bring her to my house? I have medicines there for her wound." 

Saka pa lang ako napabaling sa lalaking tumulong kay Zoey kanina.

The guy genuinely smiled kaya wala kaming nagawa kundi sumama upang magamot si Zoey.

The Moment I Knew Where stories live. Discover now