TMIK8

68 5 6
                                    

Hello, loves! As you can see...I changed my username from Aquariuspen to Njgorid. Napag alaman ko lang na madami akong kaparehas ng username at pen name. At may mga readers akong naguguluhan. This will be the first and last na mag c-change ako ng username.

Also, my updates are unedited. Feel free to correct me if may mga typo errors and grammatical errors kayong nakikita. Magiging active na ulit ang update sa lahat ng on goings ko. Thank you!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ilang araw ko nang napapansin na matamlay si Zoey. Wala naman siyang sakit o ano pero ni hindi na nga siya lumalabas para maglaro. Pinabayaan ko lang siya at baka may away bata lang din. Pero nang pumunta si Jojo at Tina dito para sabihing maglaro sila ay hindi rin siya sumama. Hindi ko na nga kinaya at nilapitan ko na ito. Palagi lang siyang nasa sala at nanonood ng cartoons. Pero tahimik pa rin.


"Hi, baby. Are you not feeling well?" dinama ko pa ang leeg at noo niya para masigurado.

Umiling lang ito at nagpatuloy sa panonood ng TV.

"C'mon...are you mad at mommy? Did I do something wrong?"

Umiling ito ulit sa akin. Napabuntong hininga na lang din ako. I am torn between making her say the reason why she is down these past few days but I also do not want to force her. Akmang tatayo na ako at babalik sa pagluluto nang bigla naman itong nagsalita.

"Mommy...

"I always see in TV that a family has a mommy and a d-daddy...and...and...my other playmates have their own daddy too..."

Kumabog naman ang dibdib ko sa sinabi ng anak ako. Hindi ko alam kung bakit parang nahihirapan akong huminga dahil tila nag iingat siya sa pagsasabi sa akin 'nun kahit na nanginginig din ang boses niya.

"But, why do I have none, mommy? Bakit wala akong d-daddy?"

Dati ko nang inisip kung ano ang isasagot ko sa kanya kapag dumating ang araw na magtatanong siya tungkol sa tatay niya. Iba pa rin pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na.

"Anak...

I took her from the sofa and made her sit on my lap.

"Of course, you have a d-dad...he is just...he is just working far away from here for us."

She pouted her lips. "But...but when is he coming back, mommy?"

"In a few years time, baby. But don't worry, nandito naman si mommy, di ba? Hindi ka naman iiwan ni mommy kahit kailan." I tried tko change the topic pero hindi naman umobra.

"Why is he working in malayo, mommy? Does he not want to see Zoey? Hindi ba niya miss si Zoey, mommy?" malungkot pa rin ito.

Hinaplos ko ang buhok niya.

Hindi ko alam kung nami-miss ka ng daddy mo, anak dahil ayaw naman niya sa ating dalawa dati. Kaya nga tayo nandito ngayon. Pero syempre hindi ko iyon sinabi sa kanya. Ayaw kong masaktan ng ganoon ang anak ko. Di bale na kung ako lang ang masaktan.

"Of course! Sino bang hindi makaka-miss kay Zoey? Ang bait bait ng baby ni mommy, e! Masunurin pa! He is just working far away from us so that we can have a better life. And he can buy you maraming toys as well." pinasigla ko pa ang boses ko para lang maniwala siya.

Kahit na bumigat na rin ang dibdib ko nang ma realize kong ang hirap pala nito. Ayaw kong itago ang katotohanan sa anak ko pero masyado pa siyang bata at hindi pa niya maiintindihan. Ayaw ko ring masaktan siya.

"Let's go! Help me cook yema na lang and then share it with your playmates. How's that sound?"

Mabuti na lang at bumalik ang sigla nito sa sinabi ko. Gustong gusto niya talaga ang tumulong sa akin sa kusina, kaya lang ay madali siyang mapagod kaya hindi ko rin siya pinapagalaw. Tapos ay paborito niya pa ang yema kaya't madali lang kausap.

Sana ay ganito na lang din ako, parang bata lang ma madaling makalimutan ang mga bagay bagay.

Pagkatapos namin ihanda ang niluto naming yema ay pinakain ko muna ito ng maayos bago pinayagang lumabas para maglaro. My daughter is already responsible at her age. She knows that she is not allowed to get tired and to play too much because of her sickness.

Nang makalabas ang anak ko ay plano ko lang din manatili sa bahay ngayon. Gusto ko lang din magpahinga matapos maglinis ng buong bahay at maglaba. Umupo ako sa may sala at napagdesisyonang manood ng TV at magpapaantok. Natawa naman ako dahil unang palabas talaga ay ang cartoon na gustong gusto ni Zoey. Nilipat ko ang channel at naghahanap ng mas maayos na palabas nang makita ang pamilyar na mukha ng isang may edad na babae sa TV. Napahinto ako at bumigat ang dibdib  nang makita kong lumuluha ito.

"Anak, Zehra, wherever you are right now, please come back home. Your dad is sick and we miss you so much anak. It has been years...please come home."

Nakatitig lang ako sa TV habang may mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. I haven't seen her face for years. I turned off the TV right away and just stared at it. My dad is sick....

My dad who gave treated me like a princess growing up...

My dad who always gave in to my whims and caprices...

My dad who always gave me everything I wanted before....

I wanted to be there for him...but what if I will see someone I am not ready to see yet? Pero uunahin mo pa ba iyan Zehra kaysa sa daddy mong may sakit?

I am not yet ready to let them know about my daughter yet. Hindi ko alam kung takot ako dahil itinago ko ang anak ni Slate at baka kunin niya 'to sa'kin...o baka wala siyang pakialam sa anak niya...

Ilang taon akong nagtago para mawala ang sakit na dulot ng taong una kong minahal...

Lumayo ako para sa akin at sa anak kong nasa sinapupunan ko pa lang ay wala nang pakealam ang tatay niya...

Kaya masisisi ba ako kung ang gusto ko lang naman ay maging maayos para sa akin at para sa anak ko?

Matagal akong nag iisip sa kung paano mapuntahan si daddy. Ayaw ko ring maging huli ang lahat...na baka may mangyari sa kanya bago ko pa man siya mapuntahan...ako lang ang nag iisang anak ni mommy at daddy...

Pero paano si Zoey?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Moment I Knew Where stories live. Discover now