Kabanata 15

95 2 0
                                    

Trust.

"Ang ganda mo, Miss. Pwede ka bang i-date?"

Inis kong sinamaan ng tingin si Cartier na nag-aabang sa akin sa labas ng aming suite. Humalakhak ito sabay hapit sa bewang ko. Hinalikan niya ang ulo ko pagtapos no'n ay kinuha ang kamay ko saka ito hinawakan.

"Galing mo mangbola," singhal ko sa kaniya.

"Honest lang po, Ma'am!"

Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti ko. Kakaiba na talaga ang epekto sa akin ng lalaking ito. Ang sarap sa puso. Masyadong healthy.

Pasko ngayon. At gaya ng inaasahan, sa New York kami nagplanong magpasko. Tinawagan ko rin si Mama at pinangako sa kaniya na sa kaniya ako magdidiwang ng new year's eve. Gusto kong siya ang kasama ko pagsalubong ng bagong taon e.

Hindi ko pa nga lang nakakausap si Cha tungkol sa plano ko pero may pakiramdam akong hindi siya sasama sa akin. Si Rei naman, hindi ko sigurado. Mukhang hindi rin dahil marami na ang tumawag sa kaniya para sa milyon-milyong offer.

Nagpasya kaming manood ng sine ni Cartier. Marami-rami ring tao sa mall dahil siguro ay pasko. Marami ring showing na movie at halos lahat iyon ay pinanood namin. Pagtapos namin manood, kumain kami sa isang seafood restaurant.

"May gusto ka pa bang gawin?" Tanong ni Cartier habang kumakain kami.

"Sex," mahinang bulong ko.

Malakas siyang naubo kaya naman natawa ako. Sinamaan niya ako ng tingin matapos niyang makabawi. Tinaas ko lang ang kilay ko sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.

"Anong plan mo this New year?" Biglang tanong niya.

Nilagyan niya ng laman ng crab ang plato ko. Pinanood ko siyang eksperto itong ginagawa habang umiinom ako ng juice.

"Balak kong umuwi ng Pontevedra. Miss ko na si Mama e," sagot ko.

Tumango siya. "Do you want me to come with you?"

"'wag na. Pakiramdam ko napapabayaan mo na company niyo kakabuntot sa akin," sabi ko.

"Nandyan naman si Carlo."

"Na nakabuntot din kay Rei."

Sabay kaming humalakhak sa sinabi ko. Totoo iyon. Halos magkamukha na sila kakadikit sa isa't isa. Naniniwala na ako sa sinabi ni Cartier na hindi na pakakawalan ni Kuya Carlo si Rei. Masyado niya nang binabakuran ito.

Gabi na nang makabalik kami sa suite. Mukhang wala rin ang dalawa dahil tahimik pagpasok ko. Pinalipat na kasi namin sa suit namin si Rei para magkakasama kami. Kinatok ko pa ang pintuan nila.

"May lakad din pala sila. Sana hindi muna ako nagyaya pauwi," nakasimangot na sabi ko.

Halos isang oras akong nagbabad sa bathtub. Kinausap ko pa kasi si Mama sa cellphone para batiin siya ngayon. Pagtapos no'n, nagbihis lang ako ng itim na pajama. Tinuyo ko saglit ang buhok ko bago nagpasyang katukin si Cartier.

"Wala akong kasama," nakanguso kong sabi nang buksan niya ang pintuan.

"Wala na naman si Charlynn?" Kunot-noong tanong niya.

"Nandito rin iyong boyfriend niya e," sagot ko.

Inalalayan niya ako nang makapasok ako sa suite niya. Naupo ako sa malawak na sofa tapos kinuha ang remote ng TV. Sayang naman ang pagstay niya rito kung hindi siya gagamit ng kuryente bukod sa pagcharge at Aircon.

"Bakit hindi niya pinakilala? Takot na takot ba 'yon?" Kunot-noong tanong niya.

"Kasi pakiramdam ni Cha pagbabawalan niyo siya," sagot ko.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now